chapter12

16.8K 364 8
                                    

Zai pov

Napupuyos ako sa galit dahil sa lalaking nakahawak ngayon sa beywang ko, na aakalaing mong sweet na sweet na asawa pero 'yon pala isa itong demonyo!

Arghh!

"Naku Ija isabay mo na si Gid dahil isa lang ang kotseng dinala namin saka may dadaanin pa kami ni Geneva." Shit naman! Akala ko makakalayo na ako sa lalakeng ito. Grabe ka tadhana kung maglaro wala naman akong ginawang masama, sinabi ko lang na magsasara na ang bajayjay ni Zeine pero sorry na gagawin ko ang lahat basta hindi lang kami magsama.

Kasi baka kunin ako ni Lord ng maaga shemay talaga o'

"Ahh kasi tita--" Hindi ko natapos ang sasabihin ko ng iginalaw ni Gid ang kamay nito mula sa beywang ko pataas sa tiyan ko. Langhiya!

Ano ba talaga problema nito?

"Yes mom sabay na kami para naman magkamoment kami nitong asawa ko. Babe give me your key para ako na ang madrive." Gusto ko talagang magwala, habang sina tita ay parang bulati na binudburan ng asin dahil kinikilig. Yuck! Wala namang nakakagilig doon e'!

Ngumiti ako ng pilit at saka lumapit ako ng kaonti rito.

"Kotse ko 'yon kaya ako--" Galit na sabi ko pero natigilan ako at natahimik nang makita kong nakaawang ang labi ni tita dahil sa pagkagulat kasalan talaga ito ng unggoy na nagngangalang Gid!

Hindi ako makapagprotesta! Masyado akong nakulong sa sitwasyon na ito.

"Ayy! Oo naku sige na honey ikaw na lang ang magdrive, pagod din kasi ako pero ikaw ba hindi ka pagod? Kasi kaya ko pa rin naman magdrive." Alanganin na tiningnan ko si tita and sigh in relief when she smile.

"Oo naman honey hindi pa ako pagod." He murmur at isa lang ang masasabi ko ang landi nito may pahimas-himas pa ito sa beywang ko sarap tadyakan ang pagmumukha.

Dagdag pa sa inis ko ay 'yung Ngingiti-ngiti lang ito na parang aso. Wala talaga akong choice! Kaya binuksan ko ang pouch ko at kahit labag sa loob ko ay kinuha ko ang susi ng kotse ko saka inilagay sa nakalahad na kamay ng ugok.

"Mauna na kayo sa kotse niyo Ijo, Ija." I fake my smile and walk with the demon. Nang marating namin ang kotse ko, ay pinagbuksan ako nito ng pinto and I can't help but be Sarcastic ang galing ni kuya na umarteng gentleman edi siya na ang may award na pinakamabait at maalaga na asawa. Bwisit! At ayun nga dumiretso na sa driver sit ang magaling kong asawa saka pinagana ang engine... o' 'di ba feel niya talagang kotse niya ito taena saludong-saludo ako kay kuya gago! Akala mo sa kaniya ang kotse may pasipol-sipol pa itong alam

"Anong kalokohan ba itong pinanggagawa mo Gid?!" Hindi ko mapigilang isatinig iyon. I'm frustrated as fuck!

'Yung makikita mo na lamang ang sarili mo sa gitna ng sitwasyon na tila ikaw lang ang walang alam sa mga nangyayari.

Para kang tanga.

"Kalokohan? No, because I'm being a good husband to you my wife wala namang joke roon 'di ba?" Patuloy ito sa pagdradrive habang may malapad na ngiti, baliw ba siya? Nawala na ata ito sa katinuan, una ang kilos nito ay nagbago tapos ngayon mga pananalita nito! E' dati kung murahin ako nito at gawing impyerno ang buhay ko ay sobrang galing nito.

Nakakagulat lang na ganito ang iaakto nito ngayon.

"Husband? Talaga lang 'a! Can you stop this Mr. Emerson because were over! Shit ka! Lahat ng nangyari ay joke! Walang tama sa ginawa mo ngayon Emerson dahil mapapawalang bisa na ang ating kasal pero pinapaasa mo sila tita!" I glare at him pero wala itong pake sa'kin at tutok lang ang mga mata nito sa daan.

"As I remember Mrs. Emerson we're still married." Malamig na saad nito aba ang lakas ni kuya. So ngayon ito na naman? Kasal? Putang kasal 'yan napakadumi! Papel lang ang bumibigkis sa amin walang iba!

Hate Series 2: Zairah Wintei Zee Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon