Chapter 23: Cyclops

476 3 0
                                        


SCARLETTE POINT OF VIEW








Ilang minutong paghihintay, unti unti na naming natanaw ang mahiganteng katawan ng tatlong Cyclops hanggang makarating ang mga ito sa aming harapan. Halos mangalay ang aming mga leeg sa pagtingla sa sobrang laki nang mga ito. Kaparehas na iisa ang mata, dalawa ang may sungay at tatlong silang may mga dalang malalaking sibat.








"For sure, isang palo lang ng kanilang sibat bagsak agad tayo" biglang komento ni Charice.








"Don't worry Cha, I'm here for you... poprotektahan kita at handang ialay ang sarili wag ka lang masaktan" halos matawa ako sa banat ni Fairus.








"Naks! Pumapag ibig ang patotoy namin!" Mabilis naman nakatanggap ng sapak si Thunder mula kay Fairus.








"Then welcome to hell!" Malakas na tinulak ni Charice si Fairus papunta sa isang Cyclops, dahil sa gulat napalabas ng Air Ball si Fairus at binato sa mukha nang higante.








"Uh-oh... wrong move" hinatatakutan na sambit ni Thunder.








"AARRRGGGHHH HUMAN!!"








"Sibat!" Mabilis kaming umiwas ng sabay sabay pinalo nang tatlong Cyclops ang kanilang sibat.








"Hi there" I playfully said ng may isang Cyclops ang biglang bumungad sa akin. I flinched ng may Fire Ball na tumama sa kanya.








"Let's separate! Aaron come with us... come on!" Hindi na ako naka angal ng agad akong hinila palayo ni Kaizer.








"This enough" tumigil naman kami sa malayong parte hindi kalayuan na pinagmumulan ng aming mga kasama.








Hindi pa man kami nakapag pahinga mabilis ng naka sunod sa amin ang isang Cyclops, tumingin naman ako sa dalawang lalaking kasama, kaya naman siguro nilang lumaban. I silently smirked, isang malakas na apak sa lupa ang ginawad ko upang makatalon paitaas hanggang sa makatungtong sa malaking sanga.








"What are you doing? Hindi ka makikipaglaban?" Gulat na tanong ni Aaron, I smiled at him.








"You can fight him naman without me" I said, isang sarkastik na tawa naman ang lumabas sa bibig niya.








"Your Highness?" Paghihingi niyang tulong sa Mahal na Prinsipe, Kaizer quickly give me a glanced bago seryosong hinarap ang Cyclops.








"Let's finish this" hindi na nagpaligoy ligoy si Kaizer at agad sinugod ang mahiganteng Cyclops.








"Wow unbelievable... bahala na nga, just watch us!" Saka siya sumunod sa pag sugod, watch them?








Sunod sunod na nagpalabas ng Fire Balls si Kaizer at sinamahan ng kanyang Fire Phoenix, ganun din ang ginawa ni Aaron, nag summon ng Air Eagle kasabay ang mga Air Knife, walang pagdadalawang isip na tinapon sa Cyclops. Kusa namang umatake ang mga Elemental Animals, gamit ang kanilang matatalas na kuko, pinagkakalmot ang mukha ng higante.








"AAARRRGGGHHHH!!!"








Pinaghahampas naman niya ang Fire Phoenix at Air Eagle na pilit sugatan ang kanyang mata. Napapalayo naman ang dalawang Elemental Animals upang hindi matamaan sa malaki nitong sibat na napapalibutan ng Spikes. Hindi tumigil kakabato ng mga Air Ball and Fire Ball sila Kaizer and Aaron.








Royal Kingdom Academy  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon