Kabanata 37

1.9K 42 2
                                    

"This love is beautiful but it's real." — Taylor Swift

*****

Kabanata 37

Sydney's Point of View

I was an exceptional actress, and this was the performance of my life.

Ang magpanggap na bumalik sa normal and lahat. To know that the man who had raised me wasn't actually my father and the legal father was molded me and controlled me every move was devastating.

The man with guns na pinapanood ang bawat galaw ko sa loob ng dalawang taon, ang bawat tawag sa telepono na pinamomonitor at recorded pa at ang bawat gabing umiiyak sa unan habang naghihinatay. Waiting. Just waiting.

"Sigurado ka ba sa pupuntahan natin?" Tanong ko sa kanya. Pinapanood ang mga paa niya sapagkat siya ang sinusundan ko.

Mukhang masyadong seryoso ang mukha niya nang sumagot. "Yes."

Nilakihan ko ang mga hakbang ko ng sa gayon ay magawa ko siyang habulin pero mas mabilis siyang maglakad. Sigurado akong hindi ito ang tamang daan papunta sa bahay niya sa Romblon. We leave there for a couple of weeks kaya kahit sa maliit na panahong iyon alam ko kung saan niya akong unang binahay. Napailing ako. That's a wrong choice of words, isn't it?

"Alam kong naging makakalimutin ka na pero mukhang hindi ito ang tamang daan." I mumbled, pero hindi man lang ako pinagkaabalahang lingunin.

"Ba't ba mas may alam ka pa sa akin? You're going to be my live in partner but that doesn't mean that you can question me." He stopped for a second, again a meter or so in front of me.

L-Live in partner? Napangiwi ako. Napataas ang kilay. Anong ibig sabihin non?

"Hey!" Finally, nakahabol din ako sa kanya at huminto sa mismong harapan niya, but no, hindi ko pa rin nakuha ang atensyon niya. "Makikitira. Hindi live in partner." Paliwanag ko. Sinusubukan siyang diktahan sa mga pinipili niyang mga salita. I cut myself off, bumaba ang tingin sa black boots kong bumigat na dahil sa kapal ng nakadikit na putik. "Alam ko kung saan ang bahay mo. Malapit yon sa dagat hind dito sa kagubatan ng isla."

Napansin kong mabilis na nagbago ang aura ng mukha niya bago niya ako tinitigan. Sinubukan kong iwasan na lang siya pero nakuha naman ng aking pansin ang boses niya. "Hindi ko akalain na ganito ka kabaliw sa akin. You even stalks me."

With that, napapailing na iniwan niya ako para magpatuloy sa paglalakad pabalik sa sa una naming pinuntahan bago namin pasukin ang lugar na ito. Mabilis siyang kumilos at naglakad kaya naman hindi patas ikumpara ang maliliit kong binti sa mahaba niyang legs.

I cleared my throat slightly. "So," panimula ko, still nasa likuran niya ako trying to catch him up. Nakakairita lang dahil ang malapad niyang balikat ang palagi kong natatanaw the whole way. "Why did you suddenly offer me to live with you? You know the consequences and you still invited me."

Walang nagbago sa reaksyon ni Hendrix ng lingunin ako nito. "Bakit ko pakiramdam ko trick question iyon?"

Natural lamang na itanong ko iyon sa kanya. Hindi naman niya ako basta aalukin kung wala siyang dahilan. It was still then Mafia war that made our families enemies. Bumuntung-hininga ako kapagkuwan ay winaksi ba lang ang katanungang iyon.

Tumawa siya ng pagak. Ngunit ang mga mata na tumitig sa akin ay nasa karaniwan na malamig at seryosong ekspresyon ang kanyang mukha. Para bang seryoso siya sa anumang sitwasyon. "Hostage. Considering na anak ka na kaaway. Benefits ko ang makuha ang prensesita nila."

So I Married The Mafia Boss 2: SymbiosisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon