Chapter One
Kasalukuyan siyang nanunuod nang laro ni warren habang tahimik na umuusal ng panalangin. Kahit alam niyang hindi pa natatalo ang kupunan ng mga ito ay hindi niya pa rin maiwasang kabahan para sa binata. Nakapwesto siya malayo rito, dahil sa takot na makita siya nito at magalit na naman ito sa kanya.
" Uyy, bella!. Bakit ba tayo nagtatago dito?. Nagmumukha tuloy tayong sardinas, dahil nakikisiksik tayo sa mga fans nang mga yan. Samantalang, may bakanteng upuan naman sa harapan bakit hindi nalang kaya tayo dun umupo? ". Wika ni Ryma. Isa sa mga matatalik niyang kaibigan sa unibersidad.
" Alam mo naman kung bakit, hindi ako pwedeng lumapit dun diba?. Magagalit lang sa'kin si warren ,kapag nalaman niyang sinuway ko na naman siya " ani niya dito. Ayaw na ayaw kasi ni warren na pinapanuod niya itong maglaro. Baka daw kasi matalo ito sa championship dahil sa dala-dala niyang kamalasan sa buhay nito.
Napaismid naman si ryma at mukhang hindi nagustuhan ang sinabi niya. " Bakit?, dahil ba sa ayaw kang makita niyang si Ramirez?. Gusto mo bang upakan ko yan?. Sumusobra na ata yang bakulaw na yan sa pagpapahirap sa'yo. Baka akala niyan wala kang kakampi, bukod sa lolo niyang kasing gwapo ni santa claus ay nandito pa'ko noh?. Sabihin mo lang at kakalbuhin ko talaga yang si bakulaw ". Gigil na gigil na sabi nito.
" Don't say that!. Kahit naman ganon ang ugali na pinapakita niya ay alam kong mabuting tao pa rin naman siya kahit papano". Pagtatanggol ko rito.
" Panong naging mabuti yan?. Eh, halos ipinaglihi ata yan ng nanay niyan sa sama ng loob eh?. Isipin mo ngang mabuti. Hindi mo naman kasalanan na maagang namayapa yung kapatid niyan pero ikaw ang sinisisi. Sabihin mo nga, asan ang mabuti dun?. Pinanganak kamong baliktad ang utak niyan kaya ganyan yan mag-isip. Kung ako sayo, hindi ako magkikipaglapit diyan. Tutal naman hindi ka rin naman niya gusto ". Medyo nasaktan siya sa huling sinabi nito pero may punto rin naman siya. Dahil talaga namang ayaw sa kanya ng lalake.
Mas advance ito sa kanya ng isang taon dahil nasa senior high na ito at malapit nang mag graduate. Habang nag-aaral ay varsity player at running valedictorian sa eskwelahan nila. Kaya naman hindi nakakapagtakang maraming babae ang nagkakagusto dito. He's very competitive at athletic. Dumagdag pa ang pagiging tahimik nito at madalang mamansin. Bagay na lalong nagpadagdag sa curiosity ng mga tao, dahil na rin sa pagiging misteryoso kaya maraming babae ang naaakit nito. Hindi pa kasali dun ang katotohanan na sobrang gwapo nito at nanggaling sa isang prominente at sikat na pamilya.
Mula sa kina-uupuan ay nakita niya ang isang estudyante na pinupunasan ang pawis ni warren. Hindi niya makita ang mukha nito dahil nakatalikod ito sa kanila. Pero kung pagbabasehan ang likod nito ay masasabi niyang maganda ang babae. Matangkad, hanggang balikat ang buhok, makinis ang balat dahil nakikita niya ang mala-gatas nitong legs mula sa likuran. Ito kaya ang tipong babae ni warren?. Tanong niya sa sarili.
Narinig niya ang pag-angal ng mga babae sa kanyang likuran habang nakatingin sa mga ito. " Ang swerte naman niya?!. Nakakalapit siya kay warren. Samantalang ako nga ay dinadaan-daanan lang niya eh?!". Rinig niyang sabi nung isa.
" Baka naman girlfriend niya yan". Bulong- bulongan ng mga ito.Hindi niya alam pero bahagyang sumakit ang dibdib niya sa nakita. Ngumiti kasi ang binata sa babae bago bumalik sa laro nito. Ni minsan kasi ay hindi pa niya nakitang ngumiti sa kanya ang lalaki. Kahit na nga nasa isang bahay lang sila nakatira.
Natapos ang laro at nanalo ang kupunan nila warren sa semi-finals. Umalis na siya bago pa man siya makita ng binata. Pinauna na niyang lumakad ang kaibigan niyang si ryma dahil may dadaanan muna siya sandali. Nang makarating sa lugar ay dali-dali siyang pumasok sa locker room ng mga ito at nag-iwan ng isang congratulation letter. Bago tahimik na lumabas sa naturang lugar. Nasa hallway na siya ng mabangga ang isang matigas na bagay. Iniangat niya ang ulo at nakita ang dahilan kung bakit siya pumuslit sa locker room ng mga lalake at nag-iwan ng sulat dun. Bahagya siyang napaatras dahil sa gulat, pero bago pa man siya makalayo ay nahawakan na nito ang kanyang braso para hindi na siya makatakas pa.
" What are you doing here , bella? ".Tanong nito habang nanlilisik ang mga mata sa galit.
BBY( wife series 2 )
BINABASA MO ANG
Bewitched By You (Completed)
Ficção GeralSynopsis After she was being adopted by Don Mariano Ramirez ay hindi na niya nakasundo pa ang apo nitong si Warren Daxus Ramirez. He always hurt her, not physically but emotionally through his words and rude manners. Pero kahit gaano pa kasama ang u...