Chapter Eleven
Bumangon siya na parang pinupokpok ang ulo niya.
What happened?.. Piping tanong niya habang sapo ang ulo niyang parang hinihiwa ng chainsaw sa sobrang sakit.Inilibot niya ang paningin at nakita niyang hindi pamilyar ang kwarto na tinulogan niya. Don't tell me?.. No! Hindi pwede!.. Hindi ako nakikipag- one night stand! Imposible!... Tiningnan niya ang sarili at napahinga ng maluwag nang makitang suot pa niya ngayon ang sinuot niya kahapon. Inilibot niya ulit ang paningin at nakitang parang nasa isa yata siyang presidential suite. Kung hindi siya nagkakamali ay nasa hotel siya.
Nagmamadaling bumaba siya ng kama nang biglang bumukas ang pintuan ng banyo at nakita niya si warren na nakatapis lang ng tuwalya at tila bagong ligo lang. Tila natulos siya sa kina-uupoan ng makita ito.
" W-what a-are you doing here? ". Mahinang tanong niya rito. Bagama't mukhang nahuhulaan na niya ang isasagot nito'y nais pa rin niyang makasiguro. Nangunot ang noo nito sa tanong niya. " You don't remember? ". Tanong nito. Umiling siya bilang sagot rito.Napaatras siya sa kina-uupuan ng makitang dahan-dahang lumapit sa kanya ang binata. Nasa kalagitnaan na siya ng kama at napasandal na rin siya sa headboard ng kama nang
ma- corner siya nito." Well, naglasing ka lang naman kagabi kaya kita dinala dito ". He huskily said while looking at her lower lip. She unconsciously bite her lip when she felt that familiar tingling sensation in her stomach. Para bang may butterflies na nagliliparan sa sikmura niya. " Can you move a little?. It's kinda awkward, you know? ". She want to divert his attention from her lips.
A small grin appeared on his lips. Right! He was just teasing her! At eto na naman siya, nag-assume agad na hahalikan siya ni warren!.. Ambisyosa ka talaga bella!... Nagulat siya ng umayos ito ng upo sa kama at inabot ang tuwalya na nasa bedside table na nilapag nito kanina ng lumapit ito sa kanya. '' We need to talk ". Seryosong sabi nito sa kanya habang patuloy na nagpupunas ng buhok. " You should eat your breakfast first before we talk. Magbibihis lang muna ako ng damit ". Sabi nito sa kanya bago itinuro ang pagkain na nasa lamesa malapit sa kama at dire-diretsong pumasok ng banyo para magbihis ng damit.
Ramdam niya ang pagkulo ng sikmura kaya naman wala siyang choice kundi ang kumain. Kumakain na siya ng lumabas si warren mula sa banyo. Nagtaka pa siya ng makitang naka simpleng t-shirt lang ito at naka cargo short's. Mukhang wala yata itong balak na pumasok ng trabaho.
Nag-umpisa na kasi itong mag-training para sa magiging posisyon nito sa kompanya ng abuelo nila. Dati pa rin naman nitong gusto ang kompanya na yon. Kaya nga hindi siya nagtangkang pumasok sa kompanya ng lolo nila dahil baka may masabi na naman ito sa kanya.
" Hindi ka magti-training? ". Tanong niya dito habang umu-upo ang binata sa harapan niya.
'' Nope. Day-off ko ngayon. It's sunday babe ". Mula sa pagkain ay agad siyang napaangat ng tingin dito. " Did you just call me babe? ". Manghang tanong niya rito. " Yes, why?. May problema ba, kung tawagin kitang babe? ". Ibinagsak niya ang kubyertos dahil sa sinabi nito. Paano siya nito nagagawang tawaging babe? Eh parang kahapon lang halos humiwalay na ang labi nito sa mukha nito sa pakikipaghalikan sa babaeng hindi yata alam kung pano isinusuot ang short na hindi nagmumukhang diaper sa sobrang ikli!. Halos kita na ang hiwa ng pwet nito sa suot nitong white shorts kahapon.Yun pala ang klase ng mga babae na pinapatulan nitong shokoy na ito!. " Don't you ever call me that again ". Mariing wika niya rito.
" and why not? ". At ang lalakeng magaling!. Nakangisi pa sa kanya na para bang tuwang-tuwa sa inaasta niya. " Because i said so. At isa pa, baka kung ano pang isipin ng ibang tao kapag narinig nila yang tawag mo sa'kin ". Inis na sabi niya rito." Sabi mo eh ". At talaga namang!. Haiist.. Bella, yung puso mo ingatan... Binugbog mo na nga yan kahapon sa kakaiyak mo! Dapat pagpahingain mo muna yan ngayon... Kawawa naman... Pilit niyang kinalma ang sarili bago walang emosyong humarap ulit dito. " Ano nga pala yung gusto mong pag-usapan? ". Mahinahong tanong niya rito.
" Gusto kong malaman kung kailan tayo ikakasal. Kung saan mo gusto. Kung saan tayo magha- honeymoon. At kung ilang bata ang gusto mong gawin natin. Para naman mapaghandaan ko na ". Nakangising sabi nito sa kanya.
Hindi niya namalayang nahulog na pala ang basong iniinom niya dahil sa tanong nito. Uminit ang buong mukha niya dahil sa sinabi nito. The nerve!!! ....
Hindi niya inaasahang iyon ang sasabihin ng lalake sa kanya.Is he playing games with her again?. Because if he is, lalaruin din niya ang laro nito. At sisiguraduhin niyang ang magiging kabayaran ay ang puso nito. Tingnan lang natin kung makakabangon pa 'tong kumag na ito!.
BBY(wife series 2)
BINABASA MO ANG
Bewitched By You (Completed)
Narrativa generaleSynopsis After she was being adopted by Don Mariano Ramirez ay hindi na niya nakasundo pa ang apo nitong si Warren Daxus Ramirez. He always hurt her, not physically but emotionally through his words and rude manners. Pero kahit gaano pa kasama ang u...