CHAPTER 27: New Transferee Student

123 4 1
                                    

"Hi Xavina, ipapakilala ko nga pala sa--" hindi natapos ang sasabihin ng babae.. dahil nagsakita na agad si Xavina.

"I know her." sabi ni Xavina.

"Oh? jinja?" di makapaniwalang tanong ng babae..

"Yes, Kathryn kilala ko sya..." chill na sabi ni Xavina.

"Nagkita nanaman tayo." baling nya saken."Akala ko namatay kana, Haha! bakit kaya di ka pa natuluyan?" sabi ni Xavina.

'Ikaw? Akala ko nabaliw kana sa sobrang pagka desperada, punyeta ka!?'

"Mauna ka na, sunod nalang ako." sarcastic na sabi ko.

"Aniyo kwaenchanayo, mauna kana, para naman kapag ginawa ko yun napaka selfish ko naman, napasama pa tuloy ako." paawa effect na sabi ni Xavina.

"HAHAHAHA!" malakas na tawa ni Kathryn.

"Eh kung papapiliin ka kung sakaling mamamatay ka,anong pipiliin mo sa langit o sa impyerno?" tanong ni Samantha.

"Sa langit malamang!" agad na sabi ni Xavina.

"Oh? bat di ka mauna? tutal nakapili ka na naman na eh? ako kase di pa nakakapili, kaya mauna kana." sarcastic ko.

"Mian hamnida hindi pa kase ako mamamatay eh." sarcastic ren na sabi ni Xavina.

"Ang hilig mo pala sa HAM noh?" sarcastic kong sabi."Okay." sya sabay alis.

"Hey! eodie gayo!" napasigaw sa inis si Xavina.

Di ko na sya nilingon, pashnea bahala sya sa buhay nya... nakakatamad kaya ung mga ganung klaseng tao... pasalamat sya at hindi ko sya nasaktan.. piste talagang matataray.. okay pa saken mayayabang eh, pero yung mas mataray pa saken? hayy nako! mauurat ka nalang...

Nagmamadali akong lumakad paalis at sa sobrang madali ko may nabunggo ako.

*Boggggshhhhhh* ooppss.

"Ay!? sorry miss." biglang sabi ko tsaka pinagdadampot ang mga librong nalaglag.

"O-okay l-ang." utal na sabi nya.

"Miss pasensya na tala--" di nya naman ako pinatapos ng sasabihin.

"Okay lang talaga." seryosong sabi nya. Nagulat naman ako sa biglang pagbago ng expression ng mukha nya... kanina lang parang takot sya.. tapos ngayon ang seryoso?? natakot.

"A-h o-kay." biglang yuko ko.

Nagulat naman ako ng pagtingin ko sa kanina nyang pwesto ay wala na sya...

'Ang weird'

Nakakatakot naman sya, ang misteryoso nya... nakakacurious naman!! haysh!

Maputla, singkit, medyo matangos ang ilong, medyo malaman... mahaba ang buhok, yan lang naman ang katangian ng itsura nya.. ang ganda kung iimagine noh? pero sa nakikita ko, nakaka takot sya... maganda sya pero hindi nakaayos ung buhok nya, ang luwag ng mga damit...

'Hayysshhh! nacucurious talaga ako! pag ako naging chismosa nanaman! haysh mapuntahan nga si Veronica.

..............

Pumunta ako sa room ni Veronica at sakto namang nag dismiss na ang teacher nila.

Sumenyas ako kay Veronica na lumabas at tumanho lang naman ito.

"Oh?! ganap? may kailangan ka ba? may masakit ba sayo? ano? sagottttt!?" sunod sunod na tanong nya.

"Di ka talaga sari sari noh? hindi ba uso sayo yung salitang DAHAN DAHAN? kung makatanong to oh ang OA mo teh." sabi ko.

All Started with a planTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon