Chapter Twelve
Namangha siya sa ganda ng pinagdalhan sa kanya ni warren. Nakapaka- peaceful ng lugar at walang katao-tao. Hindi niya alam na mayroon palang ganitong klaseng parke malapit sa hotel na pinagdalhan sa nito kanya.
" This place is so beautiful, warren ". Manghang sabi niya dito, habang inililibot ang paningin sa buong lugar.
" Sa tingin ko nagustuhan mo naman. So sulit lang pala ang pagpunta natin dito ". Nilingon niya ito at nakita niya ang seryosong tingin nito sa kanya. Medyo nailang naman siya kaya naisip niyang dumistansya rito ng kaunti.
Hindi pa man din siya nakalalayo ay hinawakan na nito ang kamay niya at hinila siya palapit dito. Itinukod niya ang dalawang kamay upang hindi tuluyang magkalapit ang mga katawan nila. " A-ano b-ba s-sa tingin mo ang ginagawa mo, warren. Pag may nakakita sa'tin baka kung anong isipin nila ". Saway niya rito. Ngunit nginitian lang siya nito at inilapit ang noo nito sa noo niya. " Walang makakakita sa'tin dito dahil private property 'to ".
" Private property naman pala 'to. E bakit nandito pa rin tayo?. Baka mahuli tayong nagti-tresspass dito. Ang mabuti pa ay umalis na tayo habang maaga pa".
"You don't understand. Kaya tayo nandito ay dahil sa may gusto akong sabihin sa'yo. At isa pa nga pala, sa'kin 'tong park, kaya pwede tayong pumasok dito".
" Sa-sa'yo 'to?". Nagulat siya sa sinabi nito. Hindi kasi niya akalain na mahilig pala si warren sa mga tahimik na lugar. Mukhang di pa nga talaga niya ito lubusang kilala.
" Don't make me repeat again, bella. May gusto akong sabihin sa'yo kaya tayo nandito ". Pagpapatuloy nito.
" A-ano n-naman yun? ". Bakit ba siya nauutal?. Kakasabi pa nga lang niya na lalaruin niya din niya ang laro nito pero heto siya't uutal-utal sa harapan nito.
" Yung nakita mo kahapon, wala lang yon ". Napataas naman ang kilay ko sa sinabi niya. Anong wala? E, kung hindi pa'ko dumating baka kung saan na umabot yung kissing scene niyo!... Piping bulong ng isip niya.
"It's not my business anyway". Kunwari'y balewalang sabi niya rito. Kahit ang totoo niyan naiinis siya kapag natatandaan niya yung kahapon.
Nilingon siya nito na may hindi maipaliwanag na ekspresyon.
"Of course, it's your business too. Ayaw mo naman sigurong magkaroon ako ng kabit balang araw"."And why is that?. Sa pagkakatanda ko ay hindi pa ako pumapayag na magpakasal sa'yo". Sarkastikong sabi niya rito.
Napangisi naman ito dahil sa sinabi niya, " so, pinag-iisipan mo pala ang proposal ko sa'yo?". Nanunudyong sabi nito sa kanya. Namula naman ang buong mukha niya dahil sa sinabi nito.
" h-hindi ahh ". Tanggi niya rito. Nungkang aamin siya noh?!.
Mas lalo namang lumawak ang ngisi nito sa kanya. " You're bad at lying, darling". Naningkit naman ang mga mata niya sa sinabi nito. " Ano ba talagang sasabihin mo sa'kin? ". Kanina pa kasi sila paligoy-ligoy.
Hinawakan nito ang kamay niya at dinala sa dibdib nito kung saan malapit ang puso nito.
" I want you to feel what's inside of me. I love you, bella. And i'm not lying ". Mas lalong lumakas ang pagtibok ng puso niya dahil sa sinabi nito. Tiningnan niya ang mga mata nito at nakita niya ang isang sinserong lalake na nagpapahayag ng totoong saloobin sa babaeng mahal nito." B-but, b-but i thought- ". Hindi niya maituloy-tuloy ang sasabihin dahil sa matinding kaba. " You thought what, bella". Curious na tanong din nito.
"I-i thought, hindi ako ang tipo mong babae". Nangunot ang noo nito dahil sa sinabi niya." What are you talking about? ". Binawi niya ang kamay na nasa dibdib nito at galit na tiningnan ito sa mata.
" Narinig kita. Narinig ko lahat nang sinabi mo kay aaron. Sabi mo, hindi ako nararapat sa kanya dahil wala akong maipagmamalaki at kahit kailan hinding-hindi mo'ko magugustuhan. Sa tingin mo ba maniniwala pa'ko sa'yo kapag sinabi mong mahal mo'ko pagkatapos ng mga narinig ko ". Sumbat niya rito. Guilt was visible on his face. Napaatras siya sa nakita. So, it's true. Ganon talaga ang tingin nito sa kanya.
Aalis na sana siya ng hawakan nito ang kamay niya at niyakap siya kahit nagpupumiglas siya dito. " Yes, it's true. Sinabi ko nga yun ". Hindi na niya napigilan ang mga luhang nag-uunahan sa pag-agos mula sa mga mata niya. Hinawakan nito ang mukha niya at masuyong tinuyo ang mga luhang naroon. " Totoo, sinabi ko nga yon. Pero, sinabi ko lang yon dahil ayaw kong ligawan ka niya". Natulala siya sa sinabi nito.
" Yes, darling. Ginawa ko lahat, kahit ang siraan ka sa mga suitors mo para lang walang manligaw sa'yo. But can you blame me?, i only did that because i want to own you. Gusto ko akin ka lang, kahit na alam kong wala ka namang nararamdaman para sa'kin ". Malungkot na tiningnan siya nito habang unti-unting dumistansya sa kanya.
" Simula ng dalhin ka ni lolo sa bahay ay hindi kana maalis sa isip ko. I know, it sounds ridiculous pero nung una palang kitang makita nagkagusto na'ko sa'yo. Kaya nga hindi ko matanggap na ikaw ang papalit sa pwesto ni wilma bilang kapatid ko because you are more than a sister to me ". Nagulat siya sa sinabi nito kanina pero mas nagulat siya sa sinabi nito ngayon.
" Kaya ganon na lang ang trato ko sa'yo dahil sa hindi ko matanggap na platonic love lang ang kaya mong ibigay sa'kin. Pinilit kong itago ang feelings ko sa'yo, pero hindi ko mapigilan ang magselos kapag may nakikita akong mga lalakeng gustong manligaw sa'yo kaya ko nagawa yon ". Napangiti ito na parang may naalalang magandang bagay.
" I know na ikaw ang naglalagay ng mga letters sa locker ko at tinatago ko yon lahat". Namula ang buong mukha niya sa sinabi nito. Kung ganon ay matagal na pala nitong alam na siya ang naglalagay ng letter sa locker nito.
" Akala ko matatago ko ang feelings ko sa'yo na walang nakakahalata. But i was wrong, dahil nadiskubre ni lolo na may pagtingin ako sayo at tinutulan niya yon. Hindi daw tayo pwede, dahil bukod sa isang bahay lang tayo nakatira ay bata kapa. Hindi mo pa naaabot ang mga pangarap mo sa buhay. Kaya nakipagsundo ako kay lolo na aalis ako ng bansa para matupad mo ang mga pangarap mo. Para sa pagbabalik ko wala ng tututol sa nararamdaman ko at tuluyan ka nang mapasakin ".
Kung ganon ay hindi lang pala siya ang nagmamahal. Pareho lang sila ng nararamdaman. Walang pagsidlan ang kaligayahang nadarama niya ngayon, lalo pa't alam niyang mahal din siya ng lalakeng pinakamamahal.
Nagulat siya ng lumuhod ito sa harapan niya at may dinukot sa bulsa. Mula sa box ay binuksan nito ay nakita niya ang isang diamond shaped ring na inaalay nito sa kanya. Natutop niya ang bibig at hindi makapagsalita sa sobrang gulat.
" I love you from the very start, bella. I waited for this day to come, para masabi ko na sa'yo lahat. Mahal na mahal kita, bella. Please say yes ". Madamdaming sabi nito habang nakaluhod pa rin.
Pagkatapos ng mga narinig niya, sino ba naman siya para tanggihan ang pag-ibig nito kung yun naman talaga ang matagal na niyang pinapangarap dati pa. Lumuluhang tumango siya dito bago inabot ang kamay para malagay ang singsing na hawak nito.
" I love you too and yes!... I will marry you, warren "....
BBY(wife series 2)
BINABASA MO ANG
Bewitched By You (Completed)
General FictionSynopsis After she was being adopted by Don Mariano Ramirez ay hindi na niya nakasundo pa ang apo nitong si Warren Daxus Ramirez. He always hurt her, not physically but emotionally through his words and rude manners. Pero kahit gaano pa kasama ang u...