Kabanata 25

3.2K 58 4
                                    


Zyle Evans POV

DAIG ko pa ang zombie o ang lalaking lunod sa alak sa paraan ng aking paglakad sa hallway ng campus habang ang mga graduating students at naghahanda sa practice sa nalalapit naming graduation. Lango ang aking utak sa nangyaring kaganapan nang mag-krus muli ang landas namin ni Beatrice Del Fiore.

Nang makarating na ako sa gymnasium kung saan gaganapin ang practice ay pansin na pansin ko ang pagiging matamlay ni Julia sa kabilang row ng upuan. Nakabusangot siya kahit panay ang tawa ni Shanna sa kanyang tabi sa mga joke nito na ang mismong haponesa rin ang natatawa sa sarili nitong biro. Muling bumalik ang atensyon ko kay Julia, mukhang stress si girlfriend.

"Pansin mo rin ba?"

Isang siko sa aking beywang ang nagpalingon sa aking katabi.

"My bestfriend is acting soooo weird lately. She's moody and becoming creepy sa sobrang sungit! May ginawa ka bang kalokohan kaya siya nagkaganyan? Nag-away ba kayo? O nahuli ka niyang nambababae? Alam no dude, alam ko na ang ganyang kilos ng mga babae. Ask the expert. Ganyan si Julia...

A. Maybe because hindi mo siya pinansin.
B. Maybe because nag-away kayo.
C. Maybe because nahuli ka niyang lumalandi sa ibang girls kaya nagseselos siya.
D. Red day siya ngayon kaya masungit.
So prince charming what's the option of your situation? Is it A,B,C or D?"

Inagaw ko hung chocolate na kinakain niya sa kanyang kamay. Sumimangot si Shun habang inaagaw pabalik yung chocolate niya. Nang malapit niya na iyong makuha saka naman ninakaw ni Hunter sa kamay ko at tuluyang kinain. Halos maluha si Japanese boy habang pinapanood ang nauubos niyang hershey.

"Bawal kumain ng matatamis. Nakaka-diabetes so tinulungan kitang ubusin.", nakangising sambit ni Hunter.

Tama. After the compilations of events that happened a year ago, nagkasundo na kaming tatlo and now become best buddies.

"Alam ko naman yun, Shun. Pero lahat ng sinabi mong options na A,B,C and D, wala sa choices ang nangyayaring mystery kay Julia."

Tumango silang pareho. Naguguluhan ako sa mga nangyayari. Ngayon pa ata dumagdag sa bigat ng pinoproblema ko ang ikinikilos ni Julia. Nakakalito. Nakakahibang. Kulang na lang ata mag-nosebleed ako sa kakaisip sa mga nangyayari.

Nakatingin lang kaming tatlo sa dean na nagsimulang magsalita sa microphone sa harap ng stage.

"Ikaw rin, dude. Ilang araw ka ding nawawala kapag nagkikita ang barkada?", napagtantong tanong ni Hunter.

Tumikom ang aking bibig sa katanungang iyon ni Hunter. Tama, mga dalawang araw na akong ganoon. Wala along choice kundi ang makipagkita kay Beatrice. Nahihibang na ang babaeng iyon. Hindi ko alam kung ano ang kanyang mga susunod na hakbang. Nakakainis siya dahil wala siyang bukambibig kundi ang pangyayaring naganap sa kanyang nakababatang kapatid. Ako rin naman, nagsisisi at nakukunsensya. Kaya naman... hangga't maaari ay pipigilan kong magkita ang dalawa.

Napalunok ako. Paano kung magkita nga ang dalawa? Ano ang mangyayari sa amin ni Julia?

Isinantabi ko ang gumugulo sa aking isipan. Itinuon na lang ang atensyon sa nagsasalitang dean sa harapan ng stage.

Matapos ang isang oras na practice ay nilapitan kami ng nakangiting si Shanna. Happy virus talaga ang babaeng ito.

"Guys! Tara sa Burger King?", hinila ni Shanna ang kamay ko at ni Hunter.

Mabilis kaming nagpatianod sa nais nito. Syempre, dahil pagod kami sa practice, hindi na kami nagpumiglas sa ideya nitong kumain sa labas.

Nang makarating kami sa Burger King House, tumabi ako kay Julia habang si Shanna at pinagitnaan nina Shun at Hunter. Ngumiti ako sa aking nobya at hinawakan yung kamay into.

So I Married The Mafia Boss 2: SymbiosisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon