Kabanata 26

2.9K 53 5
                                    

Julia's Point of View

I've been checking my phone about nth times already pero wala akong na-receive na kahit isang text message and missed calls galing kay Zyle. I wonder what he's been doing lately...

Naihagis ko na nga yung cellphone ko sa ibabaw ng mesa sa pagkairita. Ang karaniwang nakakasama ko na nga lang ay sina Shanna, Shun, at Hunter.

"Baka naman nag-message siya sayo through email? Try mo kayang i-check yung account mo."

"Wala talaga, Shanna. Tiningnan ko na rin kung nag-chat siya sa facebook, wala talaga, eh."

Napakamot ng ulo si Shun. "Tanungin kaya Kay Tita Molly? Baka Alam niya kung nasaan si Zyle?"

Pumangalumbaba ako. "Ginawa ko na yung kanina at hindi talaga nila alam kung nasaan si Zyle.", Biglang nanlaki ang mga mata ko nang maisip ang isang bagay na biglang nag-pop sa utak ko. "Hindi kaya mayroon na siyang other woman?"

Nang marinig ang bulalas ko agad na lumukot ang mukha ni Hunter. Nagtiim-bagang pa nga ito. "If he do that to you, I'll kill him."

"Mag-relax ka nga! Bawas-bawasan mo yang pagiging hyper mo, pwede?", Inis na singhal ni Shanna rito.

"Hindi niya pwedeng gawin yon, Julia. May usapan kami. Hindi niya pwedeng baliin ang usapan namin.", Ani Hunter nang bumaling sa akin.

Napangiti ako sa kanya. Kahit na mas pinili ko si Zyle sa kanya, nakuha niya pa ring makisama sa amin bilang mga kaibigan niya. Siguro nga mali lang ang pagkakakilala ko sa katauhan niya noon. Sa kabila ng lahat ng nangyari, heto pa rin siya ngayon... still protecting me.

Dumapo ang palad pataas sa aking ulo. I suddenly feel an aching pain throbbing in my head. Para iyong pinipukpok ng martilyo sa tindi ng sakit. Napapikit ako habang hinihilot ang aking sentido. Lalo lang tuloy akong nagtatampo kay Zyle. Pero galit at pagkairita lang ang pinaparamdam nito sa akin lately.

"Mag absent ka na lang kaya muna mukha kasing hindi na okay, eh.", Puna ni Shanna ng abutan niya ako ng malamig na tubig na hiningi nito sa waiter kanina.

Umiling ako. Ilang days na lang kasi graduation na kaya bakit pa ako liliban, di ba?

"I think Shanna's right. You look pale.", Pagsang-ayon na rin ni Hunter nang hawakan nito ang mukha ko upang suriin iyon.

Ganoon na rin ang ginawa ni Shun.

Hindi ko alam kung dahil ba sa pamimilit ba nila o sadyang dama ko lang na nanlalambot ang katawan ko kung kaya't sumang-ayon na lamang ako. At isa pa, paniguradong hindi rin naman nila ako tatantanan hangga't hindi ako pumapayag sa kanilang suhestiyon.

"Guys um-order ako ng burger and fries. Kayo na lang mamili ng drinks.", Maya-maya ay nagsalita si Shanna.

"Ikaw na mamili. Basta pagkain talaga, masiba ka.", Napapailing na sita ni Shun sa kakambal.

Nahihilo pa rin talaga ako at inaantok.  Wait lang, napapansin ko na para bang sakitin ako lately?

"Julia, okay ka lang ba? Namumutla ka talaga. Gusto mo ng umuwi? Ihahatid na kita sa inyo."

Pagkasabi non ni Hunter agad ding nabaling yung atensyon ng dalawa sa akin.

Uminit ang pisngi ko dahil para ba akong batang inaasikaso ng mga kaibigan ko. Paulit-ulit kong sinasabi na ayaw ko silang pinag-aalala pero ano itong nangyayari? Binabali ko na naman yung prinsipyo ko.

Napabuntung-hininga na lamang ako. Muli kong inabot yung cellphone ko sa mesa at saka sinuri ang screen kung may mensahe ba akong natanggap. At tulad ng inaasahan, namuti lamang ang mga mata ko sa kahihintay ng text message niya.

So I Married The Mafia Boss 2: SymbiosisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon