26

7.2K 145 23
                                    

Zai pov

Umupo ako sa kama kung saan nakahiga ang anak ko akap-akap nito ang unan ko, may bahid ding luha ang mga mata nito. Sabi ng yaya nito kanina pa raw ito umiiyak dahil sa kakahanap sa'kin lalo pa't kahapon ay hindi ako umuwi dahil sa kagagawan ng ama nito sa naisip ko ay bumangon na naman ang galit sa puso ko ang sama niya! Hanggang ngayon ginagawa niya pa ring komplikado ang buhay ko.

Gabi na rin akong umuwi dahil binisita ko ang anak ko at ang mga magulang ko, gumagaan kasi ang loob ko kapag nakakapaglabas ako ng sama ng loob at kinukwento iyon sa anak ko. He's my angel at masakit pa rin dahil hindi ko man lang ito nakasama pero nangyari na ang lahat at saka may isa pa akong anak na kailangan pagtuunan ng pansin. Ayokong pati ito ay mawala, hindi ko kakayanin.

"I'm sorry.." I said and kiss her forehead saka humiga ako at yumakap rito.

Mahal na mahal kita anak huwag mo iwan si mama please.

Dumaloy ang aking mga luha at hindi ko alam saan kakapit kundi sa anak ko.

Takot na takot ako, I am afraid that one day I'll wake up without her warmth.

Nagmulat ako ng mga mata at ramdam ko ang sakit sa buo kong katawan, napatingin ako sa kisame tila pakiramdam ko ay lumulutang ako hindi ako makaimik ngunit ang akala ko'y manhid ako hindi pmula sa higaan at napatawa ako ng mahina hindi talaga ako patatahimikin ng bangungot
lagi itong andiyan, pero ang lubos kong nauunawaan ay ang kaisipang na walang nagbago, he's still the abuser na walang ginawa kundi saktan ako ng lubos.

Tiningnan ko ang aking mga kamay at doon nakita ko ang mga marka, my wrist looks so raw, pulang-pula iyon at alam kong dahil iyon sa higpit ng pagkatali nito sa akin at dahil sa pagpupumilit kong pumiglas kasi sino ba namang gusto magpatuloy ang gano'n? Sino bang taong gugustuhing angkinin ng walang ingat.

And now?

Again I am filled with colors and marks tila bumalik ako sa dating ako, ang ako na walang ginawa kundi hayaan itong saktan ako, kaya gusto kong saktan sarili ko kasi hinayaan ko na naman siya, ni hindi ko man lang ito nalabanan, I am again weak and useless.

'Di ba dapat natuto na ako? Dapat nagawa ko itong pigilan at saktan pero ang nangyari ay kabaliktatan dahil ako ang nasaktan at ako ang inabuso.

Pero ano bang laban ko sa taong 'yun sino ba ako? Ako lang naman si Zai ang laruan nito, laruan ng lahat.

Laruan na hindi man lang nito magawang palayain at ni hindi nito nagawang hayaang ako maging masaya kahit na sobra na ang paghuhumiyaw ng puso ko, sinisigaw ang mga salitang tama na, pagod na ako..

Please lang maawa kana..

Ang hirap magpanggap na matapang, sobrang hirap. Gusto kong maniwala silang matapang na ako pero hindi nangyari bagkus gano'n pa rin tinitingnan pa rin ako bilang mahinang nilalang na pwedeng apakan.

Ang sakit kasi knowing my friends alam kong gusto nilang malakas ako at matapang pero hanggang kailan ko ba pwedeng suotin ang maskara ng kalakasan? Hanggang kailan ako maniniwala sa kasinungalingan na ako mismo ang sumasampal sa sarili ko ng katotohanan.

They taught me how to fight nagagawa ko naman pero sa una lang, dahil sa huli babalik rin ako sa dati at sa huli wala akong magawa kundi tanggapin ang aking aking pagkatalo.

Ngunit sawa na ako, sawang-sawa na akong magamit, sawa na akong lumaban tapos sa huli ako pa rin ang talunan ako pa rin ang luhaan.

Napahawak ako ng mahigpit sa aking balat, gusto kong mawala ang dumi gusto ko mawala ang kaisipan na,

Hate Series 2: Zairah Wintei Zee Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon