Kabanata 42

1.9K 46 2
                                    


"If you don't take risk, you can't create a future." — Monkey D. Luffy; One Piece

***

Sidney's Point of View

Sa lamesa ng mga nag-uumpukang pamilya't kaibigan nararamdaman ko ang tensyon. Agad akong sinalubong ng yakap ni Yona na mukhang nagpipigil na umiyak. Matapos ang isang buwan sa Romblon ay nagpasya na kaming bumalik sa Manila. Ang Magkapatid na Noah at Nina ay umuwi muna sa kanilang penthouse samantalang si Reed ay buo na ang loob na sumanib sa Beehive. Ang araw na ding iyon ang mismong araw na ipakikilala ito ni Hendrix na bagong miyembro ng nasabing clan.

I can see my mom saddened face. Si Papa Xander ay bagkus na blangko ang ekspresyon ay hindi rin naitago ang lungkot sa kanyang mga mata. Tita Hailey is sitting beside her husband as Hendrix greeted his parents in front. Percy looked at me the same expression Yona held. Nilingon ako ni Gweveneire. Tinapik naman ni Tito Lennox ang aking balikat.

I knitted my brows, curiosity was forming my eyes.

"What's with your expression? Did something happened while we're gone?" I asked.

Bumuka ang bibig ni Tita Hailey subalit walang tunog na anuman ang lumabas roon sapagkat agad na hinawakan ng asawa nito ang kamay upang pigilin ang anumang sasabihin.

Mapait na ngumiti si Tito Hunter sa akin. Tumayo siya at lumapit sa akin, iminuwestra ang lamesa kung nasaan sila ng mga kasama niya. Bumaling ako kay Hendrix, tumango lang siya at nagsabing sundin na lang kung ano ang gusto nila.

Kung hindi lang naiiba ang aura ngayon, marahil ay magtatanong agad sila sa presensya ni Reed Lohan pero sa pagkakataong iyon ay mukhang may mas mahalagang dapat pag-usapan.

I still lost in my thoughts when Papa Xander opened the door to informed me about the situation.

Humakbang palapit si Papa Xander sa akin. Hinawakan ang magkabilang pisngi ko na agad ko ding hinawakan ang kamay niyang nasa pisngi ko. "Anong problema, Papa?"

Hinalikan muna ni Papa Xander ang buhok ko saka ako hinila palapit sa kanya upang yakapin ako ng mahigpit. "Sydney..."

Nakagat ko na ang labi ko sa uri ng tinig ni Papa. "Pa, ano po ba ang problema? Sabihin niyo sa akin.."

Hindi agad sinagot ni Papa Xander ang tanong ko. Mahigpit lang ang yakap niya sa akin.

"'Nak, makinig ka sa sasabihin ko..."

Hinawakan ni Papa ang mukha ko upang titigan ako sa mga mata. "Your...father needs you. Tumawag si Percy one week ago ...natagpuan nila ang katawan ni Vito at ng isa pang binata.. the young lad died and Vito is in critical condition. He might...not make it..."

Halos mapaupo ako sa ipinqgtapat ni Papa. Vito Oliveros may be  a bad person but he is still my father. Hindi ko rin pala kayang kamuhian ang taong iyon habambuhay. Dahil pagkarinig ko sa masamang balita ay para tinamaan ng kung anong matulis na bagay ang puso ko. Ang mga luha ay agad na bumagsak at napahagulgol ako.

Dinaluha ako ni Hendrix. He cuddled me like a baby. "Syd..."

Nag-aalalang tumitig si Hendrix sa akin matapos niyang makitang halos manigas na ako sa gulat at pag-iyak.

Dinala ni Hendrix ang likod ng kanyang palad sa aking pisngi upang punasan ang luhang nalaglag but I remained motionless...

"Sydney..."

Halos mamuta na rin si Hendrix nang mapansing hindi man lang ako gumalaw at hindi sumagot sa kanya.

He could only hug me tight even when he, himself, is shaking.

So I Married The Mafia Boss 2: SymbiosisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon