CHAPTER 58: Badtrip

39 2 0
                                    

DRAKE'S POV

"Hindi ko alam na ganyan ka pala kadrama." natatawa namang sabi nya.

"Ngayon, dapat alam mo na." Sabi ko pa at napangiti. "Kaya wag mo akong sasaktan ah?" Dagdag ko pang sabi at saka hinawi ang buhok ni Samantha.

"Bakit naman kita sasaktan? Walang dahilan para saktan ka, para saktan kayong mga lalaki." Sabi naman nya pero hindi nakatingin saken, nakatingin parin sya sa langit.

"Tsk. Nasaktan nga ako, tapos walang dahilan para sak---" hindi naman ako natapos ng sasabihin dahil sa bigla syang humarap at nagsalita.

"Hindi ako si Xavina okay? Magkaiba kami, magkaiba kami ng mukha at magkaiba kami ng ugali." Sabi nya pa at napatango lang naman ako. "Hay nako ang drama! Tara na nga! Gusto ko nang matulog, diba sabi mo maaga pa tayo bukas?" sabi naman nya at bahagya pa akong napangiti.

"Kaya nga. Pero mamaya na, samahan mo muna ako dito." Sabi ko pa.

"Hay nako Drake, para kang bata." sabi nya pa at biglang pinisil yung ilong ko. "Ang tangos ng ilong mo, nakakaasar." Dagdag nya pa matapos nyang pisilin yung ilong ko.

"Tsk. Matangos ren naman ilong mo ah." Sabi ko pa. "Alam mo ba---" hindi nya naman ako pinatapos ng sasabihin.

'SANAY NA KO! BASTOS TALAGA SYA'

"Hindi ko pa alam eh." Sabi nya naman at natawa.

"Malamang Tsk." Sabi ko naman.

"O sige na, anong sasabihin mo." Sabi nya naman.

"Akala ko kaya, hindi mo ako papayagang manligaw, tsaka hindi ko akalaing sasagutin mo ko." Sabi ko pa.

"Huh? bakit naman." tanong nya.

"Akala ko kase, may iba kang gusto." sabi ko pa.

"Baliw ka ba? at sino naman ha?" tanong nya pa.

"Tsk. Hindi ka ba nagkagusto kay Nathan!? halata naman sa mukha mo eh." sabi ko pa.

"Hahahaha!! Ayon ba? infatuation lang yon, ano ka ba! nagseselos ka no? Tsk. Sabi ko na nga ba eh. Pasungit sungit ka pa non ah?! akala mo ba hindi kita napapansin." Sabi naman nya at tumawa tawa pa.

"Tsk. Di ako nagseselos no!" Pagpapalusot ko naman.

"Ay sus nako, ako pa niloko mo ah." Sabi naman nya.

"Okay fine. Every time na magkasama kayo, nagseselos ako." Sabi ko naman.

"Hay nako, wala yun." sabi naman nya at natawa.

"Hello po!"

Bigla naman kaming napatingin ni Samantha sa likuran.

"Cyrus???" Biglang sabi naman ni Samantha at lumapit naman sya. "Teka, anong ginagawa mo dito?" Tanong naman nya sa batang dugyot.

'Kahit kelan talaga napakaistorbo netong batang to eh'

"Wala lang po, hinahanap po kita eh." Sabi naman nya kay Samantha.

'tsk. May gusto ka ba kay Samantha! Nakakaasar kana ah!'

"Ha? Ah eh, bakit naman?" Tanong pa sakanya ni Samantha at saglit na napatingin saken.

"Tsk. Babalik na ko sa kwarto ko." Sabi ko naman at dire diretsong umalis na.

Actually hindi talaga ako babalik sa kwarto, lalabas talaga ako ng hotel. Nakakaasar talaga! Lagi nalang yan umeepal yang batang yan! Puro nalang ba sya Samantha? Bakit? Ayaw nya ba kay Veronica? haysh, subukan nya lang agawin saken si Samantha, matatamaan talaga sya saken. Kabata bata eh.

All Started with a planTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon