CHAPTER 16: Heart Problem

167 8 0
                                    

Sa may dikalayuan may nakita akong papalapit saken.. Hindi ko alam kung sino dahil nandidilim talaga ung mga mata ko.. Oo, gabi na pero iba pa ung sa Pandidilim ng paningin ko..

May naramdaman akong umupo sa tabi ko.

May sinasabe sya pero di ko maintindihan....ano bang nangayayare saken?! Di ko na kaya...

Nathan's P.O.V

Lumapit ako nang nakita ko si Samantha na nakaupo sa isang tabi.. Tingin ko nahihilo nanaman sya.. Teka! Sino ba kasama nyang pumunta dito? Hindi naman basta basta lalabas yang si Samantha eh.. Siguro kasama nya si Drake.. Nang nakarating na ako sakanya ay.. Tumabi ako..

"Hey! Sam okay kalang?" ako pero di parin sya sumasagot hinihimas himas nya lang ung ulo nya..

"Sam? Anong nangyayare sayo? Okay ka lang ba? May masaket ba sayo?" sabi ko.. Pero di paren talaga nya ako naririnig.. Nagulat ako bigla nang bumagsak sya..

"Putcha Sam naman! Anong bang nangyayare sayo! Ang hina naman ng immune system mo.. Nagkalagnat kalang tapos sunod sunod na ung sakit mo.. Grabe ka naman." ako habang binuhat sya..

Buti dala ko ung kotse ko.. Sinakay ko sya agad doon.. Kaya lang naman ako pumuntang EK dahil may pinapaasikaso si Dad saken doon.. Oo pagmamay ari namin ang EK.. Pero di naman ako pumupunta dun.. Pupunta man ako dun.. Tuwing may ipapagawa saken si Dad.

Dinala ko sya agad sa hospital.
Nang makarating ako doon ay inasikaso agad sya.. Buti nalang kase kung hindi! Ayy nakuuuu! Baka kung anong abutin nila saken...

"Ah ijo kami na ang bahala sakanya." sabi nung doc.
"Ah sige po.. Salamat po." ako at umupo na sa isang tabi..

Hays?Sam! Bakit ka pa kase nag papanggap! Nadadamay ka pa tuloy! Di ka nya aalagaan.. Di ka aalagaan ni Drake.. Ni hindi ka nga nya mamahalin eh.. Hayy..ano bang kalokohan ang ginagawa mo Sam...bakit ka pumayag sa gusto nya..

Eto ren kaseng Drake na toh! Alam nyang mahina si Samantha dinala dala pa sa kung saan saan! Sa sobrang saya ayan! Nahilo nahimatay! Ang gago nya lang! Di nga pinapayagan si Samantha na gumala! Tapos itatakas nya! Anong klase syang boyfriend,hindi pala boyfriend , FAKE BOYFRIEND! wala syang hiya!

Hayyysss! Humanda sya saken! Matapos nyang iwanan nalang don si Samantha! Ang kapal ng mukha nya! Sa susunod di na ako papayag na dalhin nya kung saan saan si Samantha!Wala na syang ibang ginawa kay Samantha kung di ipahamak eh! Ilalayo ko sakanya si Samantha..kailangan naming mag usap! Di na ako papayag na ipapahamak nya pa si Samantha lalo na at ganito ang kalagayan nya..

Bakit parang ang saket kapag nakita mong nasasaktan ung isang tao? Bakit nasasaktan ako ng ganito? Wala naman akong koneksyon kay Samantha, kaibigan lang ang turingan namin.. Kaibigan lang talaga, wala nang hihigit pa doon.

Si Drake, si Drake ang gusto nya.. Hayys kaya nga pala pumayag sya sa pinaplano ni Drake..Psh! Eh mas pogi pa nga ako dun sa kupal na un eh! Atleast ako, gwapo na nga! Mabait pa.. Pero kung anong desisyon ni Sam, rerespituhin ko yun kung saan sya masaya..

Maya't maya ay pinapapasok na ako ng doctor..

"Ahm.. Ikaw po ba ang kamag-anak ng pasyente?" si Doc.

"Ah! Hi-hindi po.. Kaibigan nya lang po ako." ako.

"Ahm ung kaibigan mo is may saket sa puso.. Ung puso nya may butas." si doc.

Nagulat naman ako sa sinabe ng doctor.

"Ahm.. Wala naman po syang sinasabe saken na may butas po sya sa puso." sabi ko.

All Started with a planTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon