THIRD PERSON POINT OF VIEW"You're... going home?" Mabagal na tanong ni Aqua, hindi mapigilang makaramdam ng lungkot sa narinig mula kay Scarlette. She nodded slowly.
"Hmm, may mga trabaho pa akong dapat kailangan tapusin sa palasyo." wika ni Scarlette, dahilan kung bakit nais niyang umalis ng Academy at bumalik sa Manor.
"Pwede naman na bumalik ka rito sa Academy, hindi mo kailangan mag drop out" komento ni Windy, hindi rin gusto ang pag alis ng kaibigan.
"I can't..." mabilis niyang pinigilan ang sarili na magsalita pa.
Wala sa plano ni Scarlette ang magtagal sa Academy, napilitan lamang siya pumasok upang magpalakas at samahan ang mga White Users na tapusin ang kasamaan ng Dark King. Matagal ng sakit sa ulo ng Royal Palace ang mga masasamang gawain na ginagawa ng Dark Users sa kanilang bansa, kaya nagdesisyon ang magkapatid na isa sa kanila ang papasok sa Academy and that was Scarlette.
"Kailan kayo aalis?" Windy asked, binigyan ng juice ang mga kaibigan,
"Tomorrow" Scarlette said and elegantly sipped the juice, bahagyang gumalaw ang dalawang kilay na malasahan ang inumin.
"That fast" bulas ni Aqua, they thought maglalagi pa sila Scarlette ng ilang araw sa Academy.
"Are you still attending the Party or magpapahinga kana lamang?" Tanong naman ni Windy, nilapag ni Scarlette ang baso sa Center Table.
"I'm still coming" She needs to go to the Party with the Elemental Royalties for the last time before they leave.
After the War, halos isang buwan ang kanilang nilaan upang ayusin ang mga nasirang gusali at kagamitan dahil sa giyera. Kasama ang Royal Knight and Soldiers, tulong tulong ang lahat para mabalik sa dati ang magandang tanawin ng Moon Havens, pati ang mga nasirang kabahayan, madali nilang tinayo upang may matirhan ang mga taong nawalan ng bahay.
The Headmistress Erina, decided to plan a party to celebrate their Winning laban sa kasamaan, paraan na rin ito upang tuluyang makapag relax ang mga tao na lumaban sa giyera. Magbibigay na rin sila nang tahimik na panalangin sa mga estudyante at staff na nasawi sa labanan.
"Pati ba ikaw Charice, aalis kana rin?" Malungkot na tanong ni Aqua, Charice glanced at Scarlette direction bago sinagot ang tanong ng kaibigan.
"Oo—"
"No, she's not coming with me..." mabilis na pagpuputol ni Scarlette sa nais sabihin ng dalaga, Charice looked at her cluelessly.
"Scarlette—"
"Mananatili siya dito sa Academy kasama ninyo" she said, hindi naman mapigilang magulat ni Charice dahil sa narinig mula kay Scarlette, and quickly cleared up what her friend said.
"No, I'm coming with you" mariing sagot ni Charice, hindi sang ayon sa nais ng kaibigan. Scarlette stood up and walked towards her.
"Ice, kailangan ka nila dito..." Charice stubbornly shakes her head.
"At kailangan mo rin ako" mariin niyang sagot, hindi siya makakapayag na iwanan mag isa si Scarlette. Tinitigan naman siya ni Scarlette at matapang itong sinalubong ni Charice.

BINABASA MO ANG
Royal Kingdom Academy
Fantasy*ROYAL KINGDOM ACADEMY "How does it feel to study... here?" Pagtatanong sa kanya and give her a quick glanced. "Hindi ba't nakapag aral kana sa akademya Serena?" Ayun sa aking pagkakatanda nakapagtapos siya sa mataas at matatag na paaralan before sh...