Kabanata 32

2K 46 2
                                    

"Forget safety. Live where you fear to live. Destroy your reputation. Be notorious."

*******

Kabanata 32

Hendrix Point of View

Two years later...

From the VIP roped table, tahimik kong pinanood ang mga taong abala sa kanilang alak, pag-indak sa dancefloor, bathed in the ethereal white lights. Isa sa mga hottest night club, ang Momentous. Mula sa itim na dingding ay naroon ang isang banda na nagpe-perform, bolstering the cried with their catchy beats and lyrics. Sumimsim ako sa aking kopita na naglalaman ng red martini blend with apple juice, vodka and apple schnapps na pinaibabawan ng sugar rim. Nakakatatlong baso na rin ako mula pa kanina. Naglakbay lang ang aking paningin sa mga tao sa paligid.

Hindi ko alam kung bakit palagi akong nagpupunta sa mga nigh clubs. Para akong palaging may hinahanap. Laging may hinihintay ngunit hindi batid kung sino.

Para bagang may mahalagang bagay sa akin ang nawala. Hindi ko man alam ang bagay na iyon ay batid kong may pilat ang puso kong hindi naghilom. And I really don't know the reason why.

Mayamaya lang ay bumukas ang pintuan ng club. Nagsalubong ang aking mga kilay, pilit na nirerehistro ang mukha ng bagong dating sa aking isipan. It was a woman. A girl. Huminto siya sa paglalakad matapos ang ilang paglinga-lingang ginawa pagkuwa'y pumirmi ang kanyang tingin sa aking direksyon. Wala akong nagawa kundi ang mapatitig sa kanyang mga mata. The soft brown colors that was radiating with so much emotion. Parang may gustong sambitin ang aking bibig. Kahit ano pero nanahimik lamang ako. Ganoon din ang kanyang ginawa.

Pinagtakhan ko ng labis ang matagal niyang pagtitig sa akin na animo'y matagal na kaming magkakilala. Ganoon pa din ang kanyang postura kahit pa aksidente siyang nabangga ng isang lalaking napadaan o kahit humingi iyon ng paumanhin sa kanya. Tanging naiwan ang kanyang naluluhang mata sa aking gawi na siyang ikinakunot ng aking noo. But my heart suddenly pumping more blood, faster and faster. Kumuyom ang mga palad ko sa di malamang dahilan sa kagustuhang mahagkan siya. Ang lapitan siya.

And then I did. Huminto ako sa mismong harapan niya at kinuha ang kanyang palad. Gusto kong mabatid kung sino siya. Her gaze fixing on me. Natigilan ako. Lumunok sa malalim niyang tingin dahil pakiramdam ko'y malalim din ang aking pagkahulog sa mga mata niya. Kaya minabuti kong bitawan ang palad niyang iyon sa takot na tuluyan akong mapaso.

Malalim ang naging buntung-hininga ko pagkatapos.

What the hell is her problem?

Pakiramdam ko'y hindi ako mapalagay sa uri ng kanyang pagkakatitig. Nawawala ako sa aking sarili dahil pakiwari ko'y pamilyar ang mga matang iyon. Especially when my heart skip a lifeless beats.

Hindi ko dapat ito maramdaman lalo na't unang pagkakataong nakita ko ang babaeng ito. There is no such thing as love at first sight. It maybe the liquor doing the magic on me.

Nang pag-aralan ko ang kabuuan ng kanyang mukha. The hypnotizing intoxication didn't stop. Tahimik pa rin siya, para bang kanina pa siyang may hinihintay na salita mula sa akin. Nag-concentrate lang ako sa maamo niyang mukha. Maputi siya at ang kanyang labi... they were pink. The finest rose bud, plump and full. Pero ang nakapagtataka ay parang nais kong hagkan ang mga labing iyon. She's too hard to resist.

Bigla akong namula sa ideyang iyon. Ganito ba talaga siya? Mali ang makipagtitigan lalo na sa estranghero. Ngunit magkagayon man, ginantihan ko na lang ang mga titig niyang nakakatunaw. I swear there is something in her eyes.

Pain, darkness,mystery...

Gusto ko na siyang talikuran subalit naugat ang aking mga paa sa sahig. Katawan ko na mismo ang tumatanggi.

So I Married The Mafia Boss 2: SymbiosisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon