CHAPTER 55: Cyrus the Waif

42 2 2
                                    

"Eh ano bang aasahan mo pagdating sa pakikipag-usap ko sa mga bata? eh yung pamangkin ko nga, hindi ko interesadong kausapin eh." pagdadahilan nya pa.

"Kahit pa?! Hay nako. Oo nga naman, kung yung pamangkin mo nga hindi mo maka-usap, yung ibang tao pa kaya. Hindi na ako magtataka." sabi ko naman.

"Yes. Kaya tara na at bibilhan na naten sya ng pagkain para maka-uwi na tayo." sabi nya pa at hinila nya ako.

"Aray! sandali lang naman. Yung bata hintayin naten." sabi ko naman at hinila yung bata papunta sa kotse nya.

Isasakay ko na sana yung bata sa backseat nang bigla nya akong pigilan.

"A-anong gagawin mo?!" gulat na tanong nya.

"Isasakay yung bata. Bakit?" takang tanong ko.

"W-wag! A-ayoko! madudumihan yung kotse ko!" sabi nya pa.

"Alam mo para kang bata! pwede namang linisan diba? kaya okay na yan." sabi ko pa at pinilit na makasakay yung bata pero ayaw nya paren talagang papasukin.

"ISA! sige kapag hindi mo paren sya pinapasok. Hindi na ako magdadalawang isip na magcommute at dalawa lang kaming bibili ng damit nya!" inis ko nang sabi sakanya.

"Okay fine!" inis na sabi nya at naupo na sa driver's seat. "Lintek na batang yan." bulong nya pa.

"May sinasabe ka Drake??" pagkunwaring tanong ko pa.

"W-wala naman." utal na sabi nya at pinaandar yung kotse.

Habang nasa biyahe naman ay nagkukwentuhan naman kami ni Cyrus.

"May mga kapatid kaba?" tanong ko naman sakanya.

"Hindi ko po alam eh." sabi nya naman at kumagat sa tinapay.

Hanggang ngayon kase, kinakain nya pa den yung binili ko sakanyang hugis teddy bear na tinapay. Ang laki kase. Pang-isang linggo na yan.

"Ah ganon ba." sabi ko naman. "Eh may tirahan?" tanong ko pa sakanya.

Bigla namang sumingit si Drake.

"Malamang wala. Makikita mo ba yang batang sipunin na yan, na madumi at palaboy laboy sa daanan kung meron syang tirahan?" inis naman sabi nya.

"Hindi ikaw yung tinatanong ko kaya mag Drive ka nalang dyan." inis ko namang sabi sakanya.

"Wala po ako non. Lagi po akong naglilibot sa park." sabi naman ng Bata.

Napatingin naman ako kay Drake na kasalukuyan nakatingin sa rare mirror.

"Magdrive ka." sabi ko na lang sakanya.

"Ano bang ginagawa ko!?" inis namang sabi nya.

"Nagda-drive." tipid naman sabi ko.

"Oh?! nagda-drive naman ako ah." inis pa reng sabi nya.

"Hahahaha." bigla namang kaming nahinto sa pag-uusap ni Drake nang biglang tumawa yung bata.

"Why are you laughing?" nakasimangot na tanong sakanya ni Drake.

"Drake ano ba." saway ko naman kay Drake. "Kahit ano pang sabihin mo dyan, hinding hindi ka nya maiintindihan." sabi ko naman.

Tumingin naman ako sa Bata.

"Ah Cyrus, bakit ka tumawa?" mahinahong sabi ko naman.

"Natawa lang po ako sainyo. Ganyan po ba kayo maglambingan?" nakangiting tanong ng bata.

'Aba't bata palang to, ang dami nang alam ah'

"Ah eh---" hindi ko natapos ang sasabihin ko nang umarangkada na naman si Drake.

All Started with a planTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon