CHAPTER 32: Veronica Vs. Four boys

134 6 0
                                    

Umakyat kami ng rooftop, dito nalang sila...bahala sila jan.

Malawak naman dito sa rooftop eh kaya di na yan sila magrereklamo, tsaka hindi na ren sila makaka istorbo kase malayo naman yung kwarto ko diba.

Tsaka ung bahay na toh, iba pa sa pinuntahan dati ni Samantha, unit kase yun... maraming nakatira dun kaya lumipat ako. Diba nga ayoko ng maingay? Aysh akala nyo ba tahimik dun? Nakuuu! nagkakamali kayo, kelan pa naging tahimik dun, ung mga kapit bahay ko puro awayan... walang kapayapaan, sinong makakatiis dun diba?

Pero sa totoo talaga, kulob ung kwarto ko dito sa bahay na toh kaya wala akong maririnig mula sa labas. Ayoko kase talaga sa ingay eh, maliban nalang kung party party hahahaha. Tsaka pano magiging maingay tong bahay nato eh ako lang naman mag isa dito, ako lang yung tao... wala akong kasama sa bahay. Waley kase akong kapatid, only child lang ako. Tsaka nasa ibang bansa yung parents ko eh. You know, mas inuuna pa yung kumpanya nila kesa sa anak, pero naiintindihan ko naman sila eh. Para saken den naman yung ginagawa nila.

Minsan naman, dumadalaw sila tita Maui and tito Trystan dito pati na ren si Nathan, isa ren tong si Nathan eh... Sya! wala ren syang kapatid, ano toh? mana mana lang? hahahaha. saya diba? pero mas masaya kung may kapatid ka.

"Ganda dito ah." biglang sabi ni Bryan.

Elib ka nanaman.

"Syempre." tipid kong sabi.

"Bakit ikaw lang mag isa dito?" tanong nya.

"Nasa ibang bansa kase yung mga parents ko." sabi ko.

"Eh yung kapatid mo?" tanong nya pa ulit.

"Wala akong kapatid." tipid kong sabi.

"Ah ganun, ang lungkot naman ng buhay mo." sabi nya.

"Alam mo!? pansin ko lang ah, napakadaldal mo. Dati naman nung nagkakakita or nagsasalubong tayo, ni hindi ka nga nagsasalita eh. Buti di napapanis yang laway mo." sabi ko.

"Buti nalang talaga hindi." Patawa tawa nyang sabi.

Pilosopo amputs.

Maya maya ay nagring yung cellphone nya.

"Oh?" sabi nya.

Ganyan ba sila bumati? Oh? ano yun!? Di na sila normal ah. Delikado na tong mga toh.

["Papunta na kami jan."] rinig kong sabi sa kabilang linya.

Hello?? Maririnig ko yan kase nakaloudspeaker noh! baka sabihin nyo jan nakadikdik ako ngayon sa cellphone at nakikinig sa usapan nila. Oh gosh.. how desperate. Hahahahaha.

"Ghe punta na kayo, bilisan nyo. Naantok na ung may ari eh." sabi nya sabay tingin saken at ngumiti.

Buti naman at alam nyang naantok na ako. Ang galing talaga.

["Oo na."] tipid na sabi ni Edison.

Alam kong si Edison yun noh. Pagkatapos nun binaba nya na yung tawag.

"Hintayin nalang muna naten sila, papunta na daw eh." sabi nya.

"Narinig ko nga." tipid kong sabi.

Di naman nagtagal at may nag doorbell na. Syempre commonsense, napakalaki neto bahay tapos walang ipapakalat na speaker para sa doorbell? grabe naman pala. Syempre! nagpalagay ako. Remember kulob lahat dito, maliban lang sa rooftop.

Bumaba na kami para pagbuksan yung mga natitira pang mga kupals.

"Oy tol!! ganda ng napi--" Naputol ang sasabihin ni Edison, nang napatingin sya saken.

All Started with a planTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon