Kabanata 43

2K 39 1
                                    

"Human nature is too fragile. Once some things are lost, you can't ever recover them." — Love Me If You Dare

******

Renzo's Point of View

Isang lalaki ang pasimpleng nagtungo sa sasakyan ko na nakaparke ilang metro ang kalayuan sa entrada ng Valeria Hotel. Kinatok nito ang bintana.

"Ayos na ba ang lahat?" Bahagya kong binuksan ang bintana niyon sa front seat nang magsalita ako.

Ang naka unipormadong binata ay tumango. "Naayos ko na po ang lahat ng inutos niyo, Boss. Mahigpit ang security. Buti na lang ay nagawa ko pang alukin ng malaking halaga ang mga utility officers. Hindi sila nag-atubiling tanggapin ang pera lalo na't dinoble niyo ang halaga. Boss, na-accomplish ko na ang inutos niyo. Nasaan na ang kabuuan ng serbisyo ko?"

Napangisi ako. Ang lalaki ay isang empleyado ng Valeria Hotel kung saan gaganapin ang engagement party. Hindi ko lubos akalain na matapos lang ang libing ng Don ay nag-organize ang pamilya Sylverio ng isang pagtitipon. Nakasaad daw kasi sa will and testament ni Vito ang kailangan nitong makasal ang dalawa.

That devil, matapos ang lahat ng pagsisilbi sa kanya na kulang na lang ay magmistula akong tuta sa lahat ng utos niya, the old prick didn't leave any single pennies or land to me. Ang tatlumpung porsyento ng ari-arian nito ay ibinigay kay Reed at ang natitirang pitumpung porsyento ay para naman kay Sydney.

Bumalik ang atensyon ko sa binayarang binata. Bilang isang waiter ay Kulang na kulang pa ang kinikita nito lalo na't lulong sa pagsusugal. Hindi na ito nagdalawang isip na ibenta ang katapatan para sa kaunting salapi. Tsk!

Inilabas ko ang maliit na envelope na naglalaman ng parang pinag-usapan. Pinagmasdan ang magtanong event sa Valeria Hotel. "Tsk. These socialites. They spend so much money just to show off." Saka ibinalik ang paningin sa kausap. "Eto na ang kabuuan ng pinag-usapan natin."

Nang mahawakan nito ang envelope ay agad niya iyong binuksan upang masilip ang makapal na tig-iisang loob. Nangislap agad ang mga mata nito at halos maglaway na sa pagbibilang.

"Remember, bayad ka na. Ano man ang mangyari sa event ay umakto ka lang na tila walang nalalaman. Sa oras na madalas ang bibig mo, titiyakin kong wala ka ng pamilyang babalikan. No matter what, you must bring the target outside. Siguraduhin mong wala siyang bantay. I have a surprise gift just for her."

"Yes, Boss! Huwag kang mag-alala. Bayad na ang serbisyo ko. Wala na akong pakialam pa sa kung anong mangyari sa party. You have my words."

Ngumiti ang waiter. Tiniyak na susundin niya ang aming negosasyon. Matapos iyon ay isinuksok na niya ang envelope sa kanyang bulsa.

"Umalis ka na. My men that you bring inside, don't mind them. Ayaw kong pumalpak ang planong ito. Alam nila ang gagawin kaya mag focus ka lang kung paano mo mailalabas ang babaeng iyon."

Sumaludo ang waiter kaakibat ang malademonyong ngiti sa labi. He bowed before me before leaving me behind.

Nang mawala na ang lalaki sa aking paningin ay umalingawngaw ang malakas kong halakhak sa loob ng sasakyan.

Isang halakhak ng kabaliwan. Ang halakhak ng maitim na plano... Ang halakhak ng aking tagumpay!

Ang naturang selebrasyon ay mukhang pribado dahil walang media ang inimbita sa venue. Ang ilang napag-anlukan ng imbitasyon ay mga kasosyo sa negosyo o kamag-anak. Subalit maging ang mga ito ay hindi napigilan na mag post sa kani-kanilang social media accounts.

Ilang sandali lang ay naging hot topic na ang balita sa pagpapakasal ng tagapagmana ng Sylverio Industries sa kaisa-isang heredera ni Vito Oliveros.

Ang ilang nakabasa't nakarinig sa balita ay nagbigay ng kanilang mga momento at pahayag ukol sa engagement. Marami ang na-curious sa pamilya Oliveros na kamakailan lang ay pumanaw na. Ngayon, nais halungkayin ng media ang nakaraan sa pagkatao ni Daniella Oliveros na ngayon ay mas kilala sa pangalang Sydney Fabian. Kung paano napunta ang dalaga kay Alexander Fabian.

So I Married The Mafia Boss 2: SymbiosisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon