SCARLETTE POINT OF VIEW"Nandito na ang Air Elemental Guardian... kung ganun, tatlo na lang ang kailangan nating hanapin" Wika ni Thunder habang nagpapahinga kaming lahat.
We are here kung saan ko huling iniwan si Aaron (Air Elemental Guardian) kay Kaizer, pagkatapos naming magkatagpong lahat sabay sabay kaming nagtungo kung saan tahimik na naghihintay ang dalawa. Pinakilala ko si Aaron sa mga Royal Elementalist, ganun din sa kanila. Ang laki naman ng respetong ginawad ni Fairus ng makilala si Aaron as his Elemental Guardian.
Habang naghihintay ng impormasyon mula kay Aaron, andito kaming lahat, kanya kanyang pwesto nang upo. Si Thunder naka upo sa malaking ugat ng puno katabi si Windylynne na abalang ayusin ang buhok ni Aqualhyn nasa kanyang baba. Si Fairus naman may sariling mundo naka pwesto sa itaas ng bitak na bato at sa baba nito naka upo si Charice katabi si Aaron.
Sa katabing puno na kung saan naka tambay sila Windy, prente naman akong nakasandal sa katawan ng puno. Sa tapat at hindi kalayuan tahimik na nagpapahinga si Earl, sa itaas nito may matabang sanga kung saan naka upo si Kaizer habang kumakain ng mansanas. Hindi ko naman mapigilang magtaka nang makitang nakatitig si Kaizer sa akin.
"What he's doing?... nang iinggit ba siya?" Mahinang tanong ko sa sarili.
Siningkitan ko naman siya nang mata saka bahagyang sumenyas kung ano ang kanyang ginagawa, ngunit ang Mahal na Prinsipe nagawa lang nitong kumagat ng mansanas at ngitian ako. Wait— is he seducing me? I scoffed, as if. Sa halip na magpadala, nagawa ko lamang siyang irapan.
"Saan ang susunod nating punta?" Bahagyang tanong ni Windy.
"Mr. Aaron... do you know where the other Elemental Guardians are?" Tanong ni Fairus, bumaba mula sa itaas ng bato at tumayo sa tabi ni Charice.
"Don't be too formal, just call me Aaron. Tungkol naman sa ibang Elemental Guardians... patawad pero hindi ko na alam kung saan na sila ngayon" makumbabang sagot ni Aaron habang nakayuko ang ulo.
"Kahit niisa?" paninigurado ko sa kanya. He nodded.
"Magmula nang sumugod ang Dark King ilang daang taon ang nakalipas, pinili naming mamuhay na magkakahiwalay... ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon nagkita muli kami ni Clyde" paninimula niya, Dark King, ang puno't dulo nang lahat ng kaguluhan sa mundong ito.
"Clyde? Why he's name sounds familiar?" Fairus na puno nang pagtataka, sinegundahan naman ni Thunder.
"Oo nga, I think I heard him before pero hindi ko lang matandaan kung saan" walang gana namang lumingon si Windy sa kanya.
"Guni guni mo lang yun, baka kung ano ano na naririnig mo... wait, baka baliw kana" pang aasar ni Windy sa kanya, nakatanggap naman siya nang masamang tingin mula kay Thunder.
"Kung ikaw kaya gawin kung baliw?" Hindi naman nagpatalo si Thunder, natutuwang pinanuod ko naman ang dalawa.
"Pag untugin ko kaya kayong dalawa?" Seryosong sabat ni Charice, mabilis naman nag iwas ng tingin sila Windy at Thunder.
BINABASA MO ANG
Royal Kingdom Academy
FantasiaQueen of all Queen. The Powerful Queen. But behind of that, she's the mysterious Queen. The Queen whom hide on her masked. But behind her beautiful masked, There's a lot of secret. Full of Lies and Full of mystery. -----