CHAPTER 9: Campus Princess

176 6 0
                                    

"If si Drake nagkagusto sayo at si Nathan nagkagusto ren sayo, sinong pipiliin mo?" tanong naman nya.

"Bakit ba tawag mo sa Lalaking yon Drake?" inis na tanong ko.

"Baka kase yun yung pangalan nya diba?" sarcastic na sabi nya.

"Ay. Drake ba pangalan non? manunulak tawag ko don eh." sabi ko naman.

"So?! ano na?" ngiti-ngiting sabi nya.

"Wala. Wala akong pipiliin." sagot ko naman.

"Ngek? Bakit naman?" kunot noong tanong nya.

"Imposible namang magustuhan ako ng dalawang yun eh." sabi ko naman.

"Shunga! Kunware nga lang eh! Baliw talaga neto." sabi naman ni Veronica sabay batok saken.

Kahit na, wala paren akong pipiliin. Alam kong high class yang si manunulak kung pumili sa babae eh, yung tipong model, matangkad, super puti halos mamatay na sa sobrang puti tapos sikat.

Eh ano namang laban ko diba? Tsk. Tsaka hindi ako naghahangad na magustuhan ako nung manunulak na yon.

Eto namang si Nathan tingin ko di sya mapili pagdating sa babae, sapat na sakanya yung mahal nya at mahal ren sya.

PERO WALA PARENG TALAGA AKONG PIPILIIN. PERIOD!

"Wala nga." sabi ko pa.

"Ayan na naman sya." sabi nya sabay irap.

"Bakit? di ko naman talaga alam eh, alam mo kung bakit?" sabi ko naman.

"Kase----" hindi ko natapos ang sasabihin ko dahil napuno ng tilian ang buong campus.

Ang saket ng tenga koooo! Sigaw ng sigaw ung mga studyante!! Sino ba yang mga babaeng yan? Kung maka paglips stick ang kapal eh mukha na tuloy silang clown tska yung palda ang ikli-ikli, halos makita na yung mga tinatago nilang hiyas! tapos fit na fit pa yung damit pinagmamalaki talaga yung mga bola nila eh.

Oo flat chested ako! Eh ano naman? Minsan mas okay pareng maging flat chested kase nakikita mo paren yung daanan eh, kung malaki yang ano mo!  HINDI MO MAKIKITA, WALA KANG MAKIKITA.

"Veronica! Sino yang mga babaeng yan?!" pasigaw ko nang sabe sa sobrang ingay ng mga tilian.

"Yung mga Campus Princesses dito sa school! Bakit?" pasigaw reng pagkakasabe ni Veronica.

Meron pa pala non dito? Ang dami namang ek-ek sa school na to. May campus princesses pa, tapos mga Campus crush. Eh ano naman kung ganon sila? hindi naman kami interesado sakanila eh.

"Wala wala, natanong ko lang. Super ingay punta tayong library," sabi ko atsaka niligpit na yung nga gamit ko sabay buhat na ng bago at dahan dahan na kaming naglakad.

AALIS NA SANA KAMI NANG...

UMEPAL YUNG MGA EPAL!!

"At saan naman kayo pupunta?" sabi ng babaeng, coloring book. Sya ata yung leader-leaderan sa grupo nila.

Maganda kase sya perfect para sa isang model. Tsk tsk kainggit, pero hindi ako papakabog sakanya noh.

Bigla namang namagitan ang katahimikan sa buong campus.

"Sa library, bakit may problema ba?" mahinahon kong pag kakasabe pero deep inside naiinis ako.

"Oo may problema, napakalaking problema." sabi ng coloring book #2

"Eh ano naman yon?!" kunot noong tanong ko pero deep inside naiirita na talaga ako.

Kasalukuyang sinisiko naman ako ni Veronica, tanda na itigil na ang pag sagot ko sa babaeng to.

All Started with a planTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon