CHAPTER 36: Meet Ethan Lee Minerva

114 3 0
                                    

"Ahm Hello, My name is Nathan Yu and I'am the instructor for today's practice and I hope that you will cooperate. Thank you." nakangiting sabi ni Nathan sa stage.

"Arghhhh! Ang pogi naman nyan!"

"Sus?! mas pogi paren si Mr. Minerva."

"Omaygoshhh!! Si Fafa Nathan! Ahhhh!!"

"Ghadd! mahal ko na siya!"

"San galing school yan?! Nang makalipat na! Ahhh ang pogi pogi naman nya!"

Haysh. Sigawan at pagpapantasya lang naman nilang taga Middleton na students. Kilala na kase ng mga taga Monteverde si Nathan kaya ayun, di na siya bago. Hahaha ang pogi talaga ni Nathan, ang daming nagkakagusto sakanya. Unang tingin palang, Milyon milyon na.

Nang matapos na si Nathan na magpakilala ay ibinigay nya naman ang Microphone kay Ethan.

"Hi Students from Monteverde and Middleton, I'm Ethan Minerva, and I'm here to instruct you all. And gaya nga ng sinabe ni Mr. Yu, please cooperate and have a teamwork. As of now, kailangan nyong magtulungan as a team. Mamaya ay hahatiin kayo sa mga iilang groups at kung sino man ang maging kagroup nyo ay sana kahit di kayo magkakilala ay magtulungan parin kayo. Ayun lang maraming salamat." Nakangiting sabi nya.

"Omo!! sya yung anak ng may ari ng Middleton University?! Omaygosh! ang gwapo nyaaaaa!! Kyaaaaa."

"Ang pogi naman nyannnnnn!!!"

"Ay tih! wala kay Nathan yan noh!"

"Luh? wag mong inaano yung asawa ko ah."

Biruin mo nga naman, may makakadiscover sakanya dito ah.

"Ahm. Okay wag na po kayong maingay." saway ni Ethan." Please class presidents, come here." sabi nya.

"Ahm kailangan nyo pong pumunta dito para makapagbunot na po kayo." sabi naman ni Nathan.

"ANONG BUBUNOT? ANONG GANAP? AISH LUTANG AKO NGAYON!!" inis na sabi ni Veronica dahilan para mabaling ko ang tingin ko sakanya.

"Bubunot sila para dun sa group." singit den ni Chloe.

"Bakit? by section ba?" tanong na naman ni Veronica.

"Hmm...siguro." nagkibit balikat naman si Chloe.

"Hoy teh! baka may alam ka naman?" baling ni Veronica saken.

"Wala nga ren akong alam sa nangyayare eh." sabi ko.

"Ang pogi naman nyang si Ethan Minerva iihhhhh!!" kinikilig na sabi ni Veronica habang pataas taas pa ng kamay nya.

"Kilala mo si Ethan?" takang tanong ni Chloe dahilan para mapatigil si Veronica.

"Hindi ah!" natatawang sabi nya.

"Eh ikaw? bakit mo kilala si Ethan Minerva?" tanong ko.

"He's the boyfriend of my sister." pilit na ngiting sabi nya.

'So it means...kapatid nya nga si Chelsea Tan? Myghadd! what is the meaning of this? naloloka na ko'

"Sister? Sino?" takang tanong ni Veronica.

"Ate Chelsea." pilit paring ngiting sabi nya.

"Ahhh. Nandito ba sya ngayon?" tanong ulit ni Veronica.

oh sige magpasahan nalang kayo jan ng tanong.

"Hmm. Wala eh, sa ibang school sya." sabi naman nya.

"Ibang school? eh bakit kayo magkahiwalay ng school?" tanong ko naman. Syempre lagi nalang si Veronica eh. Hahahaha edi ako naman.

"Ayaw ni Ate Chelsea na magkasame sila ng school ni Ethan, lalamunin daw sya ng issue." natatawang sabi nya.

All Started with a planTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon