CHAPTER 59: Meet Wade Gravide Seok

59 0 10
                                    

DRAKE'S POV

"I'm Wade Se-----" hindi naman sya pinatapos ni Bryan na magsalita.

"Wag na wag mong babanggitin yung apilyedo ko." Sabi ni Bryan.

"Tsk. Apilyedo ko rin yun Bryan! Tsk." sabi naman ni Wade.


Eh, Wade daw sabi na pangalan nya eh.

"What did you just call me?" Naningkit matang tanong ni Bryan sakanya.

"I'm sorry, I mean hyung. Eh kase naman eh! Sumusobra kana eh!" sabi naman ni Wade.

"Tsk. Umayos ka, gawin mo na ang dapat mong gawin at umalis kana sa kwarto namin. Nakakaistorbo ka." Sabi naman ni Bryan. "May alam kaba sa pag-aayos ng shower? Eh ang alam mo lang ay mag COMPUTER GAMES. Hindi ko nga alam kung bakit ipinagkatiwala sayo ni Daddy yung hotel na to. Well, okay lang naman. Medyo luma at bulok na ang mga gamit. Ang galing mong magmanage my little brother, idol na kita." Sarkastikong sabi sakanya ni Bryan.

"Tsk. Hyung, kelan ka ba magkakaroon ng tiwala saken ha?" iritang sabi ni Wade.

"Kung kelan mo mapapaganda tong hotel na to." parang nanghahamon na sabi ni Bryan.

"Hyung naman, maganda naman na to ah? Hindi naman ako nagkulang sa mga gam---" hindi naman sya pinatapos ni Bryan.

"Hindi ka dapat nagpapatakbo ng kung ano mang mga business." Seryosong sabi ni Bryan.

"Mas swerte ka nga eh! Bukod sa nag-aaral ka sa pinakamayamang school ngayon, may minamanage ka namang mga bars! Kitams! Mas mayaman ka kesa saken." Inis na sabi ni Wade.

"Bakit? Hindi ka ba pinapaaral sa maganda at mamahaling school? Hindi mo ba alam ang pinapasukan mo? Middleton University yon! Isa yon sa pinakasikat na school." Sabi naman ni Bryan.

Yeah that's right, ang middleton university ren ang pinakamataas na average pagdating sa mga tests. At laging kaaway ng Monteverde University. Bakit? Yang dalawang school lang naman ang pinakasikat kaya lagi reng kinukuhang representative ang dalawang school. Ang alam ko, ang nagmamanage ngayon ng Middleton University ay si Ethan.

"Pero mas maganda---" naputol na naman yung sasabihin nya nang umarangkada naman yung bibig ng Ethan Minerva.

"Hey! Do you despise my school? Don't you dare! Laitin mo na lahat wag lang yung pagmamay-ari ko!" Sigaw nya.

"Hoy manahimik ka! Akala ko ba tulog ka!" Sigaw naman sakanya ni Ryle.

"Tanga ka ren pre no? Nakita mo na ngang gising nagtanong ka pa kung tulog siya. Grabe dre, delikado kana." Sabi naman sakanya ni Edison.

"Gago! Get away from my sight ulol!" Pagmumura naman ni Ryle.

"Hoy hoy hoy! Magsi-tigil na nga kayo dyan." Awat ko naman sakanila. "Hoy ikaw, bumalik kana sa kama mo!" Turo ko naman kay Ethan. "At ikaw naman, mura ka ng mura dyan. Putulin ko yang dila mo ah? Ako lang ang pwedeng magmura." Sabi ko naman kay Ryle. "At ikaw! Matabil ka talaga." Sabi ko naman kay Edison. "At kayo namang dalawa, magkapatid talaga kayo! Ano to? Pahambugan ng kayamanan? Wag dito oy!" Inis ko namang sabi sa dalawa.

All Started with a planTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon