Chapter Seven
Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwala na sa kwarto siya ni warren natutulog.
Pero hindi naman sila literal na nagsasama sa iisang kama. Dahil natutulog ito sa sofa malapit sa kama niya.Pero kahit hindi niya ito katabi ay ramdam naman niya ang tensyon sa kanilang dalawa. Hindi rin kasi siya sanay na may kasamang lalake sa iisang kwarto. Naintindihan naman ng lolo nila ang sitwasyon kaya pumayag ito sa ginawang set up ng lalaki. Mas pinahigpit na rin ang sekyuridad sa buong mansyon dahil sa mga guards na nagbabantay sa labas ng bahay kapag gabi.
Hanggang ngayon ay iniisip pa rin niya ang sinabi ng lalaki. At kung tama ang pagkakaintindi niya, ay ito ang pumatay sa mga magulang niya. Kung ganon ay hindi namatay ang mga ito sa aksidente. Dahil talagang sinadya yun. Marami siyang tanong na hindi masagot ng utak niya kahit anong pag-iisip ang gawin niya. At alam niyang, ang lalakeng yun lang ang makakasagot sa kanya.
Kasalukuyan silang naghahapunan ng magsalita ang lolo niya. " Sa ngayon ay huwag ka munang lumabas ng bahay, iha. Para mapanatag din ako kahit papano. Mag-leave ka muna sa trabaho hangga't hindi pa nahuhuli ang lalaking nanloob dito dahil delikado pa. Si warren na muna ang magbabantay sa'yo tutal wala pa naman din siyang ginagawa ". Pagpapatuloy pa nito. Nais niyang tumutol sa suhestiyon ng kanilang lolo. Pero alam niyang kapag nakapag-desisyon na ito ay walang sinuman ang makakapagpabago nun. Lihim niyang sinulyapan si warren na kibit-balikat lang habang nakikinig sa kanilang dalawa. Parang walang kaso dito kung palagi silang magkakasama. Samantalang, halos noon ay kung layuan siya nito ay akala mo may nakakahawa siyang sakit.
May nangyari kaya dito kaya naging mabait sa kanya? Nabagok ba ulo nito sa semento kaya nag-iba ang ihip ng hangin? ... Napangiti siya sa naisip. " How about me, securing her all my life, lolo. What do you think? ". Agad na napabaling ang atensyon ko sa kanya. Na seryosong nakatingin din sa lolo nila. Dahil sa kaba ko ay napainom ako ng tubig nang wala sa oras. Ano bang pinagsasasabi ng lalaking to?!...
" And what do you mean by that?". Tanong ng abuelo nila dito. " I think, i wanna marry her, lolo". Hindi sinasadyang napabuga siya ng tubig dahil sa sinabi nito. Papatayin ba'ko ng lalakeng to?!!... O gusto niyang siya ang patayin ni lolo?!!... Masama ang tingin na tinitigan niya ito. Samantalang, parang wala naman itong pakialam kung lumabas na ang iris sa mata niya dahil kakatitig dito ng masama.
Hinintay niyang magalit ang lolo nila at pagalitan ito habang nakayuko siya at tahimik na nagdadasal na sana ay bawiin nito ang sinabi nito kanina.Wala talagang ginawa ang lalaking 'to kundi sirain ang buhay ko!....
Pero ganon nalang ang gulat niya ng marinig ang malakas na pagtawa ng lolo nila. " Is this some kind of a joke? It's funny, warren ". Napangiwi naman siya sa sinabi ng lolo nila. Sana nga ay nagbibiro lang ang lalake.
Please lang umayos ka!!!... Sana bawiin mo yung sinabi mo!!!... Pakiramdam niya tuloy ay parang nasa hot seat siya dahil dito. Pero ang lahat ng dasal niya ay hindi umubra dahil sa sinabi nito. " I'm dead serious here, lolo. I want to marry, bella ". Mukhang seryoso nga ang binata sa sinabi nito sa lolo nila.Kunot-noong tiningnan siya ng lolo nila. " Do you know this, bella? May plano ka rin bang magpakasal kay warren? ". Sasagot na sana siya sa tanong nito, nang biglang sumingit si warren. " She knows this. Matagal na namin 'tong pinlano, lolo. All we want is your blessing. And i hope, that you'll agree with us ". Pangungumbinsi pa nito. Ano bang problema ng lalakeng 'to?!!!.... Bakit ba siya nagsisinungaling?!!... Pinagana niya ang utak at magsasalita sana. " Lolo, it's not t- ". Pero agad na naputol ang sasabihin niya ng marinig niya ang sinabi ng lolo nila. " If that's what you want. Then, sino ba naman ako para tumutol sa kaligayahan ninyong dalawa. Pero kailangan makasal kayo asap ". Pinal na desisyon nito.
Natapos nalang ang hapunan nila ng hindi pa rin siya nakapagsalita dahil sa gulat sa mga nangyari. Ang alam lang niya ay sa buong durasyon ng hapunan ay nag-uusap ang dalawa sa gaganaping kasal sa pagitan nila ni warren. Parang wala sa sariling naglakad siya pabalik ng kwarto ng hawakan siya ni warren para kausapin.
" Why did you do that?! Bakit ka nagsinungaling kay lolo?! ". Mahinang sigaw ko dito. Ayaw niyang i-risk ang kalusugan ng lolo nila kapag nalaman nito ang kasinungalingan ng sarili nitong apo. Matagal bago ito nakasagot sa kanya." If i tell you, that i'm inlove with you. Would you believe me? ". Tanong nito sa kanya. Isa lang ang naging reaksyon niya ng marinig niya ang sinabi nito.
What the hell.....
BBY(wife series 2)
BINABASA MO ANG
Bewitched By You (Completed)
General FictionSynopsis After she was being adopted by Don Mariano Ramirez ay hindi na niya nakasundo pa ang apo nitong si Warren Daxus Ramirez. He always hurt her, not physically but emotionally through his words and rude manners. Pero kahit gaano pa kasama ang u...