CHAPTER 47: First time Bonding

84 3 0
                                    

"Ah-ah I mean ikaw pala." utal kong sabi sakanya.

"Ah ganun. Nagulat ako." sabi nya.

"Oh? weh talaga? paano yung gulat?" pang-uuto ko sakanya.

"Wag na. Bukas na para exciting." sabi nya saken.

"Tss. Mga kalokohan mo eh." sabi ko sakanya.

"Woi! ikaw yung na-una wag ako." sabi nya.

"Tsk. Baliw." tanging sabi ko nalang.

Samantha's POV

"San ba tayo pupunta?" tanong ko ulit kay Kuya.

"Magjojogging nga." inis na sabe nya.

"Hindi ko tinatanong kung anong gagawin naten, tinatanong ko kung saan tayo pupunta." inis na sabi ko ren sakanya.

"Tsk. Kahit saan." sabi nya.

"Luh baliw? kahit saan? may ganun bang lugar." sarcastic kong sabi sakanya.

Pinitik naman nya ako sa ulo.

Masakit sya mamitik sa ulo grabe.

"Araaayyy." mangiyak-iyak na sabi ko.

"Common sense ah?" sabi nya.

"Eh bakit kailangan mong mamitik!? ang saket kaya! nagbibiro lang naman ako eh!" inis na sabi ko sakanya sabay subo ng maraming sitsirya.

"'Haysh ewan ko ba." sabi nya.

Napatingin naman agad ako sakanya.

"Ewan ko ba kung anong nagustuhan sayo ni Drake. Tsk tsk." sabi nya at tumingin saken.

"Aba malay ko ba sakanya, di ko naman sya inutusang gustuhin ako eh." sabi ko sakanya.

"May gusto ka ren ba sakanya? baka mamaya pinapaasa mo lang yung tao." biglang sabi at yingin sa daanan.

"Kuya naman. Wala ako sa posisyon para magpaasa no." sabi ko.

"Wala nga. Pero pwede mong magawa yun. Alam mo, sabihin mo na ng maaga para wala nang masaktan pa." sabi ni Kuya.

Hay nakoo. Si Kuya talaga, akala mo si mama na laging nag aaddvice! lagi nalang akong pinapangunahan nyan! nakakaasar.

Di ko naman magagawa kay Drake yun, ayoko nang masaktan sya. Ayokong gumaya kay Xavina na sinaktan si Drake, kainosenteng tao e kayang saktan? jusko. Sa mga panahon ngayon, babae na ang nang-iiwanan. Pero di ako gagaya sakanila. Mabait ako eh hahahaha.

"Anong sasabihin ko? Wala naman akong dapat na sabihin sakanya, nasabe ko na ren na may gusto ako sakanya, at nasabi nya ren na may gusto sya saken. Oh? ano pa ba ang dapat kong sabihin?" sabi ko kay Kuya Ren.

"So nasabi mo na pala? and hindi mo sya pinapaasa?" tanong nya.

"Hellooo?? hindi ko gagawin yon Kuya! No boyfriend since birth tong kapatid mo oh? syempre gusto ko naman makaexperience nang may boyfriend." sabi ko sabay ngiti sakanya.

"Pasalamat ka at pinayagan ko si Drake na manligaw sayo." sabi nya nalang.

"Thank you Kuya...alam mo kahit ganito ako sayo? mahal na mahal na mahal kita! kahit di mo ko sinasamahan all the way! mahal pa ren kita...kahit na napaka sungit mo saken. Mahal pa ren kita. Thank you for being a good brother to me Kuya Ren." nakangiting sabi ko sakanya.

"Tss. Ang Drama mo." sabi nya. Bigla naman akong nasimangot. "Alam mo kahit na ganyan ka kadrama, tinanggap pa den kita. Kase, kung wala akong kapatid na gaya mo...siguro malungkot ako ngayon, walang kulay yung buhay ko...nag-iisa, walang kasama. Kaya Very thankful ako sa nag-ire sayo." Bahagya pa syang natawa. Natawa na ren naman den ako.

All Started with a planTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon