CHAPTER 6: The four boys in Bar

182 9 0
                                    

DRAKE'S  P.O.V

Ngayon sinusundan ko si Balyena, kaya ako hindi nagpakita sakanya kase baka nagalit sya saken sa sinabe ko kanina hindi ko nga ren alam kung bakit yun yung lumabas sa bibig ko eh.

Nang sundan ko sya papunta syang room ng second section. Pupuntahan nya pala si Veronica Yu ba yon? Tsk. Basta alam ko lang yung pangalan nya.

"Hello Veronica." nakangiting salubong nya don sa kaibigan nya.

"Hello Samantha! Ganda ng ngiti mo ah? wala bang nambwiset?" sabi naman ng kaibigan nya.

"Huh? wala naman." sabi naman ni Samantha.

"Ahm Veronica, boyfriend mo?" bigla namang tanong ni Samantha.

'What?? BOYFRIEND? Pfft.'

"Haha! Ano bang pinagsasabi mo? Pinsan ko to noh." sabi naman nung kaibigan nya. "Nathan, sya pala si Samantha Fortalejo best friend ko." sabi pa nung kaibigan nya at inabot nya ang kamay nya.

"Samantha, sya si Nathan Yu pinsan ko." sabi naman nya ulit at nakipag shake hands naren si Samantha.

"Nice to meet you Nathan." nakangiting sabi nya don sa lalaki.

"Nice to meet you too Samantha." nakangiting sabi ren nung lalaki. "Napagkamalan mo pa akong boyfriend netong pinsan ko." dagdag pa nya.

Nawala lang ako, lumandi na sa ibang lalaki? Kung maka ngiti kay dun sa lalaki, wagas wagas eh. Di nya ba alam na may boyfriend sya? ang kitid talaga ng utak nyang balyenang yan eh.

Tsk. Etong lalaki ren, abot langit ang ngiti. Makaalis na nga.

Pupunta muna akong Bar, isama ko nalang sila Bryan, tutal bar naman nila yon.

AUTHOR'S NOTE:

DRAKE'S FRIENDS~

BRYAN SEOK
*Ang pinaka seryoso at tahimik sa magkakaibigan.
EDISON TORRES
* Ang pinaka lokoloko at ang pinakamaingay sa magkakaibigan.
RYLE CORTES
*Ang pinaka close ni Drake at ang pinakamaputi sa kanilang apat.

AUTHOR'S P.O.V

"Uy bro! Saan ang punta naten!" salubong ni ni Ryle sa mga kaibigan at umakbay kay Drake.

"Oo nga Drake saan nga ba?" sabi naman ni Bryan.

"Porket pinag tipon tipon lang tayo may pupuntahan agad? Hindi ba pwedeng namiss tayo netong si Drake?" sabi naman ni Edison sabay pisil sa pisngi ni Drake.

"Tumigil ka, masakit. May pupuntahan tayo." sabi naman ni Drake sabay lakad na palabas ng gate.

"Ayan kase, bida bida." sabi naman ni Ryle kasama si Bryan, palabas na ren ng gate.

"Mama mo bida bida." inis na sabi ni Edison at sumunod na ren sa tatlo.

Sumakay namam na sila sa kotse ni Drake at papunta naman sila ngayon sa bar.

FAST FORWARD~

DRAKE'S  P.O.V

"Drake bakit ang layo ng napili mong bar? Eh may malapit na bar naman kami banda sa school?" tanong naman saken ni Bryan.

"Wala lang, gusto ko lang magpakalayo layo." sabi ko naman sabay inom ng alak.

Umiinom ako ng alak pero hindi naman araw araw, siguro kung trip lang naming apat.

"Eh bakit? May problema ba?" tanong naman ni Ryle.

"Nakita ko kase yung balyena, na nakikipag landian sa ibang lalaki." sabi ko sabay inom nanaman ulit.

All Started with a planTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon