CHAPTER 28: Short patience

122 9 0
                                    

Drake's POV

"Grabe si Xavina noh? matapang paren." sabi ni Ryle habang may kung anong inaayos sa locker nya.

"Wala naman sa vocabulary nya ang maging mabait hahahaha." patawa patawang sabi ni Edison.

"Pero dre, sinabihan ka nyang cheap? hahahaha wala ka pala eh." sabi ni Ryle habang tumatawa.

"Anong wala!? pasalamat sya at babae sya...kung hindi baka naupakan ko yun kanina, etong mukhang toh?" sya sabay turo sa mukha nya. "Mukhang cheap?  The heck! Pang mall toh! eh yung mukha nga nya pang divisoria lang eh." sabi ni Edison at umupo.

"Hahaha ayan kase sali sali ka kase eh, ayan tuloy nasabihan ka ng cheap." biglang singit naman ni Bryan.

Mga bwiset naman tong mga toh! na bwibwiset nga ako sa nangyare eh! tapos sila nag sasaya? mga abnormal talaga.

"Oh Drake ang tahimik mo ata?" baling saken ni Bryan.

"Syempre nahihiya, ikaw ba naman matalo ng  'Transferee' student, hindi magkanda gago gago yang buhay mo hahahaha." pag aasar saken ni Edison.

"Ulul! manamik ka nga jan wala kang natutulong." ako sabay tayo at umalis.

"Naulul ka tuloy dre." rinig kong sabi ni Bryan kay Edison sabay tapik sa balikat nito at sumunod saken.

HABANG NAGLALAKAD~

"Saan ang punta naten?" tanong ni Ryle.

"Anong oras na ba?" tanong ni Edison. "Nagugutom ako eh." sabay himas ng tiyan nya.

"Kelan ka pa hindi nagutom." Sabi ko naman.

"Lagi naman yang gutom eh hahahahaha." sabi naman ni Ryle.

"Tara sa Canteen!!!" biglang sabi ni Edison at tumakbo.

'Isip bata talaga kung sa bagay, only child si Edison'

"Hoy! ingat madapa ka jan! lampa ka pa naman." sigaw ni Ryle.

Nilingon naman sya ni Edison at sinamaan ng tingin.

Nung nasa Canteen na kami ay nakita ko si Samantha at si Veronica'ng magkasama.

'Bakit wala si Nathan?'

"Aysh! bakit ko ba iniisip yun!" bulong ko.

"Problema mo?" biglang sabi ni Bryan.

"Putcha ka talaga Bryan, nakakagulat ka... kung magsasalita ka pwede pa-inform naman ako?" sabi ko.

"Hahaha di uso saken yun noh." sabi nya.

"Aysh ewan." ako sabay tingin kung saan nakapwesto sila Samantha.

Bumili na kami ng makakain at umupo na kami. Lintek! nasa likuran lang namin sila Samantha.

"Kakain ka ba?" rinig kong sabi ni Veronica.

"Ayoko, wala akong gana." sabi naman ni Samantha.

'Haysh buti nalang nakatalikod saken ni Samantha kaya di nya ako makikita'

"Anong tinitingin tingin mo dun Drake?" biglang tanong saken ni Ryle at sumusulyap sulyap pa sa upuan nila Samantha.

"Ah- ah wala wala." sabi ko.

"Owwsss tologo ba." pag- aasar ni Edison saken.

"Grabe dre, wala ka palang taste pagdating sa babae?" Sabi naman saken ni Bryan.

All Started with a planTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon