QUEEN POINT OF VIEW
Blangkong pinagmasdan ang sariling repleksyon sa harap ng salamin, ilang minutong nakatulala habang inaayos ang suot na damit, sa gilid nakasabit ang Cloak sa Coat Rack saka sinuot. Lumapit sa nakabukas na bintana, walang alinlangang tumalon pababa, perpektong lumanding sa lupa.
Bahagyang inayos ang nakawalang hood ng kapa, pasimpleng pinakiramdaman ang paligid, kung may ibang tao nagmamasid bago humakbang papasok ng kagubatan. Tumigil sa unang puno saka tumalon papunta sa sanga nito, tumalon sa sumunod na puno, ganun din ang ginawa sa sumunod, tuloy tuloy hanggang sa makalabas.
Tumigil sa huling puno, tahimik na pinagmasdan ang napakalawak na kapaligiran, sa hindi kalayuan matatanaw ang napakamaliwanag na Caribbean, maraming tent na nakatayo at pinapalibutan na maliliwanag na ilaw.
Royal Carribean, isa sa pinaka sikat na pasyalan ng mga tao sa Moon Heavens, dinadagsa pagsapit ng dilim. Matanda, bata, mahirap o middle class pinupuntahan. Circus isa sa dinadagsa ng lahat dahil sa magagandang patimpalak na ginaganap dito, mayroon ding hile hilerang food stall na maaaring tunguhan at iba't ibang aktibidad tulad ng palaro.
Hindi ko mapigilang mapangiti habang nasasaksihan ang sayang nakapaskil sa kanilang mga mukha at magagandang ngiting nakaulit sa labi, they really enjoy it. Maya maya nagkumpulan ang maraming tao sa isang malawak na bahagi ng Royal Carribean, nagkanya kanyang pwesto at upo habang nakatingin sa itaas as if they were waiting for something.
I sit properly, sinandal ang likurang katawan sa puno, trying to get comfortable I crossed my arms and leaned these to my body, patiently waiting sa maaaring kaganapan. Ilang minutong paghihintay isang pasabog ang kumalat sa himpapawid, isa isang naging makulay ang madilim na kalangitan. I stop and look awe.
I almost forgot, tuwing sasapit ang alas dose ng gabi may fireworks show na ginaganap hudyat ng pagtatapos ng gabi. Sa lahat ng aktibidad na meron sa Royal Carribean, ang Fireworks Show ang pinakahihintay ng lahat, hindi aalis hangga't hindi nasasaksihan ang napaka husay na palabas ng Fireworks.
Habang may fireworks na kumakalat sa kalangitan meron ding iba't ibang nilalang na sumasayaw sa kanilang harapan, fairies and pixies naglalabas ng makukulay na pixy dust at magagandang bulaklak na sinasaboy sa mga nanunuod and etc. I closed my eyes, can't help it but to feel happy habang naririnig ang masasayang tawa ng mga tao, naghihiyawan tuwing may panibagong fireworks na sasabog sa himpapawid.
Slowly opened my eyes and gladly watching the fireworks show in front of me, tahimik na nakikisaya at namamangha. I'm like a lost child, felt envy at ignoranteng pinapanuod ang isang magandang palabas na kahit noon pa man hindi ko pa nasasaksihan. Tanging kwento mula sa mga Royal Maids ko lamang nalaman ang lahat ng ito.
Halos kalahating oras ang tinagal ng Firework Show, after the show unti unti ng nag alisan ang mga tao sa Royal Carribean. Ang kaninang puno ng manunuod, ngayon halos ilang tao na lamang ang natira. Karamihan mas pinili munang manatili bago lumisan. Napabuga ako ng hininga, dazedly starred at the night sky, hindi tulad kanina punong puno ito ng makukulay na pangsabog, it feels different.
Bahagya muna akong nanatili, malugod na nilalasap ang katahimikang binibigay ng kagubatan, nang makaramdam ng antok, na pagdesisyunan ko ng bumalik sa Academy. Mabilis na nakarating sa Dormitory at tahimik na humakbang papasok ng kwarto.
BINABASA MO ANG
Royal Kingdom Academy
Fantasy*ROYAL KINGDOM ACADEMY "Your Majesty... I apologize to interrupt you but we need to go back to the palace..." From my shoulder, I looked at her. "Your Majesty-" "Serena" I softly whispered her name as if carried by the wind. "How does it feel to stu...
