CHAPTER 44: I like you

79 2 0
                                    


Samantha's POV

"Okay lang naman kung hindi mahanap yung sumaksak saken eh." sabi ko.

"Pero hindi okay saken yon." sabi naman nya.

"Ano bang problema mo?" inis na tanong ko sakanya.

"Irereschedule ko yung party." sabi nya.

"Ano bang pinagsasabi mo? Marami na namang magagalit nyan kase pinareschedule mo yung acquaintance party." sabi ko.

"Wala naman silang karapatang magalit. Muntik ka nang mamatay tapos hahayaan mo lang na hindi mahanap yung nagsaksak sayo? Wag kang maging masyadong mabait Samantha." sabi nya.

"Hindi naman sa ganon Drake pero, okay nga lang ako." sabi ko pa.

"Ano ba kaseng ginagawa mo don!?" inis na tanong nya.

"Pupuntahan kase sana kita." nakayukong sabi ko.

"Bakit?" naguguluhang tanong nya.

"Mag-sosorry sana ako." sabi ko.

"Mag-sosorry? para saan?" tanong nya.

"Dun sa nangyare kanina." sabi ko.

"Haysh hindi ka dapat magsorry at walang dapat na magsorry." sabi nya.

"Huh? Ibig sabihin di ka nagalit?" tanong ko.

"Nainis pero hindi nagalit, Break time na nun kaya umalis na ako. Eh sa hindi ako nagugutom. Pumunta ako doon." sabi nya.

"Akala ko kase nagalit ka kaya ako na mismo ang magsosorry sa ginawa ni Kurt." sabi ko.

"Tsk. Ikaw pa tuloy yung napahamak." sabi nya. "Oh gusto mo?" tanong nya saken at inabot yung apple.

"Hmm." sabi ko at inabot nya saken yung mansanas at kumuha ren sya ng para sakanya. " Salamat." sabi ko.

"Para saan?" tanong nya.

"Thank you kase dinala nyo agad ako sa hospital kung hindi wala na sana akong buhay ngayon." sabi ko.

"Tsk. Alang namang tignan lang kita doo'ng duguan. Baka dalawin ako ng konsensya ko." sabi ko.

Natawa naman ako sa sinabe nya.

"May konsensya ka pa pala." natatawang sabi ko sakanya.

"Tsk. Syempre naman." sabi nya.

"Thank you talaga." sabi ko.

Gosh kailangan mo reng magsorry.

"Tsaka sorry na ren." sabi ko pa.

Napatigil naman sya sa pagkagat ng apple.

"Para san na naman?" tanong nya.

"Kung palagi kitang sinusungitan." hiyang sabi ko.

"Lagi ren naman kitang pinagtriripan." sabi nya.

"So pinagtritripan talaga?" sabi ko sakanya.

"Hahahaha minsan lang." sabi nya naman.

Bakit parang nag iba ang lahat. Parang dati lang ay di kami nagpapansinan tapos lagi pang nag-aaway at nagbabangayan, tapos ngayon? ano nang ganap? tama nga yung kasabihang...kung sino pa yung kaaway mo, yun pa ang tutulong sayo. Hayshh. Bahala na kung anong mangyayare. Bahala na.

"Samantha." Seryosong sabi ni Drake.

Napatingin naman ako sakanya.

"Hmm?" sabi ko.

"Joahaeyo." Sabi nya.

"Huh?" Takang tanong ko. "Di kaya kita maintindihan. Alam kong korean yan pero di talaga kita maintindihan." sabi ko.

All Started with a planTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon