Chapter Four
8 Years later.....
Maaga siyang nagising dahil sa ingay na nanggagaling sa ibaba. Tapos na siyang maligo at maglinis ng kwarto nang bumaba siya sa sala. Nagulat na lang siya nang makita ang maraming katulong na naglilinis sa sala. Inilibot niya ang paningin at saka lang niya napagtanto na pati rin pala sa garden at pool area ay may naglilinis din. Tila nagmamadali ang mga ito sa trabaho. Feeling niya tuloy ay may importanteng bisita silang darating.
Nagpatuloy siya sa pagbaba at agad na dumiretso sa dining area kung saan nakahain ang napakaraming handa, na mukhang hindi naman para sa kanya, dahil hindi naman siya matakaw kumain. Nakangiting niyaya siya ng kanyang lolo na umupo sa tabi nito, na agad naman niyang sinunod. Doon ay pinaghanda siya nang pagkain ng mga katulong. Nailang pa siya nung umpisa, pero katagalan ay hinayaan nalang niya.
Hindi kasi siya sanay na pinagsisilbihan ng ibang tao. Kahit nung unang beses palang siyang tumira sa mansyon, ay hindi niya talaga hinahayaan na may nagsisilbi sa kanya. Sa isip niya kasi ay kaya naman niyang gawin kaya bakit pa ba siya mag-uutos? Mali na idinidepende mo ang sarili mo sa iba. Nagiging tamad ka lang at palaasa.
Mula sa pagkain ay nagawi ang tingin niya sa kanyang lolo na tila sarap na sarap sa kinakain nito. Samantalang, toasted bread at apple juice lang naman ang agahan nito. Akmang kukunin nito ang bread knife nang maagap niya yung kinuha at siya na mismo ang naglagay ng palaman sa slice bread nito.
" You looked so happy today, lolo. And it's weird na maraming katulong dito. Samantalang, araw-araw naman silang naglilinis nang bahay ". Nagtatakang tanong ko rito habang binibigay dito ang slice bread na nilagyan ko na nang palaman.
" We have an important visitor today, bella ". Maikling sagot ng kanyang lolo. Mas lalo naman siyang naguluhan dahil sa sinabi nito.
Sa pagkakatanda niya kasi ay ang abogado lang naman nito ang palaging bumibisita dito, bukod dun ay wala nang ibang bumibisita sa lolo niya. Sila nalang ding dalawa ang nakatira sa mansyon bukod sa mga katiwala sa bahay.
Hindi kaya bumalik na siya? . Napailing nalang siya sa sarili. Kung ano-ano ang pinag-iisip niya. Twenty-six years old na siya pero hanggang ngayon, umaasa pa rin siyang babalik ito.
" By the way, iha. Kumusta na nga pala ang pagtuturo mo sa mga bata? Maayos ba? Hindi ba sila sakit ng ulo? Lalo na yung pamangkin mong si lucas ". Tanong nito sa kanya.
Napangiti naman siya nang maalala ang sinasabing pamangkin niya. Napakakulit kasi nito at napakataba. Sobrang cute na bata kaya nga kahit sakit ng ulo ay nawiwili pa rin siya dito.
Tanda pa niya nung pinutol nito ang buhok ng kaklase nito gamit ang gunting. Nang tanungin niya ito ay simpleng " Mukha po kasing lubid buhok niya. Kaya pinutol ko " ang sagot nito. Mabuti na lang at mabait ang mga magulang nang bata kaya nakalusot ang pamangkin niya.
Pero nang basagin nito ang windshield nang kotse ng principal nito ay hindi na ito nakalusot pa. Napasugod sila ng di-oras sa principal's office at katakot-takot na sermon ang inabot nila mula sa principal na may ari ng naturang kotse. Kaya naman ngayon ay todo bantay silang mag-anak sa bata. Baka kasi sa susunod ay mas malala pa gawin nito.
" Maayos naman po ang mga bata. Ang pamangkin ko naman ay under surveillance pa rin hanggang ngayon, lolo ".
Napatawa naman ang lolo niya dahil sa sinabi niya dito.
" Pabisitahin mo nalang dito yang pamangkin mo. Nang sa ganon ay hindi naman ako nababagot dito sa bahay. Namimiss ko na rin ang pagiging bibo ng batang yun ".Tumango siya bilang pagsang-ayon dito. " Sige po, para naman may makulit na bata dito kahit papano ". Nasa kalagitnaan na sila nang masayang pag-uusap ng puntahan sila ng katulong upang ipaalam na dumating na ang misteryosong bisita ng kanyang lolo. Dahil sa pag-iisip na isa lang ito sa mga abogado ng lolo niya ay hindi na niya inabala ang sarili na lingunin pa ito.
Pero ganon na lang ang panlalamig niya nang marinig ang isang baritong boses na kilalang-kilala niya. Kaya naman para hindi magkamali ay nilingon niya ito, na sana ay hindi nalang niya ginawa. Dahil nakatingin din pala ito sa kanya.
" It's been a long time, bella. Did you miss me? ".
Rinig niya ang pagkahulog ng kutsara sa sahig niya. And right at that moment, alam na niya.
That the devil is back.... Back for good.....
BBY( wife series 2 )
BINABASA MO ANG
Bewitched By You (Completed)
General FictionSynopsis After she was being adopted by Don Mariano Ramirez ay hindi na niya nakasundo pa ang apo nitong si Warren Daxus Ramirez. He always hurt her, not physically but emotionally through his words and rude manners. Pero kahit gaano pa kasama ang u...