CHAPTER 45: Bad Temper

85 3 0
                                    

"Huy!" tawag nya saken.

Di ko pala namalayang nag nakatulala ako dito.

"Para akong tanga dito, nagsasalita ako di ka naman pala nakikinig." sabi nya.

"Tsk. Malay ko bang may sinasabe ka jan." sabi ko.

"Tara na, kanina pa tayo hinihintay na umalis, bagal mong kumilos." sabi nya.

"Eto na nga eh, binibilisan na nga eh." pataray kong sabi at inayos na yung dinala nilang bag.

"Akin na yan, ako na ang magdadala." sabi nya atsaka lumabas na. "Gusto mong kumain?" tanong nya saken.

"Hmm. Bakit? manlilibre ka?" tanong ko.

"Oo naman. San ba gusto mo?" tanong nya.

"Kahit saan, basta may makakain." sabi ko.

"Hmm may alam ako kung saan." sabi nya at dumire-diretso doon sa may bayaran ng bills.

Pake nyo ba? di ko alam tawag don eh. Malay ko ba tawag sa mga ganyan, basta bayaran yan ng bill.

"Woi!" pabulong na tawag ko sakanya.

"Para kang baliw jan. Ano ba yun?" inis na tanong nya.

"Wala wala. Bilisan mo." inis ko reng sabi.

"Miss eto na yung bayad sa Room 17." sabi nya dun sa Nurse.

Aba aba aba...nagpapacute pa tong nurse na to oh! Woi! may nililigawan na yan wag kang malande! aishhh! di required sa mga nurse ang magpacute sa mga pasyente o guardian ng mga pasyente! Kaasar.

"Tara na." sabi nya.

Di ko paren inaalis yung tingin ko dun sa nurse.

"Oh? bat ang sama ng tingin mo don sa nurse?" nagtatakang tanong nya.

"Tsk. Buti di ka natunaw nyan." sabi ko at nauna nang lumabas ng hospital.

"Hoy! ano bang pinagsasabi mo jan? anong natutunaw?!" sabi nya habang naglalakad ng mabilis para maabutan ako.

"Wala." sabi sakanya at pumasok na sa kotse nya.

"Hoy dito ka." sabi nya at tinuro yung upuang pang passenger seat.

"Ayoko jan." sabi ko.

"Bakit biglang uminit yang ulo mo?" inis na tanong nya at pumasok na ng kotse sabay paandar.

"Grabe kase makatitig yung nurse na yon sayo! kaya tinatanong kita kung di ka ba natutunaw sa titig nya." sabi ko. "Nakakaloka, mas matagal pa ata titig nya kesa saken eh." pabulong ko nang sabi.

Pero for sure, narinig nya yon.

"Tsk. Hayaan mo kapag girlfriend na kita, magpakasawa kang titigan ako. Hahahaha. Nagseselos ka lang eh." pang-aasar nya saken.

"Tsk." singhal ko.

"Alam mo wag ka nang indenial, alam kong may gusto ka ren saken. Di mo lang talaga inaamin." sabi nya.

"Eh pano kung sabihin kong meron nga?" sabi ko.

"Edi maganda." sabi nya.

"Tsk. sabi ko na nga ba eh." pabulong kong sabi.

"Sa bahay nyo ba kita ihahatid?" tanong nya.

"Malamang alang naman sa bahay nyo." sarcastic kong sabi.

"Pwede naman." natatawang sabi nya.

"Umayos ka jan Drake Monteverde." sabi ko.

"Umayos ka ren jan Samantha Fortalejo." natatawang sabi nya.

All Started with a planTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon