Chapter Fifteen

9.8K 279 3
                                    








Chapter Fifteen




Three months had passed, and it all feels the same. Nababagabag pa rin siya sa itinatago ng asawa. Alam niyang meron. Pero hanggang ngayon ay wala pa rin siyang makuha-kuhang magandang sagot mula rito.




She suddenly felt stupid. Dahil na rin sa pakiramdam niya ay siya lang ang walang alam sa kanilang lahat. Hinding-hindi siya matatahimik hangga't hindi naririnig ang katotohanan mula sa asawa. Sana nga lang, ay makayanan niya. Kung ano man yon.






Kasalukuyan siya nag- gogrocery para sa lulutuin niya mamaya para sa asawa. Simula kasi nang magpakasal sila ni warren ay itinutok na niya ang pagiging mabuting maybahay rito. Hindi naman siya nito pinilit na mag- resign, siya lang ang nagkusa. Para naman, mas mabigyan niya ng oras ang asawa.




Pagkatapos mamili ng sangkap na gagamitin niya para mamaya ay namili naman siya ng kanyang personal hygiene. Kasama na doon , ang mga personal na kailangan din ng asawa.





Akmang kukuha siya ng tissue nang may naunang humawak sa tissue na dapat ay kukunin niya.  Because of her instinct, ay lumingon siya sa kumuha ng tissue na sana ay kukunin niya. Bumungad sa kanya ang isang maputi at matangkad na babae na tinitingnan ang presyo ng tissue, bago inilagay sa cart nito.
Akmang kukuha ulit siya ng isa pang tissue ng magsalita ang babae, mula likod niya.





" You are the exact opposite of Warren's type. Is he bored? Kaya ka niya pinakasalan?. Or desperada ka lang talaga? ". Sarcasm was on the woman's voice, kaya naman hindi niya napigilang lingunin ulit ito.




" Excuse me. But do i know you?". Mataray na balik tanong niya rito.



" I see, feisty huh?. But, not gonna work on me ". Malditang sabi din nito.



" What do you want? ".



Diretsahang tanong niya rito. Obvious naman kasi na ang asawa niya ang tinutukoy nito kanina. Dahil na rin sa paraan ng pagbanggit nito sa pangalan ng asawa niya.




" Well as for now, wala. Pero sa future meron ". Pambibitin pa nito.




Napipikong tiningnan niya ito ng masama. " You know, miss. If you're just wasting my time, mas maganda pa sigurong umalis kana. Nakaka-perwisyo ka lang ng tao eh? ".




A small grin appeared on her lips. Na para bang natutuwa pang napipikon siya rito. " If you're thinking that i'm pestering you. Nagkakamali ka. Dahil ikaw ang may kailangan sa'kin ".






" A-anong ibig mong sabihin? ". Kinakabahan na siya sa babaeng 'to. Bakit ba siya nito pinag-aaksayahan ng oras?. Sino ba talaga ito?.




Lumapit ito sa kanya, at dahan-dahang bumulong. " Let's just say that i'm just a concern friend, na ayaw kang gawing tanga katulad nang ginagawa ng asawa mo sa'yo. Balang-araw, ikaw mismo ang lalapit sa'kin para magtanong. Ihanda mo nga lang ang sarili mo dahil baka hindi mo kayanin ang mga sasabihin ko tungkol sa asawa mo. For now, ito lang muna ang sasabihin ko ". Mas lalo pa itong lumapit na kapag titingnan ng ibang taong dadaan ay mukha silang nag-bebeso lang.






" Everything on your marriage was a lie. A big fat lie. Basta tandaan mo, he only marry you because i said so. At dahil na rin sa pera mo. If i were you, better ask him about me kung nagdududa kapa". Mula sa bag, ay may dinukot itong isang calling card at inilagay sa kamay niya.






" Patricia Valdemar, by the way. Tanungin mo siya kung sino ako sa buhay niya. Kapag may napansin kang kakaiba, call me. At doon ko sasabihin sa'yo ang lahat ng nalalaman ko at lahat ng gusto mong malaman ".






" bakit hindi mo pa sabihin ngayon?!. Bakit kailangang tanungin ko pa ang asawa ko?. Sino ka ba talaga?! ". Hindi niya napigilang magtaas ng boses dahil sa sobrang inis.





" Well, darling. Don't be too impatient. Makikilala mo rin ako, when the right time comes. The game is about to start, darling. Well, that's for now. Just remember, call me ". Yun lang at umalis na ito sa harap niya.









The game is about to start, darling... Paulit-ulit niyang naririnig ang mga katagang yon sa kanyang utak...








Patricia Valdemar... The name ring the bell....






Then it hit her....





Is it patricia valdemar? Ang ex-fiancee nang asawa niya?....





















BBY(wife series 2)

Bewitched By You (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon