CHAPTER 54: At the Park

48 4 1
                                    

"Oh? Bakit ganyan ka kung makatitig."

Bigla naman akong nahinto sa pagmumuni nang biglang nagsalita si Samantha.

"A-ah, w-wala. I was just---" hindi nya naman ako pinatapos ng sasabihin.

"Ops! tama na. Wag ka nang mag explain, nakakaputok ng ugat sa utak." sabi na naman nya sabay kain na naman.

"Matagal ka pa ba? Punta na tayong park." pang-aaya ko sakanya.

"Tsk. Maghintay ka nga, kita mong kumakain ako eh. Istorbo ka talaga." nakasimangot na sabi nya at sumubo na naman.

"Don't do that again." nakangiting sabi ko sakanya.

"Ang alin??" kunot noong tanong nya.

"Making your fa---" hindi na naman nya ako pinatapos.

"Pwede ba, kapag magsasalita ka, tagalugin mo nalang? nakakairita kase talaga kapag nag i-english ka eh." pagrereklamo naman nya.

"Tsk. Kaartehan mo." sabi ko naman. "Bilisan mo na dyan! pupunta pa tayong park." pangungulit ko pa.

"Ayoko naaaa!!" biglang sabi nya.

"Bakit? masama ba yung lasa?" takang tanong.

"Tsk. Shunga. Edi sana hindi ko mauubos to kung hindi masarap! Ang aken lang, napaka tamis. Ang saket sa lalamunan eh. In short, nakaka-may." sabi nya pa at hinimas himas yung lalamunan nya.

"Sabi ko naman kase sayo, masyadong matamis yang cake na yan." sabi ko pa.

"Oo na. Tara na! punta na tayong park." sabi naman nya sabay tayo, at hinila naman ako palabas.

Nang madaanan namin ang kinapu-pwestuhan ni Aileen ay agad na nagpaalam si Samantha.

"Mauna na po kami." nakangiting paalaman sakanya ni Samantha. "Pasabi nalang po kay Keizer, aalis na po kami." dagdag nya pa.

"Okay sige. Bye Samantha!" paalam ren naman ni Aileen kay Samantha.

Nang makalabas na kami ay nagmamadaling pumunta si Samantha, kung saan ko pinarking yung sasakyan ko.

"Dali na! bilis bilis bilis." hindi mapakaling sabi nya.

"Saglit lang naman, madaling madali." pagrereklamo ko at mabilis na binuksan yung kotse ko.

"Saan ba yung park?" biglang sabi nya nang makapasok na kami sa kotse.

"Basta, malapit lang yon dito." sabi ko pa at pinaandar na yung kotse.

Nang makarating na kami sa Park ay agad ko nang inihinto yung kotse ko at agad na kaming bumaba.

"Oh? anong balak mong gawin dito?" bigla namang tanong ko sakanya.

"Kahit ano." sabi nya pa habang inililibot ang paningin sa buong park. "Ang ganda naman dito." nakangiting sabi nya.

"Maganda talaga." sabi ko naman sakanya at biglang hinawakan ang kamay nya.

"Oy oy oy oy oy!" sabi nya pa at biglang binawi ang kamay nya.

"What?!" takang tanong ko.

"Wag muna dito. Masyadong maraming tao." sabi nya pa ay nagcross-arm.

Nauna naman syang naglakad at sinundan ko naman sya. Pinagmamasdan nya ang buong park.

"May ganito pala dito." biglang sabi nya sabay lingon saken.

"Of course." nakangiting sabi ko sakanya.

Tumingin naman sya saken ng diretso. "Bakit parang kung makapagsalita ka, parang alam na alam mo talagang merong ganito kagandang park dito?" takang tanong nya.

All Started with a planTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon