Warren's Pov:
Kasalukuyan silang nakaupo sa swing na katabi lang ng kanilang living room. Open door lang kasi ito sa hardin nila kaya naman naisipan nalang nilang magpagawa ng swing para at home ang sino mang makakakita ng bahay nila. Mula roon ay kitang-kita niya ang mga batang masayang naghahabulan. Pilit na hinahabol ng anak niyang lalaki ang anak niyang babae para pinturahan ito sa mukha. Napatawa nalang siya ng kumuha ang anak niyang babae ng walis para ipalo sa kuya nito kaya naman ang anak niyang lalake naman ang tumatakbo palayo ngayon dito.
He felt contented and happy with his family. Nakahilig naman sa braso niya ang asawa habang masuyo niyang sinusuklay ang buhok nito na nililipad ng hangin." Thank you for making me completed, honey ". Nakita niya ang bahagyang pagngiti nito sa kanya. " Salamat din hon, sa walang sawa mong pagmamahal sa'min ".
Narinig nila ang mahinang pagtatalo ng dalawang bata kaya naman umawat na siya agad bago pa ito humantong sa tampuhan. Rinig niya ang bahagyang pagtawa ng asawa. Nangungunot ang noong tinitigan niya ito, " what are you laughing at, hon? ". Umiiling pa ito habang tumatawa. Her smile never failed to amaze him. Until now, inlove pa rin siya rito.
" Wala lang. Natandaan ko lang nung mga panahong sinusungitan mo'ko. Ang high blood mo kaya nun. Parang laging may dalaw ". Ngisi nito sa kanya.
" Don't teased me, wife. Dahil alam ko namang patay na patay ka na sa'kin noon pa. Baka akala mo!. Alam kong ikaw ang palaging nag-iiwan nang letter sa locker room ko ". Mayabang na sabi niya rito. Namula naman ang buong mukha nito dahil sa sinabi niya kaya napatawa nalang siya. " Tse! Ikaw nga diyan eh! Nagnanakaw ng first kiss ng iba nang walang pasabi! At sa debut ko pa huh?! ". Kasing pula na nang kamatis ang mukha nito kaya lalo siya natawa. Pero pagka mamya-maya ay nawala ang tawa niya at napalitan ng ngisi ng may matandaang kapilyuhan noon. Siguro, wala na rin namang mawawala kung sasabihin niya dito ang katotohanan.
" Actually, hon. Hindi yun, yung first kiss natin ". Pag-amin niya rito.
" Anong ibig mong sabihin? ". Nakakunot ang noong tanong nito sa kanya.
Napatawa nalang siya ng maalala ang kalokohang ginawa niya.
Kumakain sila ng agahan nang may sabihin ang lolo nila tungkol kay isabella.
" Warren, gagawin daw model ng tita janice mo 'tong si bella sa kids wear niya, na ife- feature sa isang magazine. Sang-ayon kaba? ".
" Why are you asking me that?. Hindi naman ako ang magdi-desisyon niyan kundi si bella hindi ba?. Siya nalang ang tanungin niyo diyan ". Masungit na saad niya sa lolo niya.
Mula sa kina-uupoan niya ay kitang-kita niya ang maamong mukha ng batang babae na dinala dito ng lolo niya isang buwan na ang nakakaraan. Naiinis siya kapag tinitingnan siya nito ng ganon. Kumakabog kasi nang mabilis ang puso niya kapag tinitingnan siya nito. Nanlalamig din ang mga kamay niya kapag nasa tabi niya ito, kaya naman hangga't sa maaari ay umiiwas nalang siya dito. He feels like, she's bewitching him. Para siya nitong kinukulam dahil kahit gabi ay ito pa rin ang laman ng isip niya. Kahit sa edad na thirteen, ay alam na niya kung ano yun. Ayaw lang talaga niyang aminin.
Isang araw, pagpasok niya sa bahay ay nakita niya ang tita janice niyang may hawak na mga larawan. Mukhang masyadong focus ang tita niya kaya naman dahan- dahan siya lumapit dito para tingnan kung anong tinitingnan nito. Bahagya siya nanigas nang makitang si isabella ang mga nasa larawan. At kahit napakabata pa nito'y hindi maitatangging napakaganda nito. Hindi niya napansing kanina pa pala siya tulala sa larawan at kanina pa din siya tinitingnan ng tita janice niya.
BINABASA MO ANG
Bewitched By You (Completed)
Aktuelle LiteraturSynopsis After she was being adopted by Don Mariano Ramirez ay hindi na niya nakasundo pa ang apo nitong si Warren Daxus Ramirez. He always hurt her, not physically but emotionally through his words and rude manners. Pero kahit gaano pa kasama ang u...