CHAPTER 4: Hatid't Sundo

239 14 0
                                    

Okay, this is it! kakaharapin ko na ang salitang commute.

Hindi naman kase ako binibigyan ni Kuya Ren ng pera, sariling sikap to no. Aaminin ko, mayaman kami. Pero hindi ako inii-spoiled ni Kuya, ayaw nya kase na magaya ako sa mga mayayaman dyan na laging waldas ng waldas ng pera na akala mo naman madaling kumita. Piso nga lang mahirap na eh.

Si kuya kase yung nagpalaki saken, kase sila Mama busy talaga sila kaya ayon, si Kuya na yung kasama ko simula pa nung bata ako.

Kasalukuyang naghihintay ako ng taxi ngayon dito, nang may dumaang kotse na brand new. BRAND NEW AUDI A1 HATCHBACK. Oh ano? san ka dyan hahahaha.

At sa kasamaang palad, huminto pa to sa tapat ko. Kung saan, KUNG SAAN LANG NAMAN NAGSASAKAY YUNG MGA TAXI.

Pano naman ako makakasakay neto sa taxi kung nakaharang tong kotse na toh? Puchek na yan.

Napag-isip isip ko ng lumipat sa ibang pwesto. Masyado kaseng mapang asar yung kotseng HATCHBACK.

Nang paalis na ako ay pansing kong umandar yung kotse.

Hindi kaya isa to sa mga bagong labas na Robot sa Transformers? Eh wala namang binabalita na may bagong palabas yung transformers. Bahala nga sila dyan.

Umalis na ulit ako, nang paglakad ko naman ay bigla na naman itong umandar.

Nang lingunin ko iyon ay tumambad saken ang gwapo at maput----WHAT? Si Manunulak boy ba toh??

"Hoy balyena girl, sakay na." Pangiti-ngiting sabi ni manunulak boy.

Agad naman akong nagsalita.

"Thanks, but no thanks. Mas safe kung mag cocommute nalang ako kesa naman sumakay dyan sa kotse mo." sabi ko pa at nagpatuloy na sa paglalakad.

Nakita ko naman sa peripheral vision ko na sumusunod paren yung bagong labas na transformer na kotse nya.

"Hoy balyenang babae, kahit kelan talaga kasing kitid ng daan yang pag-iisip mo. Mas safe pa sa kotse ko, alam mo ba yon? Kesa naman sa taxi! Kidnappin ka pa nun eh." sya habang sinusundan nya ako sa paglalakad kasama nung Transformer nyang sasakyan.

Nilingon ko sya...

"Hoy mahilig manulak na lalaki, ayon sa pamahiin ko. Mas safe pa sa kotse ng iba, kesa sa kotse mo." sabi ko at nagpatuloy na naman sa paglalakad.

"Mas safe sa kotse ko, gwapo at mayaman yung nagmamaneho." sabi nya pa sabay wink.

Bigla na naman akong huminto.

"Wala akong pake sa kayaman at kagwapuhan mo." pataray kong sabi.

"Ms. Balyena girl, kung hindi ka sasakay dito sa kotse ko, bukas na bukas dapat hindi ko na makita yang pagmumukha mo sa school ko. Nagkakaintindihan ba tayo?" bigla namang naging seryoso yung mukha nya.

"Bwiset." padabog akong pumunta sa tapat ng kotse nya at nang tumingin ako sakanya ay bigla nya akong nginitian. NGINITIAN NG NAKAKALOKO.

"Ano ba? titingin ka lang ba saken o pagbubuksan mo ko ng pinto?" inis na sabi ko.

"None of the above." sabi nya at bahagya pang ngumiti.

"What??" iritang tanong ko.

"Buksan mo yan mag isa mo." sabi nya at sinara na yung window nya.

"Ikaw buksan mo." sabi ko habang papasok ng kotse nya.

"Tsk. Sasakay ka ren naman pala." sabi nya at tumingin naman ako sakanya.

"Oo nga eh." sarcastic kong sabi.

"Ano bang address ng bahay nyo?" tanong nya sabay tingin saken.

All Started with a planTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon