Chapter Twenty

11.4K 261 12
                                    




Chapter Twenty




Warning: This page contains violence and not suitable for minors.












Nanghihinang iminulat niya ang mga mata bago muling ipinikit dahil sa sakit nang kanyang ulo. Parang pinupokpok nang martilyo ang ulo niya sa sobrang sakit. Akmang gagalaw na sana siya nang hindi niya maigalaw ang mga braso at kamay. Tila nawala na parang bula ang sakit nang ulo niya nang makita ang kanyang itsura.








Nakagapos ang dalawang kamay niya sa upoan pati na rin ang mga paa niya. Namamanhid na rin ang mga iyon tanda na matagal na siyang naroon. Sinubukan niyang kumawala pero sadyang napakahigpit nang pagkakatali sa kamay niya. Naiiyak na luminga-linga siya sa lugar para humingi nang saklolo pero ni isa walang dumating.



" Saklolo! Please! Kung may tao, parang awa niyo na! Palabasin niyo ko dito! ". Pagmamakaawa niya pero tanging mga sunog na dingding lang ang naroroon.






Paulit-ulit siyang humingi nang tulong hanggang sa mapaos sa kakasigaw. She felt so helpless. But she need to survive, for her unborn child. Naghahanap siya nang pwedeng ipangtanggal nang lubid niya nang biglang bumukas ang pinto na bakal sa harap niya. Mula roon ay nakita niya ang lalakeng pumatay sa mga magulang niya. Nakangisi itong lumapit sa kanya bago inilapag ang pumpon nang plastic na may laman na pagkain.







" Ano ba talagang kailangan mo sa'kin?!. Hindi pa ba sapat na pinatay mo ang mga magulang ko!. Ano nanaman bang pakulo 'to! ". Sigaw niya rito.






" Simple lang. Dahil gusto kong gantihan ang nanay mo sa sakit na ibinigay niya kay emilia ". Tila balewalang sagot nito.









" Bakit kailangang madamay pa'ko sa gulo ninyo!. Wala naman akong kasalanan sa ginawa ni mama! ".





" Madali lang din ang sagot ko riyan. Dahil ikaw ang naging bunga nang pagtataksil ni William kay emilia ". Nakangising sagot nito at parang nababaliw na tumatawa habang may dinudukot sa likod nang malaking kahon na inuupoan nito kanina.









Nang makita niya ang dinudukot nito sa kahon ay naiiyak na nagmamakaawa siya rito. Isa lang naman yung baseball bat na pwedeng gamitin sa mga fraternity kapag nagpaparusa sila nang mga kasamahan.




" Shall we start kitty? ". Nakangising sabi nito habang lumalapit papunta sa kanya.







" Sino ka ba talaga! Bayaran kaba ni emilia?! Handa akong magbigay sa'yo nang malaking halaga. Just set me free! Parang awa mo na! ".





Nagdilim naman ang mukha nito nang sabihin niya ang bagay na yun. " I don't need your money! Malaki ang atraso nang tatay mo sa'kin! Kung hindi sana siya dumating sa buhay namin ni emilia, eh di sana'y ako ang pinili niya!. Pero dahil sa pera nang tatay mo kaya nagpakasal si emilia sa kanya at itinago ako bilang kabit! ".





Nanlalaki ang mga matang hindi siya makapagsalita dahil sa mga sinabi nito. " eh sana'y kasama ko silang dalawa ni warren ngayon!. Akala ko pera lang ang habol ni emilia kay william dahil pinagpapatuloy pa rin namin ang relasyon namin sa kabila nang kadahilanang kabit lang ako niya ako. Pero ang hudyo, nalaman ang relasyon namin kaya nag file nang annulment kay emilia!. Nalaman rin niyang anak namin si warren kaya naputol lahat nang sustento na binibigay niya kay emilia!. Yun lang ang huli naming balita tungkol kay warren dahil nag hire na nang mga security si william para hindi kami makalapit kay warren. Pagkalipas nang tatlong buwan ay hindi nagtagumpay ang kampo namin na makuha ang custodial rights nina warren at wilma kaya mas lalong na- depressed si emilia. Napag-alaman pa niyang may bagong kinalolokohan ang tatay mo! At yun ay walang iba kundi ang malandi mong ina--!".







" Hindi malandi ang nanay ko! ". Depensa ko kay mama. Ngayong alam kona ang lahat, wala nang dahilan para magalit pa'ko sa sarili kong ina, dahil matagal na palang may sigalot ang pagsasama ng aking ama at ni emilia. Hindi totoong nang-agaw nang asawa ang ina ko.





" Tss... Kaya pala pinatulan niya ang isang may asawa kahit kasal pa siya nung mga panahon na yun. Hindi kamo siya malandi?! Pwe! ".






" Nasaktan nang husto si emilia dahil sa nalaman niya kaya nang mismong araw ng birthday ni warren ay nagpakamatay siya ". Pagpapatuloy nito habang nakatagis bagang nakatingin sa kanya.








" Kaya nga pinatay ko rin ang mga magulang mo eh!. Inabot din ako nang ilang taon bago ko sila napatay dahil nagpunta nang amerika ang mga taksil mong magulang!. Napag-alaman kong may anak sila at ikaw yun!. Iniwanan ni william sina warren at wilma dito habang nagsasaya kayong tatlo sa amerika!. At ngayon wala pang mamanahin ang anak ko dahil sa buhay kapa!. Hindi ako papayag na walang makuha ni isang kusing ang anak kong si warren samantalang isinakripisyo ni emilia ang buhay niya para lamang mabigyan sila nang marangyang buhay!.  Nararapat ka lang mawala! Para wala nang kahati ang anak ko sa mamanahin niya kay william ". Nakangising saad nito bago unti-unting lumapit sa kanya.








" kayo ang may kasalanan sa nangyari sa mga buhay ninyo! Hindi ako! Kaya bakit kailangan pa'kong madamay! ". Sigaw niya rito.









Mukhang nagalit niya ata ito nang husto dahil pinalo siya nito nang baseball bat sa mukha. Ramdam niya ang pamamanhid nang buong mukha dahil sa ginawa nito. Pumutok rin ang labi niya dahil sa lakas nang impact nang pagkakapalo sa kanya. Isinunod nito ang mga binti niya at paulit-ulit na pinalo ang dibdib at tiyan niya. Naiiyak siya takot hindi para sa sarili niya kundi para sa batang nasa sinapupunan niya. Hindi pa ito nakuntento dahil tinanggal nito pagkakagapos sa mga kamay at paa niya bago siya pinagapang doon at walang humpay na pinagpapalo nang baseball bat. Umuubo na siya nang dugo pero wala parin itong tigil sa kakapalo sa kanya hanggang sa maramdaman nalang niya ang matinding pagsakit nang tiyan niya. No, Please ! My baby! Please not my baby! ... Isang oras rin siya nito pinahirapan bago dumukot nang baril sa bulsa at itinutok sa dibdib niya.






" let's end this, kitty. Pagod na'kong makipaglaro sa'yo ". Yun lang ang huling hudyat hanggang sa naramdaman nalang niya ang dalawang bala na tumama sa dibdib at tiyan niya. Wala na siyang maramdaman na kahit ano mang sakit nang tuluyan nagdilim ang paningin niya at nawalan nang malay.

















































BBY(wife series 2)

Bewitched By You (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon