CHAPTER 57: Overnight in Hotel

58 0 0
                                    

Hayyy. Grabe, hindi ko maimagine na magkakasama na kami ngayon, na sila na ng kaibigan kong bano tsk tsk. Parang dati lang, magkakaaway kami, yung parang iwas na iwas. Well, magkaaway talaga kami hanggang ngayon ni Veronica. Ewan ko ba, nag-iinit talaga ulo ko kapag sya yung sisingit, minsan naman hindi. Ano ako? bipolar? no way. Baka sya yung Bipolar tsk tsk. Yung pinag usapan namin ni Drake sa hospital? yung nalaman nyang may gusto ako kay Veronica? Tsk. Mautak talaga yung bano na yun eh. Hindi titigil hangga't hindi nya nalalaman eh.

Gusto nga ba? ewan eh. Basta kapag kasama ko sya, napakainit ng ulo ko tapos kapag wala naman sya, todo ang hanap ko sakanya na gagawa ako ng paraan para makita ko sya? like that. Naguguluhan talaga ako sa nararamdaman ko.

Since grade 7 napapansin ko na sya, siya lang kase ang iiba sa lahat ng mga babae sa Monteverde University. Like, manang manamit, tapos ang luluwag pa ng damit nya, ang haba ng palda. Ang laki laki ng damit nya. Hindi naman mataba para magsuot non, tsaka buhaghag ang buhok na akala mo isang buong taong bumyahe eh. Tapos, laging tambay sa library tapos minsan lang syang pumunta sa canteen kapag trip nya, and also hindi sya nakikipaghalobilo sa marami tao. Siya lang ang nakilala kong nerdo na hindi nakasalamin.

Naalala ko tuloy yung time na nadapa sya, halos lahat talaga napatingin sakanya. And syempre tinulungan ko yung tao, wala akong pake sa kahit anong sabihin nila. Tinulungan ko syang tumayo at dinampot yung mga gamit nya at binigay sakanya. Yumuko lang naman sya at umalis, nakakaasar lang kase, na hindi sya marunong magthank you. Pinagbigyan ko lang naman ren sya tsk, mabait naman ako eh.

At dumating yung mga araw na hindi ko na sya nakikita, lagi kong pinupuntahan sa library at hinahanap sya, laging nagdadahilan sa mga kaibigan ko na magc-Cr lang ako, pero ang totoo talaga hahanapin ko si Veronica. Hanggang sa narinig ko nalang sa mga students na nagchichismisan, ang sabi ay umalis na sya sa school at nangibang bansa. Nagtataka nga ako kung bakit napagchismisan pa sya ng mga students eh isa lang naman syang NOBODY sa campus. HAHAHA ang hindi ko lang alam, ISA syang mayaman na nilalang at nagmamay-ari ng kung ano anong companies at mga business branches. Nakakatawa lang kase, ang nerdo na yon, mayaman? Nakakagulat lang talaga.

Ilang taon ko ren syang hindi nakita, hanggang sa dumating ang 4th year, nakita ko nalang syang bumaba sa kotse at laking gulat ko ay, ganon pa den ang pananamit nya, walang pinagbago. Laking nakayuko kapag maglalakad, hindi pa ren sya nagbabago. Hanggang sa ayon, tinigilan ko na ang paghahanap sakanya kase bumalik naman na sya sa Campus.

Hahahaha masyadong marami na akong nasabi. Shinare ko lang naman kase yung mga napapansin ko sakanya. Hindi porket ganon sya, hindi na sya mapapansin ng maraming tao, baka nga mas mapansin pa sya kase nga sya lang yung naiiba sa lahat ng students sa University.

Natigil naman ako ng pag-iisip nang biglang batukan ako ni Ryle.

"Aray!" biglang sabi ko sakanya.

"Baliw na tong kaibigan naten Bro, pano ba yan? una na ako. Bye, ingat kayo ah." sabi naman ni Drake. "Nga pala Bry, magtapat kana Hahahaha." natatawang sabi naman nya at tuluyan ng pumunta sa kotse nya.

"Woi! wala dyan si Samantha! nandito sya sa kabilang kotse." sigaw ko naman sakanya.

Bumalik naman sya para sabihan si Samantha.

"May balak ka bang umalis?" sarcastic na tanong ni Drake kay Samantha.

"Ay pasensya na." sabi naman nya kay Drake. "Bye sainyo! Ingat ah." sabi naman ni Samantha.

"Pakisabi kay Cyrus, magpakabait sya!" sabi naman ni Veronica.

"Mag-ingat kayo ah." sabi naman ni Chloe.

"Sige bye." sabi naman ni Samantha at tumingin na kay Drake. "Tara na." aya nya kay Drake at nauna pa syang pumunta sa sasakyan.

"Get in." seryosong sabi naman ni Drake.

All Started with a planTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon