Chapter Six
I only call you when it's half past five
The only time that I'll be by your side
I only love it when you touch me, not feel me
When I'm fucked up, that's the real me
When I'm fucked up, that's the real me, yeah
I only fuck you when it's half past five
The only time I'd ever call you mine
I only love it when you touch me, not feel me
When I'm fucked up, that's the real me
When I'm fucked up, that's the real me, babe(The Hills-The weeknd)
Naalimpungatan siya at napabangon ng wala sa oras nang makita na eksakto ala-una na pala nang madaling araw. Nakaramdam siya ng pagkauhaw kaya bumaba siya para uminom ng tubig.
Madilim na ang buong paligid nang bumaba siya sa sala. Kailan pa nagpatay ng mga ilaw ang mga kasambahay dito?. Hindi niya maintindihan pero biglang nagtayuan ang mga balahibo niya. Kinakabahang hinanap niya ang switch ng ilaw sa kusina. Nang may humawak ng kamay niya at tinakpan ang bibig niya. Nagtangka siyang sumigaw pero nahinto rin yun nang maramdaman ang matulis na bagay sa tagiliran niya.
" Subukan mong sumigaw! At sisiguraduhin kong paglalamayan ka nang wala sa oras! ". Banta nito sa kanya. Natakot naman siya kaya nanatili na lang siya sa ganoong posisyon.
" Sinong mag-aakala na buhay ka pa pala! Ang buong akala ko ay patay kana rin katulad ng mga magulang mo!. Sinong mag-aakala na may sa pusa pala ang anak ni leandro at buhay pa! ". Mas lalo nitong idiniin ang patalim sa tagiliran niya kaya napa-aray siya nang maramdamang nasugatan siya sa bahaging yun ng katawan niya. Gusto niyang sumigaw o humingi ng tulong pero hindi niya magawa. Nanginginig na rin ang buong katawan niya sa takot. Takot na baka ito na ang maging katapusan niya.
" Ang laki ng atraso nang pamilya mo sa'king babae ka! At kulang pa ang buhay ninyong lahat para makabayad sa pagkakautang niyo sa'kin!. Pero wag kang mag-alala. Dahil isusunod naman kita sa kanila ". Ramdam niya ang pagngisi nito mula sa likuran niya. Hindi ako pwedeng mamatay ngayon!!!... Histerikal na bulong nang isip niya. Pilit siyang nag-isip ng paraan upang makawala rito. Mabuti nalang at malapit lang sila sa may lababo kaya nakapa niya ang baso at yun ang pinukpok sa ulo nito.
Agad naman siyang nakawala mula rito. Kaya sinamantala niya yun at nagsisisigaw para humingi ng tulong. Patakbo siyang lumabas ng kusina. Nakapatay pa rin ang mga ilaw kaya nagkakandapa-dapa siya sa pagtakbo. Malakas siyang napasigaw ng may humawak sa braso niya. Nagwawala siya habang nagpupumiglas mula sa pagyakap ng kung sino mang humahawak sa kanya.
Nagpatuloy siya sa ginagawa dito sa takot na baka ito ang lalakeng nagtangkang pumatay sa kanya. Dala ng matinding takot at trauma ay hindi niya namalayang nahimatay na pala siya. Kahit sa ilang sandali bago siya tuluyang nawalan ng malay ay narinig pa niya ang nag-aalalang boses nito na tumatawag sa pangalan niya.
Nanghihinang iminulat niya ang mga mata at nakita ang isang pamilyar na silid sa mansyon. Nang makarinig ng mga yabag papunta sa kanya ay agad siyang pumikit ulit at nagkunwaring tulog.
" Is she going to be okay? I mean, yung sugat sa bewang niya, kumusta na? Bakit hanggang ngayon ay tulog pa rin si Isabella? ".
Ramdam ko ang pag-aalala sa boses niya. At kahit papano ay napanatag akong nandito siya." Easy, man!. Mababaw lang ang pagkakasaksak sa kanya kaya wala kang dapat ipag-alala. Nahimatay lang siya dahil sa sobrang takot. Nagka- nervous breakdown ata ang girlfriend mo kaya bumigay ang katawan niya. At kaya hindi pa siya nagigising ay dahil sa gamot na itinurok ko sa kanya. You know what? Kung hindi ko lang alam ang likaw nang bituka mo. Na hindi ka nagseseryoso sa isang relasyon, ay iisipin kong may tama kana sa kanya. Grabe ka kasi kung maka- concerned. Biruin mo! Hanggang makarating ako rito'y naka-brief kapa! ". Pang-aasar nito sa binata. Samantalang, nakita niyang nag-poker face lang ang lalake. At halatang nagpipigil lang na patulan ang kaibigan dahil sa ginagawang panunukso nito.
Mukhang nakaka-abala na ata siya sa binata at nagawa pa nitong disturbohin ang kaibigan dahil lang sa kanya. Wag ka ngang asyumera isabella!! Malamang! Aalagaan ka niyan! Ang ingay mo ba naman kanina eh?! Sigurado, naingayan kaya ka nilapitan!...Mala-demonyong sulsol ng isip niya. Pero sa puso niya ay nagpapasalamat siyang ito ang nakakita sa kanya. Ginusto man nang binata yun o hindi. Tinigil na niya ang pagpapanggap at agad na bumangon. Tila nagulat pa ang dalawang lalake at agad na dinaluhan siya para alalayan.
She weakly smiled at him.
" Salamat sa pagligtas mo sa'kin. Pero gusto ko nang bumalik sa silid ko ". Sabi ko kay warren na nakakunot-noong nakatingin sa'kin. " Nakita ko ang cctv sa bahay. At nakita ko ring may lalakeng nanloob sa kusina. God! Hindi ko alam kung anong gagawin ko kapag may nangyaring masama sa'yo, bella!".
Puno nang pag-aalala ang mga mata nito kaya alam niyang sincere ang lalake sa pagiging concerned nito sa kanya." Sorry ". Mahinang bulong ko rito. Pero sapat na para marinig ng binata. Akmang babalik na'ko sa silid ko ng humarang siya sa'kin. " Kailangan ko nang bumalik sa kwarto ko. Salamat ulit sa ginawa mo ". Akmang dadaan ako sa harapan niya ng harangin niya ako ulit. Umiiling na tumingin siya sa'kin habang tahimik lang na nakamasid ang kaibigan nito sa'min.
" You will stay here, bella. Whether you like it or not. Dito kana matutulog simula ngayon. Kasama ko ". Pinal na sabi nito sa kanya. Nanlalaki ang mga matang tumitig siya dito.
What?!!!!.... Is this for real?!!!!....
BBY(wife series 2)
BINABASA MO ANG
Bewitched By You (Completed)
General FictionSynopsis After she was being adopted by Don Mariano Ramirez ay hindi na niya nakasundo pa ang apo nitong si Warren Daxus Ramirez. He always hurt her, not physically but emotionally through his words and rude manners. Pero kahit gaano pa kasama ang u...