Kabanata 4

6.1K 143 3
                                    

                    Kabanata 4

IT HAS BEEN hours since the sun went down, and considerately that fact, I probably wasn't in the best places for the time. At halos kalahating oras na akong nagko-commute kakahanap kay Hendrix.

"Of all people ako pa talaga ang nautusang maghanap sa lalaking yon? Ano ba siya? Lost puppy?", Para akong baliw na nagngingitngit sa loob ng bus. Yung katabi ko pa nga ay paminsan-minsang sumusulyap sa akin.

I was dressed in a skin tight black dress subalit may pulang coat na lagpas tuhod ang haba ang siya ding tumatakip sa aking katawan.

Ilang sandali lang ay bumaba na ako sa subway. Mayroong isang payphone booth doon. Tinungo ko iyon at saka ako naghulog ng coins bago ako nagtipa ng mga numero. When the call went through hindi ko na hinintay pa na maunang magsalita ang taong tinawagan ko mula sa kabilang linya.

"Na-track niyo na ba siya?", Tumahimik ako saglit sa paghihintay sa isasagot ni Percy.

"He was in El Pierro...", I listened to the instruction carefully and unphased.

⚜⚜⚜⚜⚜

NAPAPAYAKAP ako sa aking sarili sa lamig ng gabi. I didn't fit in along the dark street of the city. Patuloy lang ako sa paglalakad kahit pa nakayuko na ang ulo ko, trying to go unnoticed.

Maya-maya pa ay bumangga ako sa taong napadaan. Yumuko ako rito upang humingi ng paumanhin saka ako muling nagpatuloy sa paglalakad.  Ang maingay na tunog na nililikha ng mga sasakyan, mga gusali, mga vendors na naglalako ng kung anu-ano, at mga ingay ng taong napapadaan ang siyang bumubuhay sa malamig na gabi. Ang mga iba't-ibang kulay ng ilaw sa mga buildings ay sadyang nakapagpahilo sa akin. But there was nothing out of ordinary.

Hanggang sa huminto na ako sa paglalakad ng sumuko na ako. Kapag nagtanong naman ako dun sa mga men in black niya, wala naman akong sagot na makuha sa kanila kung nasaan ang Big Boss nila. Damn, am I an agent now spying or something?

Kaya napagdesisyunan ko na lang na mag taxi.

"Saan po kayo pupunta, Ma'am?", Tanong ng taxi driver.

"Manong, alam niyo po ba kung saan ang El Pierro dito?", Sagot ko matapos kong isarado ang pintuan ng sasakyan.

Tumango lang si Manong at nagsimula ng magmaneho. Hinubad ko na ang coat ko. Ipinatong iyon sa ibabaw ng upuan. Ilang sandali lang ay idineklara ni Manong na nasa El Pierro na kami. Inabutan ko ng limandaan si Manong.

Isang night club pala iyon. Kaya naman pala tinext ako ni Percy kanina ng password. Kakailanganin ko daw iyon bilang pass. Isang malaking plaka ang nakasulat sa malaking building ng night club na iyon. 'El Pierro'. Napansin ko din ang mahabang linya ng mga taong nakapila. Nilagpasan ko silang lahat hanggang sa matuntong ko na ang kinatatayuan ng bouncer.

"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo, Miss?", Brusko ang tinig na iyon ng bouncer. Crossing his bulky arms together trying to look threatening. Ang mga mata niya ay naglakbay sa akin. Napalunok tuloy ako.

Taas noo akong tumingin sa kanya at binulong ang password. Ang mga mata nito ay nanlaki. Wala kasi akong i.d pass iyon lang ang paraan para makapasok ako sa loob. Yumuko siya sa akin at pinapasok ako sa loob. Isa pang bouncer na doble pa ang laki ng katawan ang lumapit sa akin at iginiya ako sa mahabang hallway.

The empty silence of the hall was only tainted by the sound of my heels but once I opened the door, it was like a different world. Ang paligid ay sadyang madilim but then a suddenly bursts of neon lights went through. Ang malakas na bass music ay talaga namang nakabibingi.

So I Married The Mafia Boss 2: SymbiosisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon