Kabanata 29

2.2K 47 2
                                    

"When the war cries surrounds you, remember what you fight for."

****

Kabanata 29

Sydney's Point of View

Here's the thing about men. About men like Hendrix for example. Kung mayroon mang bagong katangian niya ang matutuklasan ko ay babalik lang ulit iyon sa pag-iisip niya na palagi siyang tama. He loved being the one in control. Kung noon ay abala siya sa conflict with Trifolium ngayon naman ay naging strict workaholic siya. He liked having me in his hand whenever he pleased kaya ganoon na lang kadali sa kanya ang i-distract ako sa pamamagitan ng pagdikit-dikit sa akin or whatever skinship o kung ano man ang tawag roon.

Kitang-kita ko pa ang paraan ng kanyang pag ngisi bago ko tuluyang lisanin ang opisina niya. Hilig niya akong gawing utusan. Ano pa nga ba, I was just his assistant in the office and a his wife. Responsibilidad ko na ang pagsilbihan siya. At pakiramdam ko, ako na ata ang may mahirap na trabaho. Because my husband knows how to be a jerk. Alam na alam niya kung paano ako pepestehin sa bawat segundo. Satisfaction ba sa kanya ang mga bagay na iyon?

Malaki ang ginawa kong pagkagat sa Mc Burger ko bago ko pa na realize ang taong bigla na lang sumulpot sa table ko. Perseus Sylverio. Nakaka-refresh ang persona niya. Para siyang bright sun na nagsha-shine. Matamis ang ngiti niya nang hilahin ang upuan katabi ng sa akin.

"Whoah, someone's a bit moody today." Biro ni Percy habang pinagmasdan ang paghaba ng nguso ko. His jokes weren't always funny pero kapag nagbago na ang kinang sa mga mata niya at bigla iyong nagfor-form ng worried expression ay talaga namang maiiwang nakatitig ang mga mata mo sa kanya. He may not know but he has a way to calm someone. He can lightened the mood of anyone.

"Ano pa nga ba." Ika ko sabay hati ng maliit na piraso sa burger at isinubo sa kanya.

"H again?" Yep, at least alam niya kung bakit ako naga-grumpy ngayon. Siya yung topo na kaya kong ibahagi ang ilang mga bagay-bagay na gumugulo sa akin — mental breakdown from Hendrix Sylverio. He can always keep a secret. Si Yona kasi ay pagtatawanan lang ako kapag may sinasabi ako o kaya naman ay agad niya iyong ibinubuko sa kapatid niya.

Kinuha ni Percy ang cucumber sa gilid ng plato ko at kinain iyon. Being a fan of them, and I being the picky one. I hate cucumber. "I love your cousin but he's pestering me again."

A dry laugh escaped his throat as he leaned at the table. "Ginawa kang P.A?"

Hindi lang iyon, paano ko ba mababawi yung sasakyan ko? I took my time calming myself dahil kapag nagsimula na naman akong magsalita ay manunumbalik lang ang stress ko. "Hindi lang iyon. Naayos ko na ang schedule niya kahapon tapos pinatawag niya ako kanina para i-move ang buong schedule niya bukas? I mean, kung isang schedule niya lang sana ang pinabago madaling gawan ng paraan pero whole schedule?"

Pinanood ko kung paanong nagpipigil na bumungisngis si Percy habang napasandal sa kanyang upuan saka umusog ng kaunti na para bang gumagawa ng kaunting espasyo sa pagitan naming dalawa.

"He's H. He's always be like that. Want my service? Pero hindi libre, ahh."

Nginitian ko siya. Obvious naman na gusto niya akong tulungan. Nice guy siya noon pa man which was actually the opposite of Hendrix. They were cousins, at hindi ko maintindihan kung bakit ang laki ng pagkakaiba nila. Maybe mayroong problema sa X and U chromosomes ni Hendrix. Maybe I need to study Biology again. Geez.

Humalukipkip ako. "Huwag na. Alam mo, Percy, why don't you go on date or something? C'mon hindi ka na tumatanda."

So I Married The Mafia Boss 2: SymbiosisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon