CHAPTER 40: Drake's Plan

90 4 0
                                    

"So? ano nang pag-uusapan?" sabi ni Edison habang titingin tingin pa sa bumababang Veronica. Tsk tsk. Sinisigurong wala syang maririnig sa pag-uusapan namen.

"Huy Ryle! ano ka ba!?" inis na sabi ni Edison kay Ryle at siniko.

"Tsk! ano ba yun?" inis reng tanong nya.

"May pag-uusapan na tayo, tanggalin mo na yang abubot mo." seryosong sabi ni Bryan sabay tanggal ng earphone sa tenga ni Ryle.

"Okay." pahiyang sabi ni Ryle.

"So? ano ba yun?" tanong ulet ni Bryan.

"It's about Acquaintance party." pambungad ko sa TOTOONG topic.

"Bakit? magssched kana?" masiglang sabi ni Edison.

"Actually, nakapag schedule na sila. October 27 nga gaganapin yung acquaintance eh." sabi ko.

"Ay weh? Nice!" di pa makapaniwalang sabi ni Edison.

"Nakapag-sched na sila?? as in sila talaga? hindi ikaw mismo?" takang tanong saken ni Ryle.

"Anong aasahan mo saken pagdating dyan? Baka pag ako yung naghandle nun. Yun ang pinaka worse na Acquaintance party na nangyari sa buong talambuhay mo." sabi ko.

"Hahahahaha!!! may point ka naman." Pag sang-ayon ni Edison.

"Tss. Sariling puri, sariling lait. Dre!? ikaw na!" natatawang biro saken ni Ryle.

"Oh ano naman kung may Acquaintance party?" sabi naman ni Bryan.

"I have a plan." sabi ko at nag evil smile.

"Sabi ko na nga ba eh. May plano ka na namang malupet! Hahaha." sabi ni Ryle.

"Tss. Maka 'na naman' ? parang ang dami ko namang pinagplaplano." sabi ko.

"Anong plano?" tanong pa ulit ni Bryan.

"Ganito kase yan...Every school, there is a team. And every team, there are 9 members. At dapat, lahat ng members na yun ay hindi magkakakilala." sabi ko.

"So parang ang pinaparating mo ay mandadaya ka? Or lets say hmmm...mamimili ka ng gusto mong kateammates naten? ganon?" sabi naman ni Bryan.

"Gotcha! nadale mo..." masiglang sabi ko.

'Tsk! talino mo Bry!'

"Ano ba yan! kayo lang nagkakaintindihan! Dumudugo na utak ko dito kakaisip ng mga sinasabe nyo!" pagmamaktol ni Edison.

"Hahaha!! kawawa ka naman Son!" sabi pa ni Ryle.

"Naiintindihan mo silaaa???" tanong ni Edison kay Ryle.

"Malamang, di naman naiiba yung lenggawahe ko sakanila eh." pabiro pang sabi ni Ryle. Dahilan para mas lalong mainis si Edison.

"Baliw!" inis na sabi ni Edison.

"Oh mag-aaway na naman sila." sabi ko sakanilang dalawa.

"Tapos? ano na Drake?" pagpapatuloy ni Bryan sa topic.

"Ayun na nga, mamimili ako ng GUSTO kong kateam." sabi ko.

"Pano mo naman gagawin yun? Eh iraramble." tanong ni Ryle.

"Tsk. Gagawa ako ng paraan. For sure, yung list na yun...nasa Dean's office." sabi ko pa.

"Siguro nga." sabi pa ni Edison sabay tango tango pa.

'akala mo naman naiintindihan'

"Tsk! basta ako nang bahala...makisakay nalang kayo sa gagawin ko." sabi ko.

All Started with a planTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon