Kabanata 18

3.5K 76 2
                                    

Chapter 19 - Boyfriend

Julia Torres Point of View

"Akin na nga 'yan, umuwi ka na nga s inyo!", inis kong sabi habang pilit na inaabot yung remote control ng T.V.

Bakit ba kasi ang tangkad ng lalaking ito? Kahit tinatalon-talon ko na para  abutin yung remote relax lang siyang itinataas ang kamay. Tawa pa ng tawa habang ako nahihirapan kong abutin yung remote. Monster pa rin talaga siya,  pasalamat siya mahal ko siya.

Naiinis na ako, he found it funny but I found it childish. Hindi ko muna sinabi kay Mommy at Tita Molly na boyfriend ko na si Zyle. Kapag sinabi ko kasi iyon paniguradong hindi nila ako tatantanan to get details for what happened. But this boyfriend of mine, he really love to mess with me, like this. He never stops bullying me.

Though sometimes, napapa-away siya sa gulo like nung may nagbigay sa akin ng flowers and chocolate from engineering department, he got a fight with that boy. Umiiral palagi ang pagiging possessive niya. Minsan naman ang bilis niyang magpatakbo ng sasakyan niya, we almost got caught by the police. Lagi pa siya sa bahay na feel at home pa ang peg. Lagi pang ipinagmamayabang yung niluto niyang pritong itlog. Sawang-sawa na nga ako sa omelet, eh! Sadyang pasaway parin talaga ito.

Reminder: Don't fall in love with an Evans,  sakit lang ng ulo ang lahi ni Zyle!

Just by thinking of all bad things he's capable of doing. This boyfriend of mine is a headache despite of our one month relationship as a couple.

"Fine. But tell me how much you love me, mi amore.", saglit nitong iniabot sa akin yung remote pero nung kukunin ko na agad naman niya iyong itinaas muli.

Napapadyak na ako sa inis. This guy never fail to ruin my mood.

"Ugh! Don't be a childish, Zyle. Sasakalin na talaga kita!"

"How? Eh, ang liit mo. Dwarf!"

Konting-konti na lang talaga!

"Hey, be a sweet girlfriend. I want to hear it, come on say it. Say I love you so much. Ti amo il mio, my love.", pang-aasar pa niya.

Sinamaan ko muna siya ng tingin before plopping down the couch. Suko na ako, alam ko kasing matatalo lang ako sa pamimikon ng lalaking ito. Kinuha ko na lang si Zayn na tahimik na kumakain ng popcorn. Kinandong ko ito saka pinanggigilan. Para kasing batang version ito ni Zyle. Ang cute!

"Ang bad ng Kuya mo baby Zayn. He never let us watch Spongebob."

"If I grow up I'll marry Ate Julia.", sabi nito habang sumusubo ng popcorn.

Tumawa ako. "Edi matanda na ako pag lumaki ka.", pinangigilan ko ito saka hinalikan sa pisngi. Tumawa lang si Zayn. Oh, I really love this kid!

"Gusto namin manuod ng Spongebob not that boring NBA. Right, Zayn?"

Tumango yung bata bilang pag-sang-ayon.

Sumimangot naman si Zyle. Nagulat na lang ako ng buhatin nito yung kapatid niya mula sa pagkakakandong ko saka nito pina-upo sa gilid ng couch. Pasalampak siyang naupo sa gitna namin ni Zayn.

"You make me jealous. Mas gusto mo pa si Zayn kaysa sa akin. I'm your boyfriend.", nakangusong inabot nito sa akin yung remote control.

Pinaghahampas ko naman yung braso nito. "Ewan ko sa'yo.", napailing na lang ako habang hinahanap yung cartoon network para makapanood na kami ni Zayn ng Spongebob.

Tumayo na lang ako para kumuha ng meryenda pero hinila ako ni Zyle na tumayo rin pala. I quickly turned around and found him smiling. But I found myself a little too close. Nagdikit yung ilong namin.

So I Married The Mafia Boss 2: SymbiosisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon