CHAPTER 35: Together with Middleton

139 4 0
                                    

Samantha's POV

"Ang lamig grabe! Ang saya! peram nga ako ng jacket. Kingamang lamig yan." sarckastikong sabi ni Veronica.

Nandito kase kami ngayon sa court. Ang init init grabe. Ano ba kaseng gagawin dito? Nakakasar na ah. Kanina pa kaya kami dito! halos mamatay na kami sa sobrang init eh! yung iba nga tagpaypay na dito eh! hayshh.

Nandito pala yung mga students ng Middleton University. Miss ko na yung mga dati kong kaklase, kaibigan...hayshh...Ang init, Mag ccr nga muna ako.

"Ah Veronica, Nathan. Cr lang ako ah." paalam ko sakanila.

"Okay sige." nakangiting sabi ni Veronica.

"Sige." nakangiti reng sabi ni Nathan.

Tumango nalang ako sabay nginitian sila. Papunta na akong Cr ngayon. Di ako makadaan kase andami talaga mga students ngayon dito sa quadrangle. Don't tell, ganito karami sa gaganaping Ball? grabe naman toh. Napakarami pa namang Grade 10 sa Middleton ngayon. Puro Grade 10 lang kaya yung maggragradball, Bakit kaya? Kung sa bagay, ang Grad ball kung minsan nga...Pili lang yun eh.

Malapit lapit ako sa Cr nang madapa ako. Tanga diba? Ang dulas kase dito eh! Umulan pala kahapon? Haysh! Basa nakoooo.

Tatayo na sana ako nang may marinig akong pamilyar na boses.

"Okay ka lang?" tinig ng isang lalaki.

Balak ko sanang tumingala kaso lang nakakahiya.

"Ah okay ka lang ba miss? Ang dumi mo oh." sabi nya pa.

No Choice, tatayo na talaga ako.

"Ah-okay lang ako." sabi ko sabay tayo. At dahil sa magalawgaw akong tumayo. Na out balance na naman ako.

"Uy miss!" biglang sigaw nung lalaki. Buti nalang talaga hawak nya yung braso ko!? kung hindi! bagok aabutin ko. Jusko! thank you very much kuya!

"Di kase nag iingat eh. Alam na ngang basa di pa umiwas." sabi na naman nya.

Tumingin na ako dun sa lalaking kanina pa nagsasalita.

Pagkatingin ko. Di ako makapaniwala sa nakikita ko! Omaygoshhhh.

"Ethan?!" di makapaniwalang sabi ko.

"Kilala mo ako Miss?" takang tanong nya.

"Ah-ah H-hindi. Hindi." nauutal kong sabi.

"Eh bakit mo alam yung pangalan ko?" Tanong nya sabay turo sa sarili nya.

"Hmm..Nanghula? sarcastic kong sabi.

"Hahaha ang galing mo naman palang maghuhula." natatawang sabi nya.

"S-sige alis na ko, Sorry pala." sabi ko sabay lakad na paalis pero pinigilan nya ako.

"Teka." sya habang nakaturo saken at parang minomonitor nya yung mukha ko."Familiar ka saken, parang nakita na kita." sabi nya.

"Hahaha h-hindi ako yun." pilit na sabi ko.

"Oo nga, baka hindi ikaw yun. Sige." sabi nya at nagmamulsa.

"O-okay, alis na ko." sabi sabay lakad ulit ng dahan dahan.

"Wait." sabi nya pa.

Nabwibwiset na ako ah! umiiwas na nga ako sakanya, tawag pa ng tawag! tirisin ko na to eh.

"Bakit na naman?" inis na tanong ko.

"Mag-ingat kana sa susunod." nakangiting sabi nya at lumapit pa saken."Sayang naman yang kagandahan mo kung masisira lang." sabi nya pa at inilayo na ang mukha nya.

All Started with a planTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon