Zai pov
"Ma'am ang may-ari ng resort na gusto n'yong bilhin ay sumang-ayon na upang makipag-kita sa inyo and your appointment is two days from now 10:00pm at gaganapin sa resort na pinambibili nito." I sigh and nodded, buti two days from now pa dahil nangako pa naman ako na ipapasyal ko sa mall si Zerrah mahirap na baka magtampo pa ito. Iba pa naman iyon kung magtampo tatahimik talaga iyon at hindi ako kakausapin at minsan e' mang-tritrip pa ito, itatago cellphone ko o' minsan susi ng sasakyan ko.
"Thanks Rita you may go now." She nodded and walk away, hinilot ko ang sentido ko dahil sumasakit iyon ngunit napatingin akong muli sa pinto ng opisina ko nang bumukas iyon at iniluwa nito ang limang buwan na buntis na si Raven nakangiti pa ito kaya napailing-iling ako. Ano na naman kaya ang sinadya nito rito.
"Bruha!" Tili nito naku grabe talaga ang impluwensiya ng boy dagat na 'yon sa bundat na babaeng ito. Akalain mo naging bungangera ito shemay sakit sa tenga mas okay sana kung ako ang nag-iingay pero kapag ibant tao e' naiirita ako.
"So bakit ako dinalaw ng buntis?" Nagpout ito at sinamaan ako ng tingin. Teka nga may sinabi ba akong mali?
"Ayaw mo ba ako makita? Hindi kana kasi pumupunta sa mansion." Alangan naman pumunta ako roon tapos magkita na naman kami ng ugok na 'yon. No way! Pero paano ko ba ito I-eexplain sa buntis na nasa harap ko. Isa pa itong matampuhin e'
"Ahmm B-busy lang." Pagdadahilan ko at iniwas ang tingin ko rito at nagkunwaring nagbabasa ng mga papeles. Sana nga lang e' tanggapin nito ang palusot ko.
"Hoy bruha halata talagang nagsisinungaling ka. Nga pala paano mo nababasa 'yang papeles kung baliktad?" Napatampal ako ng noo at tumingin sa mukha ni Raven na may nakapaskil na ngisi. Arghh tanga ka talaga Zai, hina mo talaga sa mga palusot.
"Ano naman ang dahilan?! At saka hindi mo ba alam ito ang new style ko ng pagbabasa." Hayy strike two, magdadahilan na nga lang 'yun pang walang kwenta. Kaya ang resulta mas lumapad ang ngisi ng bruha.
"Si sharp shooter man ba ang dahilan kaya balisa ka ngayon bruha?" Naiinis na sumimangot ako, paano na naman napasok ang idea na iyon sa utak ng bruhang ito? Ako balisa? Putek!
"No! Hindi never!" Tumawa lang ito. Langhiya sarap sapakin. Parang lumabas na defensive ako masyado pero totoo naman sadyang ayaw ko lang ng gulo.
"Aba aba nagdadalaga muli ang flower ni Zai." Binato ko ito ng pencil ngunit nakailag ito at umupo sa upuang nasa harap ng mesa ko. Bwisit kung hindi lang talaga ito buntis tiyak makakatikim ito sa akin.
"Kung magdadalaga ang flower ko tiyak hindi si ugok ang dahilan! Isa pa matagal ng dalaga ang flower ko ready na madiligan hanap lang ako ng mandidilig na hindi gago." Nakakaloko lang ako nitong tiningnan. Teka nga bakit ba ako ang inaasar nito? E' dapat ako 'yung nang-aasar e'.
"Talaga lang 'a." I roll my eyes kahit kailan talaga ang galing nitong mang-asar mana sa'kin.
"Talagang-talaga. So pwede bang deretsuhin mo na ako. Anong kailangan mo buntis?" Ipinatong ko ang baba ko sa isa kong kamay na nakapatong sa mesa. And look at her intently. Kasi hindi ito mambwibwisit kung walang kailangan.
"Alam mo naman na next week na ang kasal---" Hindi ko ito pinatapos at sumabat na ako.
"Syempre alam ko! Ako ba naman ang piliin mong bride's maid." Sinamaan ako nito ng tingin fuck mukhang nagalit ata ang dragona.
"Patapusin mo ako pwede?" Natameme ako masyado itong moody.
"So ayun nga may party kaming gagawin sa mansion kaya pumunta ka." Shit! iniiwasan ko nga na mapunta sa bahay nila dahil baka dumalaw ang ugok tapos ngayon, party? Tiyak na pupunta 'yong ugok na 'yon dahil bestfriend ito ni Roux. Kaya it's a big no for me.
![](https://img.wattpad.com/cover/114998539-288-k90990.jpg)
BINABASA MO ANG
Hate Series 2: Zairah Wintei Zee
Random"You are my wife! Kukunin ko lang kung ano ang akin! Ang matagal ng akin Zai. This womb is once with my child at sisiguraduhin kong ito pa rin ang magdadala ng mga anak ko, your heart even if it's full of hatred it's still mine. At huwag na huwag ka...