Kabanata 17

3.6K 76 2
                                    


"Love is a triumph of imagination over intelligence."- George Eliot

❇❇❇❇❇

Kabanata 17

A mafia has a goal, their goal to power. Besides what was power without something to control?

Matapos silang magsawa sa shooting area ay lumipat naman kami sa sector six kung saan naabutan namin sila Noah na naglalaro ng pool. Nauna na kasi silang umalis kanina. Nakalatag na ang nine balls at mga tako sa isang billiard table. Sa gilid naman ay mayroong parisukat na mesa at may mga beers at iba't-ibang uri ng alak ang naroon.

"Saan kayo nagpunta kanina, Syd?", tumatawa si Yona nang sinalubong ako.

Sumalubong naman si Gwen kay Hendrix. Dumantay pa ang daliri nito sa dibdib niya. Iritado kong tinitigan ang kanyang sekretarya. Imbes na siya ang pagtuonan ko ng pansin ay hinila ako palayo ni Yona.

Hinanap ng paningin ko ang parents namin pero wala sila doon. Sinabi naman sa akin ni Yona na nauna na silang umalis dahil ibinigay nila ang gabing ito para sa amin.

"Anong iinumin niyo?", tanong ko kay Percy.

"Kahit ano.", ani Percy.

Kahit ano? Tanduay? Emperador light? Vodka? Chicha? Tiswin? Pisco? Soju? Tequila? Whiskey? Rum? Alin doon ang iinumin nila?

Iba-ibang brands kasi ang nakita ko gaya ng Fratello, Gardonnis, Cazcabel, Chateau de Laqeuy at Empress. Mukha atang balak ng mga itong magpakalasing ngayong gabi.

Nginitian ko ang maiingay na nagbibilliards. Pinakilala din ako ni Noah sa dalawang babae na mukhang date nito at ni Caleb. Pinanood ko silang nagbibiruan at nag-iinuman. Nilingon ko si Hendrix na hanggang ngayon ay kausap pa rin si Gwen. Napa "tss" na lang ako. Nagawa ding hawiin ni Gwen ang buhok habang may kung anong ibinubulong kay Hendrix.

"Anong gusto mong juice, pineapple o lemonade?", tanong ni Gray.

"Vodka o tum, meron ba?", sagot ko dahil hindi naman ako bata para magsiinuman sila ng alak habang juice naman ang sa akin.

Umupo ako sa ibabaw ng billiard tablet roon na walang umuukupa upang maglaro habang umalis ito upang kinuha ang ni-request ko. Pagbalik ni Gray ay binigyan niya ako ng "Finlandia" na classic red label. It is barley-base, a grain based vodka.

"Mas masarap yan kapag ininom sa bote.", natatatawang biro ni Gray bago uminom dun sa hawak nitong biro.

Aabutan na sana ako nito ng wine glass ng tinungga ko na lang iyon mula sa mismong bote. Napapikit ako ng malasahan iyon.

Hindi ito ang unang pagkakataon na uminom ako pero sadyang mas matapang ito kaysa sa mga natikman kong liquors noon.

"Hey, use your glass woman.", ani Percy, hawak pa ang tako nito.

"Binigay ni Gray. Mas maganda daw pag ininom mula sa bote."

Nalaglag ang kanyang panga ng diretso ko iyong ininom. Napapikit na naman ako ng lumandas sa aking lalamunan ang init ng likido ng mapait na inuming iyon. Hindi maalis ang mukha ni Percy sa pagkamangha sa nakita. Muntik ko ng makalimutan na bihira niya nga pala akong makitang uminom. Ito pa lang ata ang pangalawa. At sa pagkakataong iyon para ba akong lasengga kung umasta. Ngumiti na lang ako sa kanya.

"I'm no saint Perseus.", tumawa ako. Napahaba naman ang kanyang nguso ng banggitin ko ang kanyang pangalan na kinuha pa sa pangalan ng isang greek god.

So I Married The Mafia Boss 2: SymbiosisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon