CHAPTER 41: Finding Drake

64 3 0
                                    


"Sino saten?" biglang sabi ni Ryle.

"Di ko alam." tipid na sabi ko.

"Ikaw nalang kaya Drake?" sabi ni Sanchai.

"Kayong bahala. Kahit sino naman okay lang eh." sabi ko.

"Ay bakla! pumili na kayo habang maaga pa." sabi naman ni Kurt.

"Teka teka nga! sino ba kase gusto nyong representative naten?" singit naman ni Veronica.

"Dapat isang lalaki, isang babae."sabi naman ni Chloe.

"Oo para maganda." sabi naman ni Sanchai.

"Ano namang kinaganda nun ha? Loka loka ka talaga sai." sabi naman ni Kurt.

"Syempre! ano...ayun hahaha." pagbibiro nya pa.

"Ikaw Drake? gusto mo?" tanong saken ni Bryan.

"Kayo bahala." tipid kong sabi.

"Anong kaming bahala?! tinatanong ka nga namin kung gusto mo eh! Baka mamaya! sinali sali ka pa namin jan. Ayaw mo naman." inis ma sabi saken ni Edison.

"Oo nga Drake. Gusto mo ba?" tanong naman ni Sanchai. "Baka kase mamaya magreklamo ka?? You know! baka mapagalitan kami ni Mrs. Monteverde diba? Baka majombag kami jan. Makick-out, madrop---." Hindi ko sya pinatapos ng sasabihin.

"Ang OA mo." seryosong sabi ko. "Wag na ako, ayoko. Tinatamad ako. Si Bryan nalang." sabi ko pa.

"Hmm. Gusto mo Bry?" baling ni Edison kay Bryan.

"Bat ako?" gulat na tanong nya.

"Kase hindi kami." seryosong sabi ni Samantha habang naka cross arm.

'Napakataray ng dating nya kapag nakaganyang pose tsk tsk'

"Aish ayan na naman tayo eh." awat ni Sanchai. "Okay na? si Bryan nalang?" tanong nya pa.

"Bakit nga ako??" kunot-noong sabi nya.

"Ikaw nalang. Ayaw naman ni Drake eh." Sabi naman ni Kurt.

"Sige na nga. Ngayon lang to ah!?" inis na sabi ni Bryan.

"Oh? Sino naman sa babae." Tanong naman ni Sanchai.

"Ako." Gulat kaming napatingin sa nagsabi nun.

'Lintek'

"Gusto mo Samantha?" Tanong ni Veronica.

"Oo gusto ko. Para naman di ako mabore dito." sabi nya.

'Aba't sumali talaga sya ah!'

"Sigurado ka?!" tanong pa ni Edison.

"Oo? Bakit ? parang di kayo makapaniwala ah." sabi nya.

"Hmm so sila na ah?" pag cleclear pa ni Sanchai.

"Sila na magkapartner." sabi naman ni Kurt.

"Magkapartner talaga??" gulat kong tanong.

'Shit! bat yun yung lumabas sa bibig ko???? what the fvck men!

"O-oo? May problema ba?" takang tanong ni Veronica.

"Tsk. Wala." inis na sabi ko. Kabadtrip. "Ako na ang sasali." sabi ko.

'Tsk. Di yan mananalo pag si Bryan! Eh tamad yan'

"Hay nakooo. Kanina tinatanong ka namin kung gusto mo ba, ang sabi mo ay AYAW KO tapos ngayon babawi bawi ka jan na ikaw na sasali? Niloloko mo ba kami Drake?" sabi ni Ryle saken.

All Started with a planTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon