Kabanata 41

2.3K 38 4
                                    

"Occasionally,  the reality is more cruel than lies." — Reply 1994

*****

Kabanata 41

Renzo's Point of View

"You have the wrong guy! Hindi mo ito kailangang gawin sakin, Renzo!" Sigaw ni Ali bago ito sikmuraan ni Damian. Blood dripping out of his mouth and his face is actually have cuts.

Nanlaki ang mga mata nito ng mula sa mesa ay kinuha ko ang kutsilyong pinambabalat sa mga prutas na naroon saka iyon pinaglalaruan sa aking mga kamay.

"May pakialam ka ba sa tauhan mong ito, tanda? May matitira pa bang awa diyan sa maitim mong puso para as binatang ito na walang ginawa kundi puro kapalpakan?"

The old man stares at me aghast. "Wala akong pakialam kung ano man ang gawin mo sa lalaking yan. But don't ever try to laid a hand on my daughter. Inosente siya dito, Renzo. Kung gusto mo akong patayin,  gawin mo. Huwag mo lang siyang idadamay."

"Hmm.. Big daddy scared huh?" Ngumiti ako sa tinuran niyang iyon kanina. Tingnan mo nga naman, kahit gaano pa kademonyo ang matandang ito marunong din palang magmahal kahit papano. Sa dami ng kasalanan nagawa niya, hindi ko akalain na lumalambot pa rin ang puso sa anak nito kahit makailang ulit na niyang sinasaktan ang puso ng kaisa-isang anak.

But the point is, its too late for him to act like a real father. Lalo na't nais isuko ni Sydney ang ama nito sa mga awtoridad.

"Bakit sa akin mo binubunton ang galit mo sa matandang yan. Wala akong kasalanan!" Ali's brittle voice quivered. Ang hagulgol nito sa mga oras na iyon ay tila orkestrang nagsilbing musika sa aking pandinig. Ang dugong nanggaling sa bunganga nito ay pumatak sa aking sapatos. I frowned upon seeing his fucking blood.

Sinipa ko ang pagmumukha nito dahilan para ito tumilapon. Narinig ko naman ang halakhak ng mga dating tapat na tauhan ni Vito Oliveros na ngayon ay kontrolado ko na. Napapailing pa ang mga ito,  nagniningning ang mga mata habang tumatagay ng beer na animo ay nanood lang ng isang maaksyong drama sa television.

Hinablot ko ang buhok ni Ali upang makita niya ang nangangalit kong mga mata. "Look what you've done,  you rat! New shoes and you had to ruin them. Gusto mong sirain ko din yang pagmumukha mo?" Ipinakita ko sa kanya ang nangingintab na kutsilyong nasa kaliwang kamay ko at walang anu-anong ipinikit ang talim niyon sa mukha nito.

"Ikaw ang Bulong nagbantay sa babaeng iyon. Natakasan ka lang ng isang babae? Alam mong kailangan ko siya. That woman can only give me what I want. Dahil ang matandang ito," turo ko kay Vito gamit ang kutsilyo ngunit agad ding ibinalik ang talim sa nanginginig na si Ali.

".. ay binago ang kanyang will nang malamang buhay pa si Daniella. Ipinangalan niya lahat ng property at ari-arian ng organisasyon sa babaeng walang kaalam-alam sa pagpapatakbo ng Trifolium. Tell me where that fucking woman before I finish skinning your flesh off."

Napaluha na si Ali samantalang napamura na lang si Vito. Ang malalamig at madidiing murang iyon ni Vito ay nagmistulang solusyon na humalo sa hangin. "Tigilan mo na yan, Renzo. Hindi niya alam kung nasaan ang anak ko. At nagapasalamat ako dahil nagawa niyang tumakas dito. Kung hindi lang sana ako naging sakim. Naging madamot..."

"M-Maawa ka, Renzo, may pamilya ako." Si Ali.

I hiss and brought the knife edge under his throat. Family. Iyon ang salitang ayaw kong marinig kailanman. Pamilyang nawala sa akin dahil sa kasakiman ni Vito. Pamilyang trinaydor nito at pinapatay upang lumawak ang kanyang kapangyarihan at salapi sa clan. Matapos mamatay ni Trent Cross, ang pinuno ng Red Dragon at ama ni Reed ay nasamsam ni Vito ang anumang pag-aaring naiwan ni Trent nang ampunin nito si Killian Cross (Reed Lohan). Ngunit hindi nakuntento si Vito sa kung anong mayroon siya. Pinagtaksilan niya ang ama ko na tumatayong Capo ng Trifolium.

So I Married The Mafia Boss 2: SymbiosisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon