SCARLETTE POINT OF VIEWBlangko at walang ganang nakatitig sa kawalan habang tahimik na sumasabay kay Charice papunta sa Dinning Hall para mag agahan, ilang oras pa akong nag tagal sa Magical Garden, sinusulit ang ganda at kapayapaang binibigay nito bago bumalik sa Dorm.
Hindi rin ako halos makatulog pag balik sa dorm room, nakatulala at maraming iniisip. Nakatulugan lamang ang pag iisip, hindi sigurado kung anong oras ako nakatulog, basta nagising lamang ako sa walang tigil na pang gigising ni Charice sa akin. Napasarap sa tulog pero ramdam pa rin ang antok, paulit ulit napapahikab kahit mag mula ng makalabas sa dormitory.
"Scarlette are you okay?" Pukaw ni Charice sa akin, lutang na napalingon at tulalang nakatitig sa kanya.
"Yung pagkain mo lumalamig na, wala ka bang balak kumain?" she said, tinuro ang plato ko, bumaba ang aking tingin.
"Kanina ka pa tulala" supladang saad nito, hindi ko mapigilang mapangiwi ng makitang wala niisang bawas ang pagkain.
"A-Ayos lang ako" pilit inaayos ang sarili, gumuhit naman sa kanyang mukha ang pagtataka.
"Sigurado ka?... mukhang wala ka sa sarili" I clear my throat and nodded.
"Yup I'm fine" seryoso kung sagot, tumaas naman ang kilay niya.
"Sure you are" sarcastically said, napailing na lang ako—
"All students of Royal Magical Academy, please proceed now to arena for Power Levelling... After 5minutes we will starts the levelling."
"All students of Royal Magical Academy, please proceed now to arena for Power Levelling... After 5minutes we will starts the levelling."
I tilted my head, Power Levelling, dumating na rin ang araw na kinahihintay ng lahat. Nabaling ang tingin sa kapwa estudyante, bakas ang saya, excitement at kaba sa kanilang mga mukha. Mukhang pinaghandaan nga nila ang araw na ito.
"Kumain muna tayo bago magtungo sa arena" paghihikayat nito, I nodded. Mas mabuti pa nga, dagdag na rin sa enerhiya.
Halos ilang minuto lang ang tinagal namin sa pag ubos ng pagkain bago umalis ng cafeteria at nagtungo sa Arena. Pagkarating halos puno na ang mga upuan, naghanap na lang kami ng mayroon pang bakante, hanggang napunta sa upper seat. Nauna akong na upo saka siya sumunod.
Nilibot ang paningin sa buong arena halos doble ang laki sa normal na soccer field. Sa baba bandang harapan mayroong mahabang stage, nakaupo ang mga matataas na myembro ng Academy, Faculty, Council and Headmistress. Habang sa lower seat nakaupo ang Elemental Royalties, kaya hindi magkamayaw ang mga kababaihan kakatili.
"Kyaaaaaaaaaaah Elemental Royalties!"
"Oh my god andito na ang mga elemental royalties!"
BINABASA MO ANG
Royal Kingdom Academy
FantasyQueen of all Queen. The Powerful Queen. But behind of that, she's the mysterious Queen. The Queen whom hide on her masked. But behind her beautiful masked, There's a lot of secret. Full of Lies and Full of mystery. -----