Chapter Eight

10.8K 277 6
                                    





Chapter Eight



Papunta na sana siya sa gymnasium nang makita si warren at aaron na papasok sa isang bakanteng bodega sa likod ng eskwelahan nila. Hindi na sana niya papansinin ang mga ito, ng marinig niya ang sariling pangalan na binanggit ng isa sa mga barkada ni warren.




" Pare sa totoo lang maganda si isabella. May boyfriend na ba ang kapatid mo? ". Tanong ni aaron dito, habang nakakunot lang ang noo ng huli.




" Why are you asking? May intensyon ka bang ligawan si bella? And for your information, hindi ko siya kapatid ". Rinig niya ang pagkairita sa boses nito. Pero hindi naman niya makita ang itsura nito dahil sa nakatalikod ang binata sa kanya. Nahihiyang tumango naman si aaron sa kaibigan habang nagkakamot ng batok. " oo, sana eh. Kung wala pang boyfriend ang kapatid mo ay liligawan ko sana siya ". Diretsahang pag-amin nito sa kaibigan. Bagay na tila hindi nagustuhan ni warren.






" Hindi ako payag sa gusto mong mangyari ". Rinig niyang sabi nito. Matutuwa na sana siya dahil akala niya ay protective lang ito sa kanya kung hindi lang ito nagsalita ulit. " You deserve someone better, aaron. She's off limits. Hindi siya bagay sa isang katulad mo ".





" And what do you mean by that?". Naguguluhang tanong ni aaron. " Galing ka sa isang mayamang pamilya. At alam kong alam mo naman kung anong klaseng babae ang gusto ni tita artemis para sa'yo. Gusto niya yung mga babaeng nanggaling sa mayamang pamilya at makakatulong sa kompanya ninyo. Hindi ang babaeng tulad ni isabella, na bukod sa wala na ngang mga magulang, ay mahirap pa ".








Nasaktan siya sa sinabi nito. Bukod sa, masama pa ang loob niya sa paghalik nito sa kanya ay iniinsulto na naman siya ngayon ng binata sa harap pa mismo ng kaibigan nito.





" Sabagay, tama ka. Pero pare, sa ganda ni isabella. Ni minsan ba ay hindi ka nagkaroon ng interes sa kanya? ". Curious na tanong ni aaron dito.







" Kahit kailan ay hindi ko magugustuhan ang babaeng yun. Hindi ko magugustuhan ang mga katulad niya. Hinding-hindi ko magugustuhan ang babaeng pinampalit ni lolo kay wilma. Kaya kahit siya pa ang huling babae sa mundo ay hinding-hindi ko siya papatusin ". Pinal na saad nito.







Umiiyak na tumakbo siya palayo sa lugar na yun. At pinangako sa sarili niya na hinding-hindi na siya maniniwala sa binata kahit kailan. Simula din non ay hindi na siya nagpakita pa rito, kahit nasa iisang bahay lang sila nakatira ay iniiwasan niyang mag-krus ang landas nila. Ayaw na niyang masaktan pa. Ayaw na rin niyang umasa pa dito. Hanggang sa dumating ang araw nang pag-alis nito ay hindi pa rin siya nagpakita sa binata.








Lumipas ang maraming taon at nasanay na siyang wala ang lalake. Ni ang makibalita ay hindi niya ginagawa, para tuluyang makalimot sa sakit na idinulot nito sa kanya. Mas pinili niyang ipursige ang pagtuturo kaysa ang pagsali sa kompanya ng kanilang lolo. Doon naman talaga kasi siya masaya, kaya yun ang pinili niya. Nabalitaan niyang ikakasal na ito sa nobya nito sa amerika at natupad na rin ang pangarap nitong maging abogado. Kahit papano ay masaya siya para dito. Isa rin naman ito sa naging dahilan kung bakit nagpursige siya sa buhay. Mabilis na lumipas ang walong taon at nasanay na siyang wala ito. At hindi lang ni minsa'y hiniling niya na sana ay hindi na ito muling bumalik pa. Pero sabi nga nila. Mapagbiro ang tadhana. Dahil kung kailan nakalimutan na niya ang binata ay saka naman ito nagbalik sa buhay niya. Sa buhay nilang lahat.













" At sa tingin mo paniniwalaan kita? ". Nakataas ang kilay na tanong niya rito. Agad namang lumambong ang mga mata nitong nakatingin sa kanya. Hindi niya alam na magaling din pala itong aktor dahil napapaniwala nito ang ibang tao sa kasinungalingan nito. Pero hindi siya.




" Hinding-hindi na'ko maniniwala sayo kahit kailan. And for your marriage, hinding-hindi ako magpapakasal sayo. I don't know what's your intention in marrying me. Pero kung ano mang pinaplano mo, ihinto mo na. Because it's useless dahil wala kang mapapala sa'kin ". Pagkasabi noo'y agad akong umakyat sa silid ko at nag-lock nang pinto. Hinayaan ko ang mga luhang malayang umaagos mula sa mga mata ko. Napahawak ako sa dibdib kong naninikip dahil sa sakit na nararamdaman. Napatigil ako ng marealize ko ang isang bagay.





Kung bakit ako nasasaktan, nung malaman kong ikakasal na siya. At ngayong sinasabi nitong mahal siya nito. Nasasaktan siya dahil mahal pa rin niya hanggang ngayon ang binata. Kahit na nga sinaktan siya nito noon ay mahal pa rin niya ito. Akala niya, nabaon na sa limot ang lahat. Akala niya nakamove-on na siya dito at nakalimutan na niya ito. Pero nagkamali pala siya.








Dahil akala lang pala niya yun......






























BBY(wife series 2)

Bewitched By You (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon