YAMTF Kabanata: 11

29.6K 825 65
                                    

Hindi naman agad nakasagot si Raine, dahil hindi niya alam kung ano ang dapat niyang maramdaman ng mga sandaling iyon.

Nang hindi sumagot si Raine muli namang nagsalita ang ito, "Ulan, mabuti at nakarating ka."

Sa puntong iyon ay napabuntong-hininga ang dalaga, saka hinarap ang dating kaibigang si Josh. Tinitigan niya ito ng walang emosyon, dahil aaminin niya na naiinis talaga siya sa ginawa nitong pagdadahilan ng aksidente ni Icarus. Mataman n'ya itong sinilayan at masasabi niyang, ang laki na talaga nang ipinagbago ni Josh, ang dating nerd-looking, ngayon ay maihahalintulad na  sa hilera ng mga gwapo sa FTHS.

Napabalik lang sa kanyang katinuan si Raine hang muling magsalita ang binata, "Ulan ayos ka lang?" sabay wagayway ng kamay nito sa mukha ng dalaga.

"Ano ngang sinasabi mo?" biglang sambit niya rito.

Sa halip na sumagot ay ngumiti lamang si Josh, saka hinila ang kamay ni Raine papunta sa isang dinner set-up na naroon sa taas ng rooftop.

Nangunot naman ang noo ni Raine nang makita ang set-up na iyon, kaya naman ura-urada siyang nagtanong sa binata, "Josh, anong ginagawa natin dito? Kailangan kasi ako ni Icarus ngayon."

"Raine wala si Icarus dito, hindi totoo ang aksidente. Nagawa ko lang sabihin sa'yo 'yun dahil alam kong hindi ka makakatanggi pagdating kay Icarus." tiim bagang usal ni Josh, habang nakakuyumos ang kamao.

Bigla namang nag-iba ang awra ni Raine, nang marinig ang mga sinabi ng binata, "Hindi magandang biro 'yon, Josh! Ano bang gusto mong mangyari ha?! Pwede mo naman akong kausapin, hindi sa ganitong kasinungalingan na paraan!" singhal ng dalaga, dala ng sobrang kainisan.

"Raine, listen to me first," pagpipigil ni Josh dito. "Si Icarus ang may pakana nang lahat ng ito!"

Sa puntong iyon ay natigilan si Raine sa kanyang mga narinig mula sa binata, "Anong ibig mong sabihin?" naguguluhan niyang tanong dito.

"Kinausap ako kanina ni Icarus, at may ipinabibigay siya sa'yo." anito bago iniabot ang isang papel na nakatiklop, galing sa bulsa ng binata.


Raine,

Pasensya ka na kung hindi na ako nakapagpaalam sa'yo. Alam kong magagalit ka sa desisyon kong ito, pero Raine hindi ko na matutupad ang pangako ko sa'yo, na mamahalin kita hanggang sa huli. Masyado pa siguro tayong mga bata at hindi ko alam kung tama ba na naging tayo, nang hindi natin pinag-iisipang maigi. Patawarin mo ako Raine at kalimutan mo na ako.

-Icarus


Nang matapos basahin ni Raine ang sulat, ay agad nagbagsakan ang mga luhang kanina pa niyang pinipigilan.

Agad naman siyang niyakap ni Josh ng sobrang higpit, dahil alam niya ang tungkol sa pag-iwan ni Icarus sa dalaga.


Flashback


Abala sa pag-aayos ng locker si Josh, nang biglang may pumukaw sa kanyang atensyon, "Pare..." malumanay na usal nito, kaya't walang sabi-sabing nilingon ito ng binata. Nang makitang si Icarus ang tumawag sa kanya, ay mabilis ibinalik ni Josh ang atensyon sa kanyang ginagawa.

You and Me, Together Forever ✔️ (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon