CHAPTER 7: New Classmate

181 9 0
                                    

11:35 am. KRRINGGGGGGGGG

"Samantha Jung Fortalejo! gumising kana dyan, nag alarm na yung clock mo," sabi ni Kuya Ren na kasalukuyang nasa pintuan na naman.

"Kuya mamaya na, 5 minutes pa please..." antok pang sabi ko habang nakapikit.

"Bahala ka, nandyan pa naman na yung sundo mo," sabi nya habang pababa ng hagdan.

BIGLA naman akong napamulat ng mata sa sinabe ni Kuya.

Sino bang sundo na yan? Hindi naman kami nag hire ng hatid sundo ah...

Naantok pa ko...

Nagmadali na akong nag-ayos ng sarili kahit lutang at bangag pa ako.

Paglabas ko ng gate ay nakita ko si Manunulak boy.

Walang pinagbago...Mukha pa ren syang manunulak.

Sumakay ako ng marahan at may pag-iingat sa bagong labas na transformer nyang kotse. Baka kase mabahidan ng kahit onting gasgas, magalit pa sya. Iba pa naman magalit ang mga manunulak, talsik ka hanggang South Korea pag nagkataon.

"Di ko gusto yang pinag gagawa mo," seryoso nya namang sabi.

"Anong ibig mong sabihin?" kunot noong tanong ko.

Wag nya akong gagalitin ngayong araw! bagong gising pa naman ako! magalit kana sa lasing! wag lang sa bagong gising.

"May boyfriend kana dapat tapat ka, Hindi yung may boyfriend kana nakikipag landian ka pa sa iba," seryosong sabi nya.

Tumaas naman yung isa kong kilay.

"Unang una, wala ka sa posisyon mo para sabihan ako ng mga ganyang klaseng salita. Pangalawa sa una, hindi kita kelan man magiging boyfriend. At pangatlo sa pangalawa at una, HINDI AKO MALANDI. AT KAHIT KELAN, HINDING HINDI AKO MAGPAPALANDI. TANDAAN MO YAN." mahinahon kong sabi pero sa kaloob looban ko naasar ako.

"Alam ko. Pero alam ko na papayag ka sa kundisyon ko." sabi nya pa at tumingin sa sa daanan.

"Oh? sino namang nagsabe sayo? tsk." pataray kong sabi sakanya.

"Yung bubuyog sa tenga ko." sabi nya pa.

"Ang drama mo kamo." pataray ko namang sabi.

"Anong gusto mong maging endearment naten?" biglang tanong nya naman.

"Wala." agad kong sagot.

"Wala? Tsk. Ano namang klaseng relationsh---" hindi ko na sya pinatapos ng sasabihin. Alam ko na kaseng babaliko yung sasabihin nya.

"Relationshit, hindi relationship. Ayokong may endear-endearment, tayo, malinaw ba?" seryoso kong sabi.

"No. Kailangan may endearment tayo." pagmamatigas nya pa. "Tsaka alam mo mas kapani-paniwala kaya kung may endearment tayo." dagdag nya pa.

"So gusto mong may endearment tayo ganon?" mahinahong sabi ko.

"Yes." nakangiting sagot nya.

"Pwes, gawin mo yan mag-isa. Mag endearment ka mag-isa mo." pataray ko pang sabi.

"Tsk. Bahala ka sa buhay mo." inis nyang sabi.

'Bahala ka rin'

Bigla namang nahinto yung kotse nya. Nandito na pala kami sa school.

Pababa na sana ako nang pigilan ako ng manunulak na lalaming toh.

"Just stay here, ako na ang magbubukas ng pinto." sabi naman nya.

"Alam mo manunulak na lalaki, kaya ko naman eh.Biniyayaan pa ako ng kamay at paa kung hindi ko naman gagamitin diba?" sabi ko naman.

"No, kailangan nilang makita na may girlfriend ako." sabi naman nya.

All Started with a planTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon